You are on page 1of 5

B15 Pascual, Mainard Tim B.

IV Mabini LAYUNIN : Layunin na gumawa ng isang kwento tungkol sa kasabihang Ang kabaliwan ay
ang pag ulit sa isang bagay ng maraming beses at paghintay sa ibang resulta. sa Teoryang Eksistensyalismo.

SA PAGDAAN
TAGPUAN : Sa ibang dimensyon. At sa isang kaharian na pinamumunuan ng isang walang tulad na hari. TAUHAN : SKRIP : Haring Leon, Haring Debros at mensahero Ang storyang ito ay nag tatalakay sa isang masamang katangian ng karamihan ng tao. Eto ay ang hindi pagkatuto sa mga pagkakamali. Tinatalakay sa kwento ang pangangailangan ng tao na humanap ng alternatibo o ibang paraan para makamit o magtagumpay sa isang layunin. ARAL : Ang aral ng kwento ay na dapat magisip ng mabuti ang sinuman sa mga ginagawa niyang hakbang. Na hindi isarado ang isip sa isang paraan lamang at pag hanap ng mas maganda o epektibong paraan.

KWENTO : Sa isang dimensyon, na hindi makikita sa kahit anong mapa, at ang mga tao dito sa mundong ito lang ang nakakaalam kung nasan sila. Hindi rin nila alam na may iba pang mundo bukod sa mundo nila. Sa mundong iyon, ang angkan ng Icorrdio ang naghahari, ang angkan na ito ang kukokontrol sa mga nangyayaring palitan, sa lupa man o sa karagatan. Ang angkan ng Icorrdio din ang sinusunod ng pinakamalaking sandatahang lakas sa mundong iyon, ang hukbo ng vaegir.

Si Haring Leon, lider ng angkan ng Iccordio ay isang malupit na pinuno, hindi siya naaawa sa mga pinaparusahan niya. Isa siyang may katandaang hari, nasa 60+ na ang kanyang edad, puti na ang karamihan sa buhok niya at mahina nadin ang katawan. Isa siyang walang pusong hari. Buong lupain ang nagagalit sakanya, lahat ay gustong tapusin ang sarisariling paghihirap sa kamay ni Haring Leon. Karamihan kasi ay inaalipusta nito, ilan sa mga ito ay sumubok na lumaban o gumanti, ngunit ang kanilang inabot lamang ay parusang kamatayan o panghabang buhay na pagkakabilanggo. At minsan pa ay si Haring Leon mismo ang gagawa ng mga nakakagimbal na bagay sakanila. Pero may umuusbong bagong rebelyon, na nooy pinamumunuan ni Haring Debros ng angkang ng Swadia. Si Debros ay isang mapagmahal na hari, isang mabata-bata na hari, 30+ at matipuno. Mahal siya ng kinahaharian niya, at ang mga kawal niya ay handing ibigay ang buhay nila para sakanya. Sa ilalim ng tirik ng araw, nagsimulang umalis ang hukbo ni Haring Debros, na binubuo lamang ng 1000 katao, patungo sa kapitolyo ng kaharian ni Haring Leon, ang Kastilyo de Peccavi na hinaharangan ng napakataas at napakakapal na mga pader at sa loob ay may higit sa 5000 sundalo na maayos na nakagayak pang gera. Pagsapit ng gabi kung saan sila ay nakatago sa dilim at katahimikan, Inutusan ni Haring Debros ang hukbo niya na sumugod. Ngunit di inasahan ni Debros ang nangyari, umulan ng mga bolang apoy na sumunog at yumupi sa mababagsakan at madadaanan nito, umulan din ng mga pana, maga pana na pagpaitim lalo sa noon nang madilim na gabi, natakpan nito ang ilaw mula sa buwan. Dahil dito, di lumagpas ng kalahati ang nakaabot sa paanan ng na pader, at ang natira ay walang kahirap hirap na pinagpapatay ang mga walang kalaban laban na sundalo sa ilalim ng tulay na hindi nakaabot sa kalahati ng taas ng tulay gamit ang kanilang mga hakbangan. Si Haring Debros, ngayuy dismayado ay tumawag ng isang mensahero at tumawag ng isa pang hukbo na may 1000 katao. Pagkalipas ng isang araw dumating ang hukbo, at noon

pinasugod niya ito. Pero parehas lang ang kanyang nakita, ang mga tapat niyang kawal ay namamatay sa kamay ng isang masamang hari. Pero hindi tumigil si Haring Debros, tumuloy ito ng 1 lingo. Hanggang sa lumapit sakanya ang mensahero niya at sinabi sa nooy pagod, desperado, at nakatungong hari na Aking mahal na hari, patawarin mo ako sa aking pakikialam, ngunit nagsisimula ng magalit at mawalan ng tiwala sayo ang mga kawal ng Swadia. Anim na libo nalang ang natitira ninyong tauhan. At takot ako na kahit ipadala ninyo silang lahat ng sabay-sabay ay hindi natin makukuha ang Kastilyo de Peccavi sa paraang ating ginagamit. At maiiwan rin nitong magisa an gating kaharian at magkakagulo--- napatigil ang mensahero ng itaas ni Haring Debros ang kanyang ulo at tumingin sakanya, sa takot ay humingini siya ng paumanhin at tumalikod, ngunit tinawag siya ni Haring Debros at sinabing Tawagin ang bawat kawal ng Swadia na nandito ngayun, tayo ay babalik na nang Swadia. Nagulat ang mensahero, tumungo at ginawa ang inuutos. Sa hapon ng araw na yun ay umalis sila, lahat sila pagod at nanghihina. Sa pagod ay napadaan sila sa mga base ng Icorrdio. Ngunit sa pabor nila, sila ay hindi ginawang mga bihag, kahit dumaan sila sa limang ibat ibang base, kada isa ay merong humigit kumulang sa 1500 na sundalo. Makikita sa pagod na mata ni Haring Debros ang pagtataka--- at pagkakaron ng ideya. Sa daan nakita niya ang ilang sundalo ng Icorrdio na hindi tinatrato ng maayos ng iba sa mga opisyal ng Icorrdio. Nakabalik sila sa kaharian ng Swadia, doon ay kahit sunud-sunod ang pagkatalo niya ay nirerespeto at mahal padin siya ng nasasakupan niya. Umupo si Haring Debros sa upuan niya at nakatulog doon mismo. Gumising sa pagkalipas ng 12 na oras. At dalidaling sinuot ang baluti niya, tinawag ang mensahero at inutos na tumawag ng limang daan sa pinakamagagaling na sundalo ng Swadia, sinabi din niya ang mga katagang Sa ating pagdaan, tayo ay nagwagi. Nagulat ang mensahero, ngunit nakinig, sa kanyang paglalakad ay iniisip niya kung anung iniisip ng hari, ngunit di niya ito maisip. Walang pagaalinlangang

sumunod ang limang daan na kawal. At inutusan niya na maglagay ng putting tela sa takip ng mga espada, simbolo ng kapayapaan. Sila ay naglakad, patungo sa pinakamalapit na base ng Icorrdio, doon ay naratnan nila ang maling pagtrato sa mga kawal. At nagutos si Haring Debros ng infiltrasyon, sa layunin na patayin ang opisyal doon. Sa umaga gumising ang mga kawal sa basing yun na si Haring Debros ang nasa harap. At hinikayat ng hari na sumama sa kanila at tapusin ang kasamaan ni Leon. Sa pagod sa kasamaan ni Haring Leon, pumayag ang mga taga-Icorrdia. Ginawa niya ito sa susunod na apat pang basa. Sa katapusan ay nakakuha siya ng halos 7500 na Icorrdiono at dagdag pang 500 na Swadiano. Lahat lahat ay nasa 8000 na kawal. Madaling araw ay handa ng sumugod ang hukbo ni Haring Debros. Ngunit, hindi na niya gagawin ang pagkakamali niya, inutusan niyang magmarcha ang mga Icorrdiono papasok ng Kastilyo de Peccavi. At pag nasa loob na sila ay patagong sirain ang mga makinaryang pang-gera. Pag ito ay nagawa na, saka nila lusubin ang tulugan ng mga kawal ng vaegir, ang iba naman ay buksan ang mga pinto ng kastilyo at magbigay ng senyas sa pamamagitan ng pagtira ng umaapoy na pana. Sa oras na nakita ni Haring Debros ang umaapoy na pana, matapang niyang pinalusob ang mga Swadiano para tumulong sa loob. Isang malaking laban ang nangyari sa loob, ang vaegir ay hindi mga birong sundalo, sila ay maayos na sinanay at pinakain. Sa gitna ng ingay ng mga nag hahatawan na mga espada, mga hiyaw ng mga pumapanaw na sundalo, ang tunog at amoy ng mga nasusunod na bagay, Si Haring Debros kasama ang 70 sa Swadiano ang pumasok sa noon ay nakasara nang bulwagan. Tinulak nila ito at nakita si Leon, sa likod ng 12 vaegir, ang takot na si Leon ay sinisigawan ang mga vaegir at sila ay kinukutya na mga duwag. Ngunit sa galit, tumalikod ang mga vaegir at pinatay si Leon at hinila ang katawan palabas, kung saan pinarada ang nooy duguan at namumutla nang katawan ni Haring Leon.

Pagkatapos ng pitong araw, pinag isa ni Haring Debros ang dalawang kaharian, ginawa niyang tagapagpayo, at kanang kamay ang kanyang mensahero. Simula noon, ang paghahari ni Haring Debros ay naging ehemplo ng mga susunod na namuno sa lugar na iyon.

You might also like