You are on page 1of 2

Mga dahilan ng tetano sa bagong panganak na bata:

St. Joseph College Cavite City Institute of Health Sciences

Ang mikrobyong nagdadala ng tetano ay pumapasok sa pusod ng bagong panganak na bata dahil sa karumihan o kawalang-ingat. Mas malaki ang posibilidad ng tetano:

Naninigas ang mga panga; pagkaraan, ang masel ng leeg at iba pang bahagi ng katawan. Masakit na paninigas ng panga at pagkaraan, buong katawan. Kapag ginalaw o hinipo ang maysakit, maaring manigas siya nang ganito:

Kapag ang pusod ay pinutol sa pamamagitan ng instrumentong hindi napakuluan o hindi nilinis nang husto o Kapag ang pusod ay hindi naputol na malapit sa katawan o Kapag sobra ang pagkakabigkis o laging basa ang bagong putol na pusod.

Sa bagong panganak, ang mga unang palatandaan ng tetano ay karaniwang lumilitaw pagkaraan ng 3 hanggang 10 araw pagkapanganak. Magsisimulang umiyak nang walang tigil ang sanggol at hindi makasuso. Kadalasan, ang pusod ay marumi o may impeksiyon. Pagkatapos ng ilang oras o araw, magsisimula nang manigas ang panga at ang iba pang palatandaan ng tetano. Ang dapat gawin kung may mga palatandaan ng tetano: Ang tetano ay isang sakit na nakakamatay. Humanap kaagad ng mangagamot kapag may nakitang palatandaan. Habang nakalulunok ang maysakit, painumin siya ng masustansiyang likido. Bahagya lamang galawin o hawakan ang maysakit hangga't maaari. Iwasan ang ingay at ma-liwanag na ilaw.

Ano ang tetano? Kapag ang isang mikrobyo na tinatawag na Clostridium tetani ay pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, ang nagiging resulta ay tetano (lockjaw). Napakadelikado nito lalo na kung malalim at marumi ang sugat. Mga dahilan ng tetano:

Kapag ang pusod ay pinutol nang malayo sa katawan, gaya ng nakalarawan sa itaas, mas malaki ang posibilidad ng tetano. Mga palatandaan ng tetano:

Paano maiiwasan ang tetano: Maging sa pinakamahuhusay na ospital, kalahati sa mga taong may tetano ay namamatay. Mas madaling iwasan ang tetano kaysa gamutin ito. Bakuna. Ito ang pinakatiyak na proteksiyon laban sa tetano. Bata man at matanda ay kailangang bakunahan. Pabakunahang lahat ang miyembro ng inyong pamilya sa pinakamalapit na health center. Kapag may

Sugat na may impeksiyon (kung minsan, walang makikitang sugat). Pagigingasiwa. Masama ang nahihirapang lumunok.

pakiramdam

at

bakuna ang mga buntis, naiiwasan ang tetano sa mga bagong silang na sanggol. Kapag may sugat, lalo na yaong marumi at malalim, linisin at pangalagaan ito. Kapag malaki, malalim at marumi ang sugat, tumawag ng doktor. Kapag hindi pa nababakunahan ng anti-tetano, gumamit ng penicillin. Makabubuti ring magpainiksiyon ng tetanus antitoxin. Sa mga bagong panganak na sanggol, mahalaga ang kalinisan para maiwasan ang tetano. Ang instrumentong ginamit sa pagputol ng pusod ay kailangang isterilisado; dapat putulin ang pusod nang maikli, at panatilihing malinis at tuyo ang paligid nito.

Reference: http://health.wikipilipinas.org/index.php?title=Tetano

You might also like