You are on page 1of 6

San Sebastian College - Recoletos

High School Department S.Y. 2012-2013 SUBJECT MATTER BUDGET SA ARALING PANLIPUNAN VIII

TEMA
Unang Markahan Heograpiya at Sinaunang Kabihasnang Asyano

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Asyano

NILALAMAN
Aralin 1 - Ang Konsepto ng Asya Aralin 2 - Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya Aralin 3 - Mga Likas na Yaman ng Asya Aralin 4 - Mga Suliraning Pangkapaligiran at ang kalagayang Ekolohikal ng Asya Aralin 5 - Ang mga Grupong Etnolinggwistiko sa Asya Aralin 6 - Kabuhayan at Pamumuhay ng mga Bansang Asyano sa Kasalukuyan Aralin 7 - Ang Yamang Tao ng Asya Aralin 8 - Ebolusyong Biyolohikal at Kultural sa Asya Aralin 9 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapag uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng heograpiya at tao sa pagbuo at pagunlad ng sinaunang kabihasnang Asyano. Naipapaliwanag ang impluwensya at ugnayan ng heograpiya sa kultura at sa mga tao sa mga bansang Asyano. Nabibigyang puna na pananagutan ng bawat mamamayan na pangalagaan ang kapaligiran at preserbasyon ng pamanang kultural at kasaysayan ng bansa at ng kani-kanyang komunidad. Nakatutupad ng mga gawain na nagpapahayag ng paninindigan sa mga isyung pangkapaligiran at kultural na banta o sumisira sa kapaligiran at preserbasyon ng mga pamanang kultural at kasaysayan ng mga bansa sa Asya. Nabibigyang katwiran na para sa kabutihan ng mga Asyano, lalo na ng susunod na henerasyon ang masinop at hindi mapanirang paggamit at paglinang ng mga likas na yaman, at ang preserbasyon ng pamanang kultural nito Nailalagay ang sarili sa katayuan ng mga taong nagsusulong sa pangangalaga ng kapaligiran, pamanang kultural ng mga bansa sa Asya. Nabibigyang katwiran ang kahalagahan sa naging impluwensya/kaugnayan ng heograpiya sa kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano.

TEMA
Ikalawang Markahan Kontribusyon ng Kasaysayan sa Pagbuo ng Pagkakakilanlang Asyano

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa bahaging ginampanan ng sinaunang kabihasnan sa paghubog at pag-unlad ng pagkakilanlang Asyano

NILALAMAN
Aralin 10 - Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo Aralin 11 - Ang Asya sa Sinaunang Panahon (Sa Iba't-ibang Rehiyon) Aralin 12 - Mga Relihiyon at Pilosopiyang Asyano Aralin 13 - Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya Aralin 14 - Mga Pamana ng Sinaunang Asyano sa Daigdig

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malalim na pagsusuri sa bahaging ginampanan ng sinaunang kabihasnan sa paghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang Asyano. Naipapaliwanag ang bahaging ginampanan ng kasaysayan sa paghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang Asyano. Napatotohanan na mahalaga ang bahaging ginampanan ng kasaysayan, relihiyon at kultura sa paghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang asyano. Naisusulong ang mga gawain na nagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng kasaysayan, kultura at relihiyon sa paghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang Asyano. Nabibigyang katwiran na ang sinaunang kasaysayan, kultura at relihiyon ay nakatulong sa paghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang Asyano. Nailalagay ang sarili sa katayuan ng ibang Asyano na patuloy na nagpapaunlad ng kanyang sariling pagkakakilanlan. Naisasaloob ang sariling pananagutan sa paghubog at patuloy na pagpapaunlad ng pagkakakilanlang Asyano.

TEMA
Ikatlong Markahan Pagkakamit ng Kasarinlan ng mga Bansa sa Asya

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pananakop ng mga kanluranin at naging karanasan sa pagkakamit at pagtataguyod ng kalayaan at kasarinlan.

NILALAMAN
Aralin 15 - Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin Aralin 16 - Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin Aralin 17 - Ang mga Bansang Asyano na Hindi Nasakop ng mga Kanluranin Aralin 18 - Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya Aralin 19 - Nasyonalismong Asyano Aralin 20 - Ang Asya sa Panahon ng Dalawang Digmaang Pandaigdig Aralin 21 - Ang mga Pagpupunyagi ng Kababaihan sa Asya

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pananakop ng mga kanluranin at ang naging karanasan sa pagkakamit at pagtataguyod ng kalayaan at kasarinlan. Naipapaliwanag ang naging tugon ng mga Asyano sa paglaganap ng kapangyarihan ng kanluranin at ng iba pang pwersa. Nabibigyang puna ang pagpupunyagi ng mga Asyano na makamtan ang kalayaan mula sa kapangyarihan ng kanluranin at ng iba pang pwersa. Kilalanin at makibahagi sa mga gawain tungo sa pagpapatatag sa pagka-Asyano sa gitna ng mga hamon ng globalisasyon. Nabibigyang katwiran ang iba't-ibang tugon ng mga Asyano upang makamit ang kalayaan mula sa mga kanluranin at iba pang pwersa. Nailalagay ang sarili sa katayuan ng mga Asyano at pahalagahan ang kanilang pagpupunyagi upang wakasan ang paglaganap ng kapangyarihang kanluranin at iba pang pwersa. Nakapagninilay-nilay sa kahalagahang pangkasaysayan ng iba't-ibang tugon ng pagpupunyagi ng mga Asyano na makamtan ang kalayaan mula sa kapangyarihan ng mga kanluranin at iba pang pwersa.

TEMA
Ikaapat na Markahan Asya sa Kasalukuyang Panahon

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamalas ng mag-aaral ang pagsusulong ng matatag na pagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pagunawa sa kahalagahan ng rehiyonal na pagkakaisa sa Asya, pagkakaiba-iba ng ideyolohiya at kultura, at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon

NILALAMAN
Aralin 22 - Pagbabago sa Sistemang Pulitikal at Pamahalaan sa Asya Aralin 23 - Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya Aralin 24 - Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa mga Asyano Aralin 25 - Relihiyon at Kultura sa Asya Aralin 26 - Kalagayang Pang-ekonomiya Asya sa Kasalukuyan Aralin 27 - Kalakalan, Kultura, at Pag-unlad sa Kasalukuyang Asya Aralin 28 - Mga Kontribusyon ng mga Asyano sa Daigdig Aralin 29 - Ang Kultura Batay sa Asal at gawi ng mga Asyano Aralin 30 - Mga Isyu at Problema sa Pilipinas Bunga ng mga Pagbabago sa Asya Aralin 31 - Mga Sakit sa Asya Aralin 32 - Ang Pandaigdigang Kalakalan at ang Asya Aralin 33 - Mga Hamon ng Papalaking Populasyon at Urbanisasyon Aralin 34 - Migrasyon at Suliranin ng Transnational Crimes Aralin 35 - Pagkakaisa sa Kabila ng Pagkakaiba-iba

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng aktibong pakikilahok sa pagpapatatag ng pagkakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyonal na pagkakaisa sa Asya sa gitna ng pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon. Naipapaliwanag kung paano napatatag ang pagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyunal na pagkakaisa sa Asya, pagka kaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon. Nabibigyang puna ang mga paraan sa pagtatatag ng pagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyunal na pagkakaisa sa Asya, pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon. Nakikibahagi sa pagsasagawa ng mga paraan sa pagpapatatag ng pagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyunal na pagkakaisa sa Asya, pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon. Natitimbang ang mga paraan sa pagpapatatag ng pagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyunal na pagkakaisa sa Asya, pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon.

TEMA
Ikaapat na Markahan Asya sa Kasalukuyang Panahon

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

NILALAMAN

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nailalagay ang sarili bilang isa sa mga pinuno ng bansa sa Asya at gumawa ng mga hakbang sa pagpapatatag ng pagkakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyonal na pagkakaisa sa Asya sa gitna ng pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon. Natataya ang sariling kakayahan sa pakikibahagi sa pagpapatatag ng pagkakilanlang Asyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng rehiyonal na pagkakaisa sa Asya sa gitna ng pagkakaiba-iba ng ideyolohiya, kultura at malawakang pagbabago sa kasalukuyang panahon.

Inihanda ni:

G. Mar B. Fortuno
(Guro ng AP VIII)

You might also like