You are on page 1of 2

IGLESIA NI CRISTO LOKAL NG FRANCISCO HOMES DISTRITO NG BULACAN June 27,2010 Kapatid na Conrado Pascual Jr.

Ministrong Destinado Mahal na Kapatid, Akin pong inilalapit sa inyo ang nagiging problema namin sa isa nating kapatid na si Kapatid na Virginia Gallito, Nakatala sa Lokal ng Central dahil nais niya po na paalisin kami sa bahay na aming tinitirahan na binili namin sa kanya ang rights sa halagang 110,000.00. December 1997 ng ialok sa amin ng kanyang ahente ang nasabing rights ng bahay dito sa Francisco Homes dahil kailangan nila ng pera para sa pagpapagamot sa asawa ng nasabing kapatid. Nagustuhan namin ang bahay dahil sa malaki ang lote at mababa nitong hulog na ayon sa ahente nila ay 2,600.00 monthly lamang kaya binili namin ang rights ng bahay sa halagang 110,000.00 at kami na ang magtutuloy ng hulog.July 1998 ng amin pong malipatan ang bahay dahil sa marami pa po kaming inayos. Walang CR bowl,walang salamin ang mga bintana, walang instillation ng koryente at tubig at walang pinto ang sa kusina kung kaya malaki pa rin ang aming nagastos bago kami nakalipat. Nagpunta kami ng aking asawa sa GSIS para ayusin ang papeles ng nasabing bahay at napag alaman namin na isang beses lamang naghulog ang nasabing kapatid at 4,100.00 na po ang monthly dahil malaki na ang arrears at kabuuang utang. Nagbayad din po kami para sa condonation ng 10% ng utang sa halagang 56,967.50 kung kayat umabot sa kulang 200,000.00 ang aming nagastos bago kami nakatira sa bahay saka po kami nag simulang maghulog. August 2000 ng matigil po kami sa paghuhulog dahil sa kinapos napo kami sa pangangailangan at humina napo ang aking kita. Taong 2004 ng muli kaming mag usap ni kapatid na Virginia at tinanong kami kung bakit din a kami nakapaghulog na amin pong ipinaliwanag sinabi niya sa amin na malapit na raw siyang mag retiro kaya kailangan na mailipat na saming pangalan ang utang ng bahay para di bawasin sa kanyang retirement benefits. Napagpasyahan naming mag asawa na ibayad na ang natitira naming pera para maayos ang problema ng kapatid. Nagkita po kami ni ka Virginia sa GSIS para ayusin ang paglilipat sa aming pangalan. Nauna po siyang nakipag usap sa kinauukulan at pagbaba niya ay sinabing inayos na niya at dina siya kailangan saka iniwan na niya kami dahil may aasikasuhin pa siya. Nang kami nap o ang nakipag usap at ipinakita namin ang aming Deed of transfer of rights. Sinabi po sa amin ng GSIS na magkaiba ang pirma ng mister ni ka Virginia sa Papeles ng GSIS at sa Deed of transfer, kailangan lang daw po ng ID ng na may pirma ng asawa ni ka Virginia. Sinabi po namin ito sa kanya at hiningan namin siya ng ID ng kanyang asawa.( maghahanap daw siya ) ang sabi ng aking asawa ay I Fax na lamang sa opisina ang ID para dina sila maabala na hindi

naman nila naibigay. Tumagal na po kaming di nag usap kaya nagastos na rin namin ang aming pambayad sana. Inisip ko na rin na hindi na po kami ang nagkulang ukol sa bagay na ito. Nitong nakaraang taon 2009 ay iniulat kami ni ka Virginia kay Norman na siyang distinado nagharap po kami sa kapilya at ipinaliwanag namin ang both sides. Sinabi niya kay ka Norman na hindi daw niya alam na hinihingan siya ng ID ng kanyang asawa dahil kung alam daw niya ay madali niyang maibibigay dahil ID lamang daw un. Ang payo po ng Ka Norman ay ayusin na lamang muna sa GSIS at saka uli magharap. Nag punta kami uli sa GSIS at nalaman naming na mahigit na sa 700,000.00 ang utang at hinihingan kami ng 10% para mailipat sa pangalan namin ang utang ngunit wala napo kaming ganong halaga.Napagpasyahan na lamang po namin itong ibenta. Nito ring nakaraang taon iniulat naman kami ni ka Virginia sa Distrito at inayos kami ni Ka Noel Balolong. Ipinaliwanag din po naming ang aming both sides lamang ay nag iba siya ng deklarasyon ukol sa ID. Sinabi niya na nai fax daw niya ng malaman niyang kailangan. Hindi napo ako nakipagtalo ukol sa ID dahil sa iyon ang kanyang ipinipilit. Ang naging usapan na lamang po namin ay ibenta na rin ang rights. Nitong nakaraang 2 linggo ay nagpunta sila sa bahay at sinabi sa amin na babayaran na lamang daw ng kanyang anak at sila na ang kukuha at kailangan naming umalis sa bahay hanggang June 30 lamang daw po. Sinabi po namin na bayaran na lamang nila sa amin ung rights ng ayon sa aming pagkakabili noong 1997 ngunit ayaw niyang pumayag. Kailangan daw umalis kami sa bahay hanging katapusan ng buwan. Ang sa akin lamang po ay, bakit sila ganon wala naman kaming atraso sa kanila. Ang ipinupuntos nila ay hindi raw kami nagbayad. Nagbayad naman po kami kumpara sa kanila na 2,600.00 lamang ang naihulog kaya lamang ay kinapos kami ng pangangailangan kaya natigil at hindi kami sa kanila nagka atraso kundi sa GSIS dahil sa kanila ang nasabing bahay at kung hangang ngayon ay nasa pangalan pa nila ang utang ng bahay ay dahil sila na ang nagkulang dahil sa natural na bentahan ang nagbenta ang nag aasikaso sa paglilipat sa pangalan ng nakabili, na taliwas sa nangyari sa amin na sa tuwing magkikita kami sa GSIS office ay nauuna siyang umalis kahit d pa lubos na ayos ang aming sadya. Umaasa po ako na inyong mauunawaan ang aking paglapit dahil hangang ngayon ay wala kaming mapupuntahan o malilipatan at wala rin kaming pera na pambayad sa bahay na maari naming lipatan. Ang inyong kapatid kay Cristo

Crisolito L. Garcia Diakono

You might also like