You are on page 1of 32

BANAL NA ORAS PARA SA IKALALAGO NG MGA BOKASYON

Ika-28 ng Setyembre, 2013 Komisyon ng Bokasyon Diyosesis ng San Pablo

O COR IESU SACRATISSIMUM, UT BONOS ET DIGNOS OPERARIOS ECCLESI TU MITTERE. ET IN EA CONSERVARE, DIGNERIS. TE ROGAMUS, AUDI NOS. Pastores dabo vobis juxta cor meum
Jeremias 3, 15

PAGLALAHAD Rogate ergo Dominum messis, ut mittat operarios in messem suam. Matthus 9, 38

na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin. (Mateo 9, 38) Marubdob ang tagubiling ito ng Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad, at ang tagubiling ito ay marapat pa rin nating tupdin magpasahanggang-ngayon. Kaya sa kapasyahan ng Komisyon ng Bokasyon ng ating Diyosesis, at sa pagsang-ayon ng Lubhang Kagalang-galang na Obispo, tayo ay nagkakatipon ngayon upang manalangin para sa mga bokasyon. Ipinahahayag ng Dekreto para sa Pagsasanay ng mga Nagpapari ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, Optatam Totius, na ang pagpapayabong at pangangalaga ng mga bokasyon ay tungkulin ng buong sambayanang Kristiyano, na lubos na nagagampanan sa pamamagitan ng isang tunay na Kristiyanong pamumuhay (OT 2). At ayon pa rin sa mga Ama ng parehong Konseho, ang Kristiyanong pamumuhay na ito ay bumubukal at humahantong sa Eukaristiya (Konstitusyong Dogmatiko ukol sa Simbahan ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, Lumen Gentium 11). Kaya ngayong buwan ng mga bokasyon, isang mahalagang gawain ang samasamang pagsamba sa Eukaristiya kasabay ang pagdalanging mapag-ibayo pa ang mga bokasyon hindi lamang sa sarili nating diyosesis, ngunit sa buong Simbahan na rin.
2.

DALANGIN NINYO SA MAY-ARI NG ANIHIN

Ang Banal na Pagtatanod na ito ay mas mainam na karugtong ng Banal na Misa, nang sa gayon ay mapalitaw na mabuti ang kaugnayan ng Banal na
3. 3

Sakripisyo at ng pagsamba sa Katawan at Dugo ng Panginoon. Mahalaga ang pakikiisa ng kura paroko at ng mga pari sa parokya sa Banal na Oras na ito, una, sapagkat ang kanilang pakikilahok ay nagbibigay ng pagsaksi sa marami ng kanilang malalim na pagmamahal sa Panginoon at sa kanilang bokasyon, at ikalawa, ay lubos na naipapakita ang kabuuan ng bayan ng Diyos. Sa pamamagitan nito, naisasakatuparan ang minimithi sa Optatam Totius 2 na marapat lamang na magpakita ang mga pari ng karubduban sa paghihikayat ng mga bokasyon sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sa parehong paraan ay makakatulong din ang paglahok ng mga madre. Kaya naman, higit na ninanais na makasama ng sambayanan ng Diyos sa banal na gawaing ito ang mga paring relihiyoso at mga madre na naninirahan sa parokya. Higit ding mabuti kung maraming kabataan ang makakasama sa pananalanging ito.
4.

Alalahanin ninyo ang inyong mga pastol na nangaral ng salita ng Diyos sa inyo (Hebreo 13, 7) Ang tagubiling ito ng may-akda ng sulat sa mga Hebreo ay hindi lamang para alalahanin ang mga kabutihan ng mga nangangalaga ng ating kaluluwa, kundi bilin din na alalahanin natin sila sa ating mga panalangin. Kaya naman, ang Banal na Oras ay binubuo ng apat na pagluhog para sa ibat ibang katayuan ng bokasyon. Una ay ipapanalangin natin ang higit na ikababanal ng kaparian at mga nagtalaga ng buhay sa Diyos, sila na hinirang upang akayin ang kawan ng Panginoon patungo sa Kanya. Ito ay pagtugon sa mga salita ng banal na pari ng Ars, San Juan Maria Vianney na nagsabing Walang masamang pari, tanging mga paring hindi ipinagdarasal ng sambayanan. Ang ikalawang bahagi ay para sa mga naghahanda ng sarili para sa
5. 4

pagpapari at buhay-konsagrado, sila na tumugon sa paanyaya ng Panginoon na pasanin ang krus at sumunod sa kanya (cf. Marcos 8, 34). Ang ikatlo ay para sa ikararami ng mga nagpapari at namamanata sa Diyos. Ang huli ay para sa mga pamilya, upang katulad ng naisin ng Optatam Totius 2, sila ay maging pangunahing tagapagpayabong ng mga bokasyon, isang uri ng panimulang seminaryo, sa pamamagitan ng maningning nilang halimbawa ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa. Ang ating pananalangin para sa isat isa, lalo para sa mga nangangalaga sa ating kaluluwa ay pagpapakita ng katotohanan na ang Simbahan, bagamat maraming bahagi, ay iisang katawan (Roma 12, 5). Ang bawat bahaging ito ay binubuo ng pagbasa mula sa Banal na Kasulatan at isang awit na pagninilay sa Salita ng Diyos. Lubhang mainam kung magkakaroon ng saglit na katahimikan matapos ang pagbasa upang makapagnilay ang sambayanan ukol dito, at matapos ang awit upang maidalangin ang mga pinatutungkulan ng bawat pagluhog.
6.

Matapos ang apat na bahaging ito, ipahahayag ang Mabuting Balita na siyang liwanag ng mga bansa (LG 1). Sa pamamagitan ng liwanag na ito, ating nalalaman ang kalooban ng Diyos at natutuhan ang bokasyong inilaan niya sa atin. Ito ay susundan ng homiliya, panalangin ng bayan at ng Ama Namin. Pagkatapos ay gagawin ang pagbabasbas ng Banal na Sakramento.
7.

Sa huli ay aawitin ang Salve Regina, bilang pagtatagubilin ng mga hangaring ito sa Mahal na Birhen, siya na lubos na nagsabuhay ng kanyang bokasyon na maging Ina ng Diyos, siya na nangangalaga sa lahat ng mga bokasyon. Sa
8. 5

pagdedebosyon sa kanya, ang tinatawag ng Diyos ay nakatatagpo ng lakas upang magpatuloy sa pagtahak sa landas ng Krus (cf. Codex Iuris Canonici can. 246, par. 3). Nawa, ang banal na gawaing ito ay makapagpayabong ng mga bokasyon, makahimok ng mga bagong pagtugon at makapagpalakas ng pananampalataya ng Sambayanan ng Diyos, upang ang lahat ay patuloy na makatugon sa tawag Niya para sa lahat: ang buhay-kabanalan.
9.

SEMINARISTA DARRYL P. REYES Tagapag-saayos ng mga Banal na Pagdiriwang para sa Buwan ng mga Bokasyon 2013 Ika-13 ng Agosto, 2013 Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir St. Peters College Seminary

BANAL NA ORAS PARA SA IKALALAGO NG MGA BOKASYON


PASIMULA Kapag nagkakatipon na ang sambayanan, magpuprusisyon ang pari at mga tagapaglingkod na maaaring ganapin sa saliw ng isang awit. Kapag nailagay na ang Sakramento sa ostentoryo, aawitin ang O Salutaris Hostia o anumang naaangkop na awit. Para sa iba pang naaangkop na awit, tunghayan ang pahina 24. Samantala, iinsensuhan ng pari ang Banal na Sakramento.

O O

SALUTARIS HOSTIA Qu cli pandis ostium Bella premunt hostilia Da robur fer auxilium.

Uni trinoque Domino Sit sempiterna gloria Qui vitam sine termino Nobis donet in patria. Amen.
Namumuno. Papuri sa Diyos Ama, hari ng sangkalupaan, gayundin sa Espiritu Santo, karapat-dapat sa lahat ng papuri. Bayan. Purihin at ipagdangal ang Poon

magpakailanman.
Namumuno. Papuri sa Bugtong na Anak, ipinanganak ng Birheng Mahal para sa kaligtasan ng lahat. Bayan. Purihin at ipagdangal ang Poon

magpakailanman.

Namumuno. Papuri sa Espiritung Banal, gabay ng simbahan tungo sa kaganapan ng katotohanan. Bayan. Purihin at ipagdangal ang Poon

magpakailanman.
Namumuno. Isinugo ng Ama ang kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagsilang ng Mahal na Birhen. Hinirang ng Ama si Hesus bilang pari ng bago at walang hanggang Tipan upang maging tulay natin. Sa pamamagitan ni Hesus, iniaalay natin ang ating munting panalangin para sa ikalalaganap ng banal na bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso. Pagkalooban nawa niya ang lahat ng mga pari at 7

relihiyoso ng malalim na pananalig, maningning at matibay na pagasa, at mangingas na pag-ibig na makikita sa buhay-paglilingkod sa sambayanan. Matapos ang sandaling katahimikan, darasalin ng pari: PAMBUNGAD NA PANALANGIN Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, ikaw ang banal na nag-aanyayang maging ganap sa pag-ibig ang tanan at nagbubunsod sa marami upang ang Iyong Anak ay sundan. Ipagkaloob Mong ang Iyong mga pinili para sa tanging kapalaran sa pagpupunyaging magbagong-buhay ay maging tanda ng iyong paghahari sa sambayanat sanlibutan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R.

Amen.

Mauupo ang lahat. Ngayon ay sisimulan ang mga pagluhog para sa mga bokasyon. Matapos ang bawat pagluhog, bago simulan ang kasunod, iminumungkahi ang pagkakaroon ng saglit na katahimikan upang manalangin para mga pinatutungkulan ng mga pagluhog.

PARA SA MGA PASTOL NG SIMBAHAN, MGA RELIHIYOSO AT RELIHIYOSA PAGBASA Efeso 4, 1-7. 11-13

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayoy maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu; gayun din naman,
8

GA KAPATID,

iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siyay higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang bawat isa sa atiy binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ang ibay ginawang apostol, ang ibay propeta, ang ibay tagapaghatid ng Mabuting Balita, ang ibay pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayon, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging ganap ni Kristo. Ang salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod: ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL
Batay sa Salmo 23; Danny Isidro, SJFruto Ramirez, SJ; Huwag Mangamba

Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos.


KORO.

Handog nyang himlayay sariwang pastulan, Ang pahingahan koy payapang batisan. Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan, Sa tumpak na landas, sya ang patnubay. KORO.
1.

Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Wala akong sindak, siyay kasama ko. Ang hawak niyang tungkod ang syang gabay ko, Hawak nyang pamalo, siglat tanggulan ko. KORO.
2. Sandaling katahimikan para sa pananalangin. 9

PARA SA NAGHAHANDANG MAG-ALAY NG SARILI SA BUHAY PAGPAPARI AT BUHAY RELIHIYOSO PAGBASA 1 Corinto 9, 16-19. 22-23

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

hindi ngayot nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, akoy may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat itoy ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral. Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng lalong marami. Sa piling ng mahihina, akoy naging gaya ng mahihina upang mahikayat ko sila. Akoy nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. Ang salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod:

GA KAPATID,

10

PAGHAHANDOG NG SARILI
Jandi ArboledaManoling Francisco, SJ; The Best of Bukas Palad (vol. 1)

Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo: Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko. Lahat ng hawak ko, ng loob ko ay aking alay sa Yo. Nagmula sa Yo ang lahat ng ito, muli kong handog sa Yo, Patnubayan Mot paghariang lahat ayon sa kalooban Mo. Mag-utos Ka, Panginoon ko, dagling tatalima ako. Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo At lahat ay tatalikdan ko, tatalikdan ko.
Sandaling katahimikan para sa pananalangin.

PARA SA IKARARAMI NG TINATAWAG SA KAPARIAN O SA PAMAMANATA SA DIYOS PAGBASA 1 Samuel 3, 1-10

Pagbasa mula sa unang aklat ni Propeta Samuel

sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglilingkod sa Panginoon. Nang panahong yaon, bihira nang marinig ang tinig ng Panginoon at bihira na rin ang mga pangitain. Malabo na noon ang mga mata ni Eli. Minsan, namamahinga siya sa kanyang higaan. Si Samuel namay natutulog sa Templo, sa may Kaban ng Tipan. Nang magmamadaling-araw na, siyay tinawag ng Panginoon, Samuel, Samue! Po! sagot niya. Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, Bakit po?
11

OONG MGA ARAW NA IYON,

Sinabi ni Eli, Hindi kita tinatawag. Mahiga ka na uli. Hindi pa kilala ni Samuel ang Panginoon sapagkat hindi pa siya kinakausap nito. Sa ikatlong beses na tawagin siya, lumapit uli siya kay Eli at sinabi, Narinig ko pong tinatawag ninyo ako. Naisip ni Eli na ang Panginoon ang tumatawag kay Samuel, kaya sinabi niya, Sige, mahiga ka na uli. Kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig po ang inyong lingkod. At muling nahiga si Samuel. Ang Panginoon ay lumapit kay Samuel at tinawag ito. Sumagot si Samuel, Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod. Ang Salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod: NARITO AKO
Batay sa Salmo 40, 7-11; Rene San Andres; Huwag Mangamba

Panginoon narito ako, naghihintay sa utos mo. Lahat ng yaman ko ay alay ko sa Yo. Ikaw ang tanging buhay ko.
KORO.

Batid ko nga at natatanto sa kasulatang yong turo. Pakikikinggan at itatago sa sulok ng puso. KORO.
1.

Yong pagliligtas ihahayag hanggang sa dulo ng dagat. Pagtulong Mot pusong dalisay aking ikakalat.
2. KORO. Sandaling katahimikan para sa pananalangin. 12

PARA SA KRISTIYANONG PAMILYA PAGBASA Sirac 3, 3-7. 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni Sirac

PANGINOON ng kapangyarihan sa mga anak, at iniutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina. Ang gumagalang sa kanyang amay nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal sa kanyang inay parang nag iimpok ng kayamanan. Ang gumagalang sa kanyang amay paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang panalangin niyay agad diringgin ng Panginoon. Ang nagpaparangal sa kanyang ama at nagdudulot ng kaaliwan sa kanyang ina, ay tumatalima sa Panginoon; pahahabain ng Diyos ang kanyang buhay.
NG MGA AMA AY BINIGYAN NG

Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siyay matanda na, at huwag mo syang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay. Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip; huwag mo siyang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka ng iyong lakas. Ang paglingap mo sa iyong ama ay di makakalimutan ng Panginoon; iyan ay magiging kabayaran sa iyong kasalanan. Ang Salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod: DIYOS AY PAG-IBIG
Dave Magalong

Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kalulwa. At siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.
1. 13

Pag-ibig ang siyang buklod natin, di-mapapawi kailan pa man. Sa pusot diwa, tayoy isa lamang, kahit na tayoy magkahiwalay.
2.

Pagkat ang Diyos natiy Diyos ng pag-ibig, Magmahalan tayot magtulungan at kung tayoy bigo Ay hwag limutin na may Diyos tayong nagmamahal.
KORO.

Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo: Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo. KORO.
3.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA Tatayo ang lahat bilang pagbubunyi sa Mabuting Balita. Aawitin ang Aleluya. ALELUYA

Aleluya! Aleluya! Hinirang tayo ni Kristo upang mamungang totoo bilang mabubuting tao. Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Sumainyo ang Panginoon. R. At sumaiyo rin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo R. Papuri sa iyo, Panginoon. Mateo 9, 35-38

Sagana ang aanihin ngunit kakaunti ang mag-aani.

nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya
14

OONG PANAHONG IYON,

ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat silay lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kayat sinabi niya sa mga alagad, Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa mayari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
HOMILIYA PANALANGIN NG BAYAN Punong tagapagdiwang. Dumulog tayo sa Ama sa kalangitan na pinili ang kanyang Anak upang maging walang hanggan at kataas-taasang pari. Puno ng pagtitiwala, humiling tayo ng lakas at gabay para sa lahat ng mga paring lingkod.

Pagpalain mo ang iyong mga piniling lingkod, Panginoon.


Namumuno. Idinadalangin namin si Francisco na aming Santo Papa, si Buenaventura na aming Obispo at lahat ng mga obispo, upang sila ay maging buhy na larawan ni Kristo sa mundo. Manalangin tayo. R. Namumuno. Idinadalangin namin na iyong patuloy na ipagkaloob ang iyong pagpapala sa lahat ng mga pari upang maging tunay silang tagapaghatid ng kapayapaan at pag-asa sa iyong sambayanan. Manalangin tayo. R. Namumuno. Idinadalangin namin na ituro mo sa lahat ng relihiyoso at relihiyosa na pumili ng mas mainam na bahagi, tulad ni Maria sa paanan ni Hesus, upang hanapin ka namin sa lahat ng bagay at sa bawat sandali ng aming buhay, maging ito man ay sa oras ng pagpapakasakit o sandali ng tagumpay. Manalangin tayo. R. Namumuno. Idinadalangin namin ang lahat ng naghahanda para sa pagpapari at pagtalalaga ng sarili bilang relihiyoso at relihiyosa, na sa kanilang paghahanda upang maging mga lingkod, tunay nilang maisa-alang-alang at masundan ang iyong kalooban. Manalangin tayo. R. 15

Namumuno. Idinadalangin namin ang mga kabataang Kristiyano, na sa iyong biyaya sila nawa ay maging bukas at maging handa sa pagsunod sa iyong panawagan na pumalaot upang maglingkod sa iyo at sa iyong sambayanan. Manalangin tayo. R. Namumuno. Idinadalangin namin ang mga pamilyang Kristiyano, na sa pamamagitan ng halimbawa ni Hesus, Maria at Jose, sila naway tunay na maging punlaan ng bokasyon ng paglilingkod sa iyo at sa iyong simbahan. Manalangin tayo. R. Punong tagapagdiwang. Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:

sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

MA NAMIN,

16

LITANYA NG PANGINOONG HESUKRISTO, PARI AT HANDOG Luluhod ang lahat. Panginoon, kaawaan mo kami. R. Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami. R. Kristo, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. R. Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, dinggin mo kami. R. Kristo, dinggin mo kami. Kristo, dinggin mo ang aming panalangin. R. Kristo, dinggin mo ang aming panalangin. Diyos Ama sa langit, R. *Kaawaan Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, * Diyos Espiritu Santo, * Tatlo sa pagka-Persona, iisa sa pagka-Diyos, *

mo kami.

Hesus, Pari at Handog, R. Kaawaan mo kami. Hesus, Paring magpakailanman ayon sa lipi ni Melqusedec, Hesus, Paring isinugo ng Diyos upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga dukha, Hesus, Pari na sa Huling Hapunan ay itinatag ang walang hanggang pag-aalay, Hesus, Paring buhy magpakailanman upang kami ay ipag-adya, Hesus, Dakilang Pari na pinahiran ng Ama ng langis ng Espiritu Santo, Hesus, Dakilang Paring hinirang mula sa mga tao, Hesus, Dakilang Pari ng aming ipinahahayag na pananampalataya, Hesus, Dakilang Pari na tanyag kaysa kay Moises, Hesus, Dakilang Pari ng tunay na tabernakulo, Hesus, Dakilang Pari ng mga kabutihang darating, R. Kaawaan mo kami. Hesus, Banal at Dakilang Pari, walang malay at walang bahid, Hesus, matapat at maawaing Dakilang Pari, Hesus, Dakilang Pari ng Diyos, nag-aalab sa pagkalinga sa mga kaluluwa, Hesus, ganap na Dakilang Pari magpakailanman, 17

Hesus, Dakilang Pari na binuksan ang langit sa pamamagitan ng kanyang mahal na dugo, Hesus, Dakilang Pari na nagkaloob sa amin ng panibagong bhay, Hesus, Dakilang Pari na nagmahal sa amin at hinugasan kami sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo, Hesus, Dakilang Pari na nagkaloob ng sarili sa Diyos bilang hain at handog, Hesus, susunuging handog ng Diyos at ng tao, Hesus, banal at walang bahid na handog, Hesus, maamo at mababang-loob, Hesus, mapagpayapang handog, Hesus, handog para sa ikalilinis ng kasalanan, Hesus, susunuging handog para sa pagkakasundo at kapayapaan, Hesus, susunuging handog na aming pinagtitiwalaan at aming daan patungo sa Diyos, Hesus, susunuging handog na nabubuhay magpakailanman, Hesus, kalugdan mo kami R. Hesus, kalugdan mo kami. Hesus, dinggin mo kami, R. Hesus, dinggin mo kami. Mula sa kasalanan, R. Iligtas

mo ang iyong mga

lingkod.
Mula sa kahalayan ng isip at katawan, Mula sa pagkamasarili, Mula sa hindi kalugud-lugod na pangangasiwa sa yaman ng iyong Simbahan, Mula sa pag-ibig sa mundo at mga pang-aakit nito, Mula sa hindi karapat-dapat na pagdiriwang ng iyong mga misteryo, Sa pamamagitan ng iyong walang hanggang pagkapari, Sa pamamagitan ng banal na pagpapahid sa iyo ng Ama na nagtanghal sa iyo na maging pari, Sa pamamagitan ng iyong maka-paring espiritu, Sa pamamagitan ng iyong paglilingkod na nagbigay-parangal sa Ama, Sa pamamagitan ng madugong pag-aalay ng iyong sarili, Sa pamamagitan ng sakripisyong sinasariwa sa araw-araw, Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan na ginagamit sa paglilingkod,
]

18

Naway panatilihin mo ang Banal na Orden sa Pagpapari, R. Hesus, dinggin mo kami. Naway pagkalooban mo ang iyong kawan ng mga pastol ayon sa iyong puso, Naway pagkalooban mo sila ng espiritu ng iyong pagkapari, Naway ang mga labi ng iyong pari ay maging tabernakulo ng iyong banal na kaalaman, Naway paramihin mo ang mga nagkakaloob ng iyong mga banal na misteryo, Naway pagkalooban mo sila ng katapatan sa pagtupad sa iyong kalooban, Naway pagkalooban mo sila ng kabanalan sa kanilang paglilingkod, kagalingan sa kanilang mga gawain, at pananatili sa pananalangin, Naway sa pamamagitan nila ay maipangalat ang pagsamba sa Banal na Sakramento sa lahat ng dako ng daigdig, Naway manataling tapat ang mga sa iyoy nag-aalay ng kanilang buong pagkatao bilang mga relihiyoso at relihiyosa, Naway tunay silang magbigay ng maningning na halimbawa sa harap ng skit at pangamba na dulot ng mundo ngayon, Naway humirang ka pa ng mga lalaki at babaeng handang maghandong sa iyo ng kanilang buong sarili bilang mga pari, relihiyoso, at relihiyosa, Naway tanggapin mo sa iyong kaharian ang mga lingkod mong pumanaw na, Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, R. Ipag-adya mo kami. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, R. Dinggin mo kami. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, R. Kaawaan mo kami. Hesus, aming Pari, Hesus, aming Pari, R. Pakinggan mo kami. R. Pakapakinggan mo kami.

Matapos ay darasalin ng lahat ang Panalangin para sa mga Bokasyon.

19

PANALANGIN PARA SA MGA BOKASYON

H
H

Ni Papa Juan Pablo II Ginawa para sa ika-42 Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Bokasyon

ANAK NG DIYOS, sa Iyo nananahan ang kaganapan ng pagka-Diyos. Inaanyayahan Mo ang lahat ng mga binyagan na pumalaot at tahakin ang landas patungo sa kabanalan. Pukawin mo sa puso ng mga kabataan ang pagnanais na maging saksi sa kapangyarihan ng Iyong Pag-ibig sa aming mundo ngayon. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu ng katatagan at mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa bhay. Aming Tagapagligtas, sinugo ka ng Ama upang ipahayag ang Kanyang maawaing Pag-ibig, biyayaan Mo ang Iyong Simbahan ng mga kabataan na handang pumalaot at maging tanda sa iba ng Iyong presensyang nakapagpapanibago at nakapagliligtas. Mahal na Birhen, Ina ng aming Manunubos, tiyak na gabay sa landas patungo sa Diyos at kapwa, ikaw na nagnilay sa Kanyang salita sa kaibuturan ng iyong puso, patatagin mo sa pamamagitan ng iyong matiyagang panalangin at pagkalinga ang aming mga pamilya at mga pamayanang Kristyano upang matulungan nila ang mga kabataan sa pagtugon nang lubos sa tawag ng Panginoon. Amen.
20

ESUS,

PAGBABASBAS
Iinsensuhan ng punong tagapagdiwang ang Sakramento habang inaawit ang Tantum ergo.

T T

ANTUM ERGO SACRAMENTUM

Venermur cernui Et antiquum documentum Novo cedat ritui: Prstet fides supplementum Sensuum defectui. Genitori genitoque Laus et jubilatio Salus honor virtus quoque Sit et benedictio Procedenti ab utroque Compar sit laudatio. Amen.

V. Panem de clo prstitisti eis. R.

Omne delectametum in se habentem.


Tatayo ang pari at darasalin ang sumusunod:

Oremus. Deus, qui nobis sub sacramnto mirbili passinis tu memriam reliqusti, trbue, qusumus, ita nos Crporis et Snguinis tui sacra mystria venerri, ut redemptinis tu fructum in nobis igiter sentimus. Qui vivis et regnas in scula sculrum. R.

Amen.

Isusuot ng pari ang belo humerale, tutungo sa altar, at babasbasan ang sambayanan. 21

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos. Purihin ang kanyang santong ngalan. Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo. Purihin ang ngalan ni Hesus. Purihin ang kanyang kabanal-banalang Puso. Purihin ang kanyang kamahal-mahalang Dugo. Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar. Purihin ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw. Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos, si Maria Santisima. Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya Purihin ang maluwalhating pag-aakyat kay Maria, kaluluwa at katawan. Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina. Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo. Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at kanyang mga Santo.
Itatago ng pari ang Banal na Sakramento habang inaawit ang O Sacrament Most Holy o iba pang naaangkop na awit. Para sa iba pang naaangkop na awit, tunghayan ang pahina 28.

O
O

SACRAMENT MOST HOLY, O Sacrament Divine, All praise and all thanksgiving be every moment thine, Be every moment thine. Sweet Sacrament we Thee adore, O make us love Thee more and more! O make us love Thee more and more!
22

O Sacrament Most Holy, O Sacrament Divine, All praise and all thanksgiving be every moment thine, Be every moment thine.
Kapag naipasok na sa tabernakulo ang Banal na Sakramento, aawitin ng lahat ang Salve Regina.

S
S

vita, dulcedo, et spes nostra, salve. Ad te clamamus exsules filii Ev. Ad te suspiramus, gementes et flentes, in hac lacrimarum valle. Eia ergo, advocata nostra, illos tuos misericordes oculos ad nos converte. Et Iesum, benedictum fructum ventris tui, nobis post hoc exsilium ostende. O clemens, o pia, o dulcis Virgo Maria.

ALVE REGINA, MATER MISERICORDI,

23

MGA KARAGDAGAN IBA PANG MAPIPILING AWIT PARA SA PAGTATANGHAL NG BANAL NA SAKRAMENTO
Sa halip na ang O Salutaris Hostia ang gamiting awit sa pagtatanghal ng Banal na Sakramento, magagamit ang alin man sa mga sumusunod. PANGE LINGUA SING, MY TONGUE, THE SAVIOURS GLORY PANGE, LINGUA, GLORIOSI Corporis mysterium, Sanguinisque pretiosi, quem in mundi pretium fructus ventris generosi Rex effudit Gentium. SING, MY TONGUE, THE SAVIOURS GLORY, of His Flesh, the mystery sing; of the Blood, all price exceeding, shed by our Immortal King, destined, for the worlds redemption, from a noble Womb to spring. Of a pure and spotless Virgin born for us on earth below, He, as Man, with man conversing, stayed, the seeds of truth to sow; then He closed in solemn order wondrously His Life of woe. On the night of that Last Supper, seated with His chosen band, He, the Paschal Victim eating, first fulfils the Laws command; then as Food to His Apostles gives Himself with His own Hand. Word-made-Flesh, the bread of nature by His Word to Flesh He turns; wine into His Blood He changes; what though sense no change discerns? Only be the heart in earnest, faith her lesson quickly learns. Amen. 24

Nobis datus, nobis natus ex intacta Virgine, et in mundo conversatus, sparso verbi semine, sui moras incolatus miro clausit ordine. In suprem nocte cn recumbens cum fratribus observata lege plene cibis in legalibus, cibum turb duoden se dat suis manibus. Verbum caro, panem verum verbo carnem efficit: fitque sanguis Christi merum, et si sensus deficit, ad firmandum cor sincerum sola fides sufficit. Amen.

LAHAT TAYO AY MAGPURI Sa himig ng Lating Pange Lingua 1. LAHAT TAYO AY MAGPURI sa banal na misteryo. Totoong napakabuti ng Poong Hesukristo. Inialay ang sarili para sa kapwa tao. 2. Si Maria ang nagsilang sa nagkatawang-tao Manunubos na namuhay na kabilang sa mundo. Ang nais nya ay maakay sa kaligtasan tayo. 3. Samantalang kumakain noong Huling Hapunan, tinapay ay inihain bilang katawang banal ng Panginoong nagbiling siya ay pagsaluhan. 4. At ang kopa na may alak Hinawakan ni Hesus: inumin nyo ang dadanak na dugo kong panubos nang makamtan ang patawad para sa sansinukob. Amen.

25

AVE VERUM CORPUS HAIL, TRUE BODY AVE VERUM CORPUS natum de Maria Virgine, vere passum, immolatum in cruce pro homine, cuius latus perforatum fluxit aqua et sanguine: esto nobis prgustatum in mortis examine. O Iesu dulcis, O Iesu pie, O Iesu, fili Mari. HAIL, TRUE BODY, born of the Virgin Mary, who having truly suffered, was sacrificed on the cross for mankind, whose pierced side flowed with water and blood: May it be for us a foretaste in the trial of death. O sweet Jesus, O pious Jesus, O Jesus, son of Mary,

ADORO TE DEVOTE
Santo Tomas de Aquino

1. ADORO TE DEVOTE, latens Deitas, Qu sub his figuris vere latitas; Tibi se cor meum totum subjicit, Quia te contemplans totum deficit. 2. Visus, tactus, gustus in te fallitur, Sed auditu solo tuto creditur. Credo quidquid dixit Dei Filius; Nil hoc verbo verittis verius. 3. In cruce latebat sola Deitas, At hic latet simul et Humanitas, Ambo tamen credens atque confitens, Peto quod petivit latro pnitens. 4. Plagas, sicut Thomas, non intueor: Deum tamen meum te confiteor. Fac me tibi semper magis credere, In te spem habere, te diligere. 5. O memoriale mortis Domini! 26

Panis vivus, vitam prstans homini! Prsta me menti de te vvere, Et te illi semper dulce sapere. 6. Pie Pelicane, Jesu Domine, Me immundum munda tuo sanguine: Cujus una stilla salvum facere Totum mundum quit ab omni scelere. 7. Jesu, quem velatum nunc aspicio, Oro, fiat illud quod tam sitio: Ut te revelata cernens facie, Visu sim betus tu glori. Amen

TINAPAY NG BUHAY
Manoling Francisco, SJJunjun Borres, SJGetty AtienzaFrancisco Reyes; Tinapay ng Buhay (vol. 1)

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinatit inialay. Buhay na ganap ang sa amiy kaloob at pagsasalong walang hanggan.
KORO.

Basbasan ang buhay naming handog; naway matulad sa pag-aalay mo. Buhay na laan nang lubos sa mundong sa pag-ibig ay kapos. KORO.
1.

Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay, Katarungan sa naaapi at kanlungan ng bayan mong sawi. KORO.
2.

27

Maaari ring gamitin ang mga salin ng O Salutaris Hostia. O SAVING VICTIM HANDOG NA TAGAPAGLIGTAS O SAVING VICTIM,
OPENING WIDE

The gates of heaven to man below, Our foes press on from every side; Thine aid supply, thy strength bestow. To thy great name be endless praise, Immortal Godhead, One in three. Oh, grant us endless length of days In our true native land with thee. Amen.

HANDOG NA TAGAPAGLIGTAS Langit sa amin nagbukas: Pagkalooban ang iyong angkan Ng pananggol sa kasamaan.

Ang isang Diyos ay purihin, Tatlong persona ay sambahin; Ang buhay namin ay palawigin Hanggang sa buhay na darating. Amen.

IBA PANG MAPIPILING AWIT MATAPOS ANG PAGTATANGHAL NG BANAL NA SAKRAMENTO


Maaari gamitin ang mga salin ng Tantum Ergo sa pagpaparangal sa Banal na Sakramento. IN ADORATION DOWN FALLING LAHAT TAYO AY MAG-ALAY DOWN IN ADORATION FALLING, This great Sacrament we hail; Over ancient forms of worship Newer rites of grace prevail; Faith will tell us Christ is present, When our human senses fail. To the everlasting Father, And the Son who made us free, And the Spirit, God proceeding From them Each eternally, Be salvation, honor, blessing, Might and endless majesty. Amen. 28 LAHAT TAYO AY MAG-ALAY sa Panginoong Hesus ng pananalig na tunay para tanggaping lubos itong bagong kasunduan sakramentong kaloob. Sa Amang Dyos at kay Hesus magpuri lahat tayo. Purihin din ang kaloob na Espiritu Santo upang laging maihandog ang ating sakramento. Amen. Amen.

Sa halip na ang O Sacrament Most Holy ang gamiting awit matapos ang pagtatanghal ng Banal na Sakramento, magagamit ang alin man sa mga sumusunod. PSALMUS 117 Laudate Dominum, omnes gentes; Laudate eum omnes populi. Quoniam confirmata est super nos misericordia eius; Et veritas Domini manet in ternum. Gloria Patri et Filio et Spiritui Sancto Sicut erat in principio, et nunc, et semper, et in scula scolorum. Amen.

HOLY GOD, WE PRAISE THY NAME Holy God, we praise thy name; Lord of all, we bow before thee; all on earth thy scepter claim; all in heaven above adore thee. Infinite thy vast domain; everlasting is thy reign.
1.

Hark the loud celestial hymn angel choirs above are raising; cherubim and seraphim, in unceasing chorus praising, fill the heavens with sweet accord: Holy, holy, holy Lord.
2.

Holy Father, Holy Son, Holy Spirit: three we name thee, though in essence only one; undivided God we claim thee, and adoring bend the knee while we own the mystery.
3.

29

ISANG BANSA
Timoteo Ofrasio, SJ

1. O kay ganda ng ating buhay, Napupuspos ng pagpapala Ng sakramentong Mahiwaga Kaloob ni Hesus sa tiy gabay. 2. O kay tamis ng pagsasama, Nagmumula sa pagkakaisa, Bumubukal sa pagsasalo: Sa iisang hapag ay dumalo. 3. Purihin si Hesus sa Sakramento, Purihin ng lahat ng tao, Purihin siya ng Pilipino: Sa pagkakaisa lingapin Mo.

30

MARIA, MATER NOSTRA, ORA PRO NOBIS Rogate ergo Dominum messis, ut mittat operarios in messem suam.
31

Matthus 9, 38

Pastores dabo vobis juxta cor meum


Jeremias 3, 15

COMMISSION ON VOCATIONS Diocese of San Pablo MMIII


32

You might also like