You are on page 1of 5

Dekada 70

Ni

Lualhati Bautista

Michael B. Alabado BSIT/Block-2

Tauhan:
Amanda Bartolome- Mapagmahal na ina at gustong magkaroon ng silbi bilang isang babae sa lipunan. Julian Bartolome- Asawa ni Amanda, may prinsipyo pero hindi mapigilan ang mag desisyon ng kanyang mga anak. Jules Bartolome- panganay na anak nina Amanda at Julian. May paninindigan, buo ang loob at tunay na makabayan. Emmanuel Bartolome- sumunod kay Jules at nakipaglaban siya sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsulat. Jason Bartolome- namatay dahil sa kalaban ni Jules, na kasapi sa kalaban ng pamahalaan. Isagani Bartolome- halimbawa ng isang mapusok na kabataan. Bingo Bartolome- mapagmahal na bunsong anak at laging karamay ni Amanda.

Kwento:

Ang dekada 70 ay tungkol sa isang pamilyang dumanas ng napakaraming kalupitan sa panahon ng batas military. Si Amanda Bartolome, isang ina na dinanas ang sakit ng masaktan at mamatay ang kanyang anak. Si Amanda rin ang isang babae na hinahanap ang tunay na pakinabang ng isang babae sa panahon ng batas militar. Namumuhay siya bilang isang ina sa kanyang limang anak at sa asawa niyang si Julian. Natural na sa kanilang pamilya ang paghahayak ng kanilang mga saloobin kaya lumaki ang kanilang mga anak na mulat sa kung anong nangyayari sa kanilang kapaligiran. Dahil dito si jules ay isang naging aktibista, si emman naman ay naging isang manunulat, si Jason naman ay nahilig sa musikang rock en roll at si gani naman ay pinasok ang pagiging isa sa US Navy. Ang pamilya bartolome, isang halimbawa ng matatag na pamilya na kayang harapin ang mga problema.

Balangkas pangyayari:
Sa una ay hindi maunawaan ni Amanda ang tunay nyang papel bilang isang babae sa kanilang pamilya. Isa lamang siyang asawa na gusting hanapin ang tunay nyang papel sa kanilang pamilya. Hindi nya rin maunawaan kung bakit hindi napapansin ng kanyang asawa na si Julian ang mga nangyayari sa kanilang mga anak. Dito palang makikita na natin ang katayuan ng mga kababaihan sa panahon ng batas militar. Mapapansin nating mas namulat ang anak ni amandang si jules at ang manunulat na si em sa tunay na masamang katotohanan ng martial law. Nalaman naman ni Amanda ang tunay na mensahe ng martial law pagka launan pero ito ang panahon na kung saan si jules ay lumisan na sa kanilang bahay para sumali sa grupo na sya

naming kinagalit ng kaniyang mahigpit na ama. Lumipas ang ilang taon at muling bumalik si jules sa kanilang tahan ngunit hindi rin siya nag tagal dahil sa kailangan siya ng kaniyang mg aka grupo. Sa mga panahong ito ay nag asawa narin ang kanyang kapatid na si gani na isang halimbawa ng isang mapusok na kabataan. Hindi mawala ang pagka bahala ni Amanda sa kaniyang anak kung sakaling may mangyaring masama ito tulad nalang ng pagkamatay ng kaibigan ni jules na si willy dahil sa pakikipaglaban tungo sa kalayaan mula sa pagiging papet ng mga kano. Lumipas ang ilang taon at muling nagkita sila Amanda at jules, nagbilin si jules na linisin ang kanilang bahay. Iyong tipong itapon lahat ng makakasama sa kanilang seguridad. Dito mas tumindi ang pag aalala ni Amanda sa kaniyang anak. Bago sila mag hiwalay sinabi ni jules sa kaniyang ina na siya ay may anak na at ito ay mahigit sa isang taong gulang na. buwan ng disyembre ng may dumating na grupo ng mga pulis para hanapin si jules. Pero wala silang nahanap na makakapagsabi kung nasaan si jules. Kahit ang mga magulang ni jules binilinan niyang wag sasabihin kahit kanino na nagkita sila para sa kaniyang seguridad. Dumating ang oras na kung saan nahuli si jules ng mga awtoridad. Pinahirapan siya at pinarusahan para aminin kung sino ang kanilang mga kasama pero nanatili siyang tahimik. Pagkilipas ng panahon namatay si Jason dahil sa kabilang siya sa mga kalabang ng pamahalaan. Nadurog ang puso ni Amanda nang malaman niya ang nangyari. Naghahanap siya ng hustisya sa pagkamatay ng kaniyang anak. Hanggat sa umabot ito sa hantong na nag away silang mag asawa at muntikan nang magka hiwalay. Pero napigilan ito ng mapalaya na si jules mula sa bilangguan. Sa huli nabatid narin ni Amanda ang tunay niyang silbi sa pamilya. Ito ay ang pagpapanatili sa kaniyang pamilya na maging matatag sa harap ng mga problema. Bumalik din sa kilusan si jules kasama ang kaniyang asawa para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.

Mensahe
Ang pamilya bilang ating primerang sinasandalan sa tuwing tayo ay may problema. Sa panahon kung saan nagaganap ang pagiging malupit ng bayan dito tayo nananatili. Ang pagiging mulat ng pamilya sa kung anong nangyayari sa bayan ang siyang magiging dahilan para bantayan at gabayan ang kanilang anak. base sa akda sa panahon kung saan tumindi ang batas militar nanjan ang ating pamilya para suportahan ang adhikain ng mga anak para makamit ang tunay na kalyaan.

You might also like