You are on page 1of 3

Pinangunahan ni Connie Hina (kanan), ina ng biktimang si Lordei, ang pagsindi ng kandila ng mga estudyante at iba pang miyembro

ng komunidad ng UP, kontra sa karahasan sa kampus at para sa sapat na badyet ng pamantasan. (Pher Pasion) Sumuporta ang ibat ibang sektor sa komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas sa isang estudyante na dinahas at pinagnakawan noong Pebrero 1 sa tanggapan ng University Student Council (USC). Isang misa at candle lighting ang inialay ng mga kaibigan, kaeskuwela, kapwa aktibista, at kaanak ni Hina sa mismong Vinzons Hall noong Peb. 8 ng gabi. Naglunsad naman ng fundraising ang ibat ibang organisasyon sa kampus, sa pangunguna ng USC. Patuloy pa ring nasa kritikal na kondisyon sa Capitol Medical Center sa Quezon City si Lordei Hina, estudyante sa Political Science at aktibista sa UP na sinaksak sa ulo ng isang nagpakilalang tattoo artist habang ninakawan siya sa USC Office sa Vinzons Hall. Dumalo sa misa ang ibat ibang grupo at indibidwal bilang suporta kay Lordei at sa kanyang pamilya, laluna ang ina at kapatid na dumalo rito. Matapos ang misa, nagprograma sila at ibinahagi ng mga kasamahan ang pagkakakilala nila kay Lordei bilang kaibigan, kaeskuwela at aktibista. Ayon sa ina ng biktima na si Connie Hina, malaking tulong ang ipinapakitang suporta ng komunidad ng UP para mabigyan sila at mismong si Lordei ng lakas para maigpawan ang kritikal na kondisyon. Ibinalita ng ina na nagising na umano si Lordei. Binigyan siya ng mga doktor sa Capitol Medical Center ng anim na buwan para makarekober. Kung hindi, maaaring tuluyang di na maibalik ng estudyante ang dating brain functions. Alam ko ang ipinaglalaban ng anak ko, at sinusuportahan ko siya, sabi ni Connie, patungkol sa pagiging aktibista ng anak. Ibinahagi ng ina ang pagkakakilala niya kay Lordei, na aniyay palatanong at uhaw sa kaalaman noong bata pa. Pareho kami ni Lordei. Magkaiba lamang ang aming pamamaraan, sabi pa niya Sa programa, nag-alay sina Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Aki Merced ng League of Filipino Students (LFS) ng mga awitin para kay Lordei. Matapos ang programa, nagsagawa sila ng candle lighting sa harap ng Vinzons Hall para kondenahin ang nangyaring krimen at nanawagan ng pagpapanagot sa mga may kasalanan sa krimen. Samantala, naniniwala naman ang Kilos Na, isang alyansang nangunguna sa kampanya kontra sa kaltas-badyet ng UP at sektor ng edukasyon sa pambansang badyet ng gobyerno, may direktang ugnay ang kaltas-badyet ng UP sa kakulangan ng seguridad sa kampus. Partikular sa UP, tulad rin sa iba pang state universities at colleges (SUCs), maiuugat ang kakulangan sa pisikal at modernong seguridad ng pamantasan sa sunud-sunod na pagkaltas sa badyet sa edukasyon ng gobyernong Noynoy Aquino, pahayag ng Kilos Na. Malaking porsiyento umano ng kaltas-badyet ay nasa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at Personnel Services (PS), na pinagkukunan ng pondo ng mga pamantasan para sa seguridad ng kampus at komunidad. (P)ara sa taong ito, bumagsak mula P82-Milyon tungong P69-M ang inilaan para sa seguridad (ng SUCs), sabi pa ng grupo. Sinabi naman ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (Stand-UP), pampulitikang alyansa sa UP na kinabibilangan ni Lordei, na dahil sa mga kaltas-badyet, nabawasan ang security guards ng UP. Ngayong taon, mayroon na

lamang 234 guwardiya ang kampus sa Diliman, mula sa dating 302 noong nakaraang taon. Sinabi ng Kilos Na na bagamat nakapaglagay ang administrasyon ng UP ng ilang modernong kagamitan panseguridad sa ilang pasilidad sa kampus, hindi pa rin sapat ang pisikal na presensiya ng mga guwardiya, dahil na nga umano sa budget cuts. Sa pagkakasulat ng artikulo, nakakulong pa rin ang suspek na si Dan Mar Vicencio, 38 anyos, na nahuli ng guwardiya sa Vinzons Hall matapos ang krimen. Nabawi mula sa kanya ang bag na may dalawang laptop computer at isang ice pick. Patuloy pa rin na pinaghahanap ng awtoridad ang mga kasamahan umano ni Vicencio na nakatakas matapos ang krimen. MANILA, Philippines - In her latest sworn statement against Vhong Navarro that may run in conflict with her camp's previous statements, model Deniece Cornejo said the actor-host had raped her twice. The first rape supposedly took place on January 17. Cornejo then claims she was raped a second time on January 22. Both incidences supposedly happened inside a condominium unit at Forbeswood Heights in Taguig City. In her new counter-affidavit submitted to the Department of Justice, Cornejo recounted what Navarro allegedly did to her on January 17: "He lunged at me and managed to raise my shirt exposing my breasts, and he started touching my private parts." "As I was struggling to stop his advances, he managed to force his penis into my mouth. I tried my best to free myself from his clutches to no avail," she said. "He then removed his pants and inserted his penis inside my vagina. I was pleading 'No,' struggling and crying, begging him to stop and pushing him as best as I could. Eventually he stopped and left my unit," added Cornejo. Cornejo's counsel, Howard Calleja, said his client revealed the incident only now and that she must be given "leeway and understanding." Last month, in an interview with ANC's Headstart , Calleja denied Navarro's claim that something happened between the actor-host and Cornejo. "That is not true, even if pinagmamalaking may nangyari si Vhong [even if Vhong brags that something happened] Baka [Maybe] to him, in his mind, gusto niyang may mangyari [He wanted something to happen]. But really, nothing happened," Calleja told ANC. No mention of sexual encounter in earlier affidavit Also, in Cornejo's earlier sworn statement dated January 29, 2014, the model did not mention that something sexual happened between her and Navarro. In the said statement, Cornejo said that on the night of January 17, while she was waiting for her female friend, Navarro called her up and said that he was already downstairs in the condo lobby. "I went down to the lobby and met him and even introduced him to the guard on duty," Cornejo said.

When they reached the condo unit, Cornejo said Navarro went inside and sat down on the sofa, "while I closed the door behind me, but leaving it unlocked, which is my habit whenever I have visitors over." "Kuya Vhong had brought a bottle of wine with him offered it to me. He poured some wine for himself and I declined since I am not really a drinker," said Cornejo. After Cornejo's female friend called up to say that she won't be able to meet Cornejo at the latter's condo unit, the model said, "I told Kuya Vhong that my friend could no longer make it so I told him, 'I'm sorry that you have to go na rin. Maaga pa ako bukas, pasensya na kasi late na rin.'" "He tried to insist that I let him stay longer and even made jokes about sleeping over, which I dismissed as playful banter. I told him, 'No di talaga puede.' So finally Kuya Vhong conceded and said, 'Cge, next time na lang. Bumawi kasa akin.' Thereafter, Kuya Vhong left my unit by himself." Vhong claims he had oral sex with Deniece in first encounter In his six-page affidavit last month, Navarro said that after consuming one bottle of white wine, they made out and "it led to oral sex. In his interview on Buzz ng Bayan also last month, Navarro claimed that something short of sexual intercourse happened that night between him and Cornejo, and this prompted her to send him the text message Bad ka afterwards. Navarro said he interpreted the text to mean that she was disappointed that the sex had not been fully consummated, so he replied, Bawi ako next time. According to Cornejo, the second rape took place on January 22 when Navarro allegedly forced her to perform oral sex on the actor-host and tried to insert his penis in her vagina. Navarro denied Cornejo's claim, saying he was the one victimized on the said day when Cedric Lee and his group beat him up and allegedly tried to extort up to P2 million from him. Lee said he and his friends defended Cornejo from being raped by Navarro.

You might also like