You are on page 1of 8

1

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014


Artwork by Jeric Bastillo and Cha Garcia
Hari ng katiwalian: Malawak at lantaran ang kurapsyon
sa ilalim ng rehimeng Aquino
Gintong bawang, bigas at pagkain: Kasabwat si Aquino
ng WTO, kartel at ismagler
Socialized Tuition System sa UP:
Mas matinding atake sa karapatan sa edukasyon
Plano ng malawakang pag-oorganisa ng kabataang
manggagawa, ikinasa
CHED, kinasuhan ng mga mag-aaral dahil sa muling
pag-aapruba ng taas-matrikula
CARPER ibasura! Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!
Patalsikin ang papet,
pahirap, kurap at pasistang
rehimeng US-Aquino!
Tinatawagan ang lahat ng kabataan at mamamayan na
ubos kayang kumilos at magpunyaging patalsikin ang
rehimeng US-Aquino.
Hindi na matitiis pa ng taumbayan,
lalo na ng masang anakpawis,
ang todo-todong pagpapahirap
sa bayan, pagkatuta sa dayuhan,
bulok at kurap na pulitika at
pasistang panunupil.
Pagpapasahol ng bulok na sistema
Sa ilalim ni Aquino, walang
kasingsahol ang bulok na sistemang
malakolonyal at malapyudal.
Lalo pang tumitindi ang krisis na
dinaranas ng bayan dahil sa mga
patakaran ng tutang rehimen.
Todo-todo ang pagpapatupad
ni Aquino ng mga patakarang
neoliberal. Nakatuon ang mga
ito sa higit na pagpapapasok
ng dayuhang kapital at
liberalisasyon ng kalakalan;
pribatisasyon ng mga serbisyo
at mga papublikong utilidad;
deregulasyon sa industriya
ng langis, pamumuhunan at
pagmimina; at tuloy-tuloy na
pandarambong sa likas-yaman
ng bansa.
Higit pa itong pasisidhiin ng
planong Charter Change ni
Aquino. Sa panibagong planong
ito ng denasyunalisasyon,
tatanggalin ang nalalabi pang
mga restriksyon sa konstitusyon
at ibubukas ng buong buo ang mga
negosyo, serbisyo, lupain at likas-
yaman ng bayan sa dayuhang
kapital at pagsasamantala.
Samantala, mariing tinututulan
at hinaharang ng rehimen ang
panawagan ng bayan para sa tunay
na reporma sa lupa, pambansang
industriyalisasyon, at
ekonomiyang makabayan
na tunay na tutugon
sa pangangailangan
ng mamamayan.
4
5
6
7
7
8
Ituloy sa >>>p2
2
HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Todong pagpapahirap sa bayan
Todo-todo ang pagpapahirap ng
rehimeng US-Aquino sa taumbayan,
lalo na sa masang anakpawis. Patuloy
ang pagsahol at paglawak ng kahirapan.
Dumarami ang naghihirap, aabot sa
11.5 milyon, at lumalaki pa ang walang
trabaho at aabot sa lagpas kalahati ng
populasyon ang gutom.
Ang mahigit 80% ng populasyon ay
nabubuhay sa mas mababa sa P80
sa kada araw. Pilit itong tinatago
ng gubyerno sa pagmamanipula ng
datos -- sa tantos ng gubyerno, nasa
P33 lamang ang poverty threshold o
halagang kailangan para masabing
hindi mahirap.
Pinabababa ni Aquino ang halaga ng
sahod. Todo ang pagtanggi nito sa
panawagan na P125 kada na dagdag sa
arawang sahod sa mga manggagawa.
Sa halip, itinutulak nito ang malawakang
kontraktwalisasyon na higit pang
nagpapababa ng sahod at nagkakait sa
mga benepisyo at karapatan. Itinutulak
pa ng rehimen ang pagtanggal sa
minimum wage sa pamamagitan ng
two-tiered wage system.
Tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo
ng mga batayang bilihin at serbisyo.
Kasabwat si Aquino ng malalaking
kumpanya ng langis, kuryente at tubig
sa pagpapahirap sa mamamayan at
todong pagpiga ng tubo. Patuloy na
pinapatupad ni Aquino ang deregulasyon
at hinahayaan ang lantarang pang-
aabuso sa mamamayan. Napigilan
ng mga protesta ng mamamayan ang
sobrang singil ng kuryente, pero patuloy
pa rin ang mga banta ng dagdag-singil
habang binebendisyunan ni Aquino. Ang
mga gulay at pagkain gaya ng bawang
at bigas ay nagmamahal din dahil sa
patuloy na liberalisasyon ng kalakal
na pumapatay sa lokal na agrikultura
at higit naginagawang dependent ang
bayan sa import.
Samantala, itinutulak naman ang
pribitisasyon sa mga serbisyong
panlipunan. Ibinibenta na ni Aquino
ang mga pampublikong ospital
at tinataas ang mga singilin dito.
Nais ding itaas ang pamasahe
sa MRT-LRT para maibenta sa
malalaking negosyo. Taon-taon
namang kinakaltasan ang badyet ng
edukasyon, kalusugan, pabahay, at
iba pang serbisyong panlipunan.
Pinakamatindi ang pagtaas ng matrikula
at mga bayarin, at pinakamasahol
ang krisis sa edukasyon sa ilalim ni
Aquino. Taon-taon, hinahayaan ang
todo-todong pagtataas ng singilin
sa kabila ng pagtutol ng mga mag-
aaral at magulang. Sa makadayuhang
patakarang K-12, lalong itinutulak ang
drop-outs, disempleyo at pagbaba ng
sahod ng mga kabataang manggagawa.
Demolition king si Aquino. Daanlibong
kabahayan na ng maralitang-lunsod
ang winasak at mas marami pa ang
wawasakin para magbigay daan sa
mga proyekto para sa malalaking
negosyo at kurakot ng mga ni
Aquino na pinagkakakitaan ang mga
negosyong pabahay.
Ang mga biktima ng Yolanda sa
Eastern Visayas at Panay -- na dati
nang pinakamahihirap sa bayan dahil
sa pagsasamantalang pyudal -- ay
higit pang binubusabos. Kinukurakot
ni Aquino ang pondo para sa relief
at rehab, pinamumudmod ang mga
proyekto sa mga negosyanteng
kroni niya at dinedemolish ang
mga kabahayan ng mamamayan sa
patakarang no build zones.
Sa kanayunan, pinatitindi pa ang
konsentrasyon ng lupa sa kamay ng
iilan at pang-aagaw ng lupa mula sa
magsasaka. Pilit na nagmamaniobra
si Aquino para panatilihin sa pag-aari
ng kanyang pamilya ang Hacienda
Luisita. Nais ng rehimen na palawigin
pa ang hungkag na programang CARP
na ginagamit para lalo pang agawan ng
lupa mga magsasaka.
Sagad-sagaring pagpapakatuta
Maamong tuta si Aquino ng
imperyalistang Estados Unidos. Gagawin
lahat ni Aquino para lang lumigaya ang
kanyang amo. Simula umupo sa poder,
libo-libong mga sundalong Amerikano
na ang pinagbase sa Pilipinas at daan-
daang mga barkong nukleyar ang
pinadaong sa bansa.
Pinagtatanggol at pinagtatakpan ni
Aquino ang US sa mga krimen nito sa
bansa. Walang ginawa si Aquino sa
kabila ng pagwasak sa Tubbataha, toxic
waste leak sa Subic at paggamit ng
drones ng US sa bansa.
Sukdulang kataksilan ang pagpirma
ni Aquino ng Enhanced Defense
Cooperation Agreement na
nagpapahintulot sa unlimited at eternal
na pagbabasa ng US sa bansa. Matinding
paglabag ito sa soberenya at kasarinlan
-- isang tanikalang ipinalupulupot sa
leeg ng bayan.
Isinasangkalan ni Aquino at ng US ang
alitang teritoryal sa Tsina para bigyang
matwid ang kanyang pagtataksil ngunit
sa katunayan, planong pagpihit ng
militar ng US sa Asya-Pasipiko para higit
na itulak ang interes ng US ang nasa
likod ng kasunduan.
Kasabay ng EDCA, itinutulak ni Aquino
ang Charter Change at iba pang
makadayuhang patakaran na rekisito sa
Trans-Pacifc Partnership Agreement na
itinutulak ng US sa rehiyon para higit na
itulak ang pang-ekonimio at geopulitikal
na interes nito.
Nangungunang tuta si Aquino na higit
na magsasadlak sa mamamayan ng
rehiyon sa mas mababang sahod,
kawalan ng serbisyo at pandarambong
ng dayuhang kapital.
Kurap at baboy na pulitika
Pinasahol ni Aquino ang bulok, kurap at
kontra-mamamayang pulitika. Buking
na ang hungkag niyang tuwid na daan.
Lantad na lantad na ang masidhing
kabulukan at malawakang kurapsyon sa
kanyang gubyerno.
Si Aquino ang pork barrel king.
Mastermind siya sa pandarambong ng
kanyang gabinete, kapartido, kamag-
anak at numero unong tagapagtanggol
at tagapagtakip ng napakaraming
kasalanan ng pandarambong sa pondo
ng bayan. Nagpapamudmod ito pabor at
ganansya sa malalaking negosyo, mga
pulitiko, midya, eskuwelahan, pulisya,
at militar upang tiyakin ang katapatan
ng mga ito sa rehimen at agenda
ng imperyalista.
Matapos sumabog ang galit ng
taumbayan sa pork barrel, kinasuhan
nito ang mga kalaban sa pulitika para
pagtakpan ang sarili at mga kaalyado sa
pananagutan sa pork. Pero kung tutuusin,
kasabwat si Aquino at mga kaalyado nito
sa raket ni Napoles at mas malaki pa
ang pondong kinukurakot niya: aabot
sa higit P100 bilyon ang pinanuhol niya
sa kanyang Disbursement Acceleration
Program (DAP) at Malapaya Fund.
Tuloy rin ang pagpapatupad ng pork
>>>Patalsikin ang papet, pahirap, kurap at pasistang
rehimeng US-Aquino!
3
TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014
barrel para ipanuhol sa mga kaalyado
nito kongreso.
Malinaw sa bayan na hindi seryoso
si Aquino sa pagpapanagot sa mga
kurakot, kahit nga ang kaso ni Gloria
Macapagal Arroyo, ibinabasura na unti-
unti ng gubyernong ito at binibigyan pa si
Arroyo ng ispesyal na pribilehiyo.
Kitang-kita din ang pagpabor ni Aquino
sa mga crony at malalaking negosyo
na nag-ambag sa kampanya ni Aquino
noong 2010 para sa mga kontrata sa
ialim ng Public-Private Partnership.
Ilan sa mga boss sina Eduardo
Danding Cojuangco, Henry Sy, Manuel
Pangilinan, the Ayalas, Consunjis at iba
pang mga komprador. Naiulat din ang
maanomalyang transaksyon mismo ng
kapatid ni Aquino na si Bally sa pagbili
ng bagong tren ng MRT.
Kumukubra din si Aquino sa smuggling
sa bansa. Ayon mismo sa International
Monetary Fund (IMF) Direction of
Trade, tumriple ang kaso at halaga ng
smuggling sa bansa kumpara sa mga
nakaraang taon na aabot sa $19 bilyon
noong 2011.
Kasabay nito, pinapaboran nito ang
malalaking komrador ng mga tax
exemptions at holidays. Habang
pinapapasanan ng matinding buwis
ang mamamayan, aabot sa 40% sa 100
kumpanya sa Pilipinas ang wala sa
listahan ng BIR ng top 500 taxpayers.
Pasistang panunupil
Patuloy na pasismo at pag-atake ang
sagot ng Rehimeng U.S-Aquino sa
tumitinding paglaban ng mamamayan.
Sa ilalim ng Oplan Bayanihan,
pinapaslang, inaaresto at dinadahs ang
mga lider-aktibista at mga pamayanan.
Kaakibat nito, pinagkakaisa ang
naghaharing-uri at mga institusyon
tulad ng midya at edukasyon, upang
atakehin ang makatarungang paglaban
ng mamamayan.
Aabot na sa 192 ang pinaslang, 21 ang
dinukot at lagpas 39,000 ang pinalayas
sa tirahan at pinilit lumikas. Nasa
lagpas 300 din ang political prisoners.
Niraragasa ng militarisasyon sa mga
komuidad sa kanayunan. Dinadahas at
pinalalayas ang mamamayan gaya ng sa
Talaingod, sa Davao, sa mga prubinsya
sa Eastern Visayas, at iba pa.
Nagpapanggap din itong
nakikipagnegosasyon sa NDFP at
MILF sa usapang pangkapayapaan
sa ambisyong mapasuko ang mga
rebolusyunaryong pwersa at malansi
ang mamamayan. Ang ipinaghahambog
na peace agreement sa MILF at
Bangsamoro ay hindi tutugon sa mga
karaingan ng mamamayang Moro para
sa sariling pagpapasya at lalo pang sisiil
sa kanila.
Malinaw na walang interes sa usapang
pangkapayapaan ang hacienderong
rehimeng Aquino. Pinaghuhuli nito ang
ilang mga susing NDF consultant, gaya
nina Ka Wilma at Benito Tiamzon na
paglabag sa JASIG (Joint Agreements
on Safety & Immunity Guarantees) at
sinasabotahe nito ang mga negosasyon.
Kilusang bayan para ibagsak ang bulok
na rehimen at sistema
Walang ibang landas na dapat tahakin
ang bayan kundi landas ng paglaban.
Dapat patalsikin ang rehimeng US-
Aquino at ihawan ang landas para sa
tunay na pagbabago.
Hitik ang kasaysayan ng bayan sa mga
karanasan ng tagumpay ng sama-
samang pagkilos ng mamamayan:
mga pagdaluyong ng kilusang masa at
pag-aalsang bayan laban sa bulok na
sistema. Ang pagdaluyong ng protesta
mula pa noong Sigwa ng Unang Kwarto
ng 70s, paglaban sa batas militar at
pagpapatalsik sa rehimeng US-Marcos,
pagpapatalsik sa rehimeng US-Estrada,
at ang mga protesta laban sa rehimeng
Arroyo, bagamat hindi napatalsik ito
ay pagpapakita ng kapangyarihan ng
sama-samang pagkilos at kilusang
bayan. Sa bawat tagumpay, lumalakas
ang kilusan ng mamamayan at higit na
nalalantad at humihina ang bulok na
estado at sistema.
Dapat pasiglahin at palawakin ang
protestang masa para higit na ilantad
at labanan ang rehimeng Aquino.
Saanmang lugar: mga paaralan,
komunidad, pagawaan, at iba pa,
dapat magpunyaging patalsikin ang
rehimen. Dapat itindig ang malawak
na nagkakaisang hanay laban sa bulok
na rehimen.
Ang malawak na hanay na ito ay
maaaring magtayo ng transisyong
konseho na kinabibilangan ng mga
personalidad, organisasyon at sektor
na nanguna sa pagpapatalsik sa
rehimen. Ito ang ipapalit sa rehimen,
magtitiyak na papanagutin ang rehimen
sa mga kasalanan nito, magsasagawa
ng makabuluhang reporma at
magsasagawa ng demokratikong
halalan sa loob ng ilang buwan.
Malaking hakbang pasulong ito sa
hangad ng taumbayan na makabuluhang
pagbabagong panlipunan. Iaabante nito
sa panibagong antas ang pambansa-
demokratikong pakikibaka na may
sosyalistang perspektiba siyang
pangmatagalang solusyon sa krisis at
kahirapan ng mamamayan. Higit nitong
pahihinain ang reakyunaryo, bulok at
kontra-mamamayang estado at lipunan.
Dapat magmartsa ang kabataan sa
harapan ng pambansang hanay na ito.
Sa kasaysayan, mula pa ng rebolusyong
1896, mapagpasya ang papel ng
kabataan sa mga pag-aalsa at kilusan
para sa pagbabago.
Kaisahin ang lahat ng mga organisasyon,
indibidwal, mga samahan, at iba pa
sa mga pakikibaka laban sa rehimen.
Asamin ang malakihang mga pagkilos
at malawak na paglaban. Paalon-alon
na paunlarin ang daluyong ng paglaban
laban sa rehimen.
Ilunsad ang masaklaw, malaganap at
sustinidong propaganda ahitasyon at
edukasyon sa laban sa rehimen. Matalas
na ilantad ang pananagutan ng rehimen
sa mga isyu at laban na kinakaharap ng
mamamayan. Maagap na palaganapin
ang pagsusuri ang mga panawagan
kapag may mga pihit ng sitwasyon
at biglaang mga isyu na sumusulpot.
Tiyakin ang ibat ibang antas ng alyansa,
likhain ang malawak na nagkakaisang
hanay sa ibat ibang isyu at sa paglaban
sa rehimen.
Ilunsad ang papalaking mga pagkilos:
mula ilang libo, hanggang ilampung libo,
hanggang daanglibo. Paghusayan ang
mga malalaking lokal na mga build-up
at aksyon na lumulundo sa mga takdang
araw ng sentrong protesta at paglaban.
Palawakin natin ang mga organisasyong
masa, mga alyansa, at sa ibat ibang mga
pormasyon at organisasyon ay tipunin
ang mga kabataan at mamamayan.
Tinatawagan tayo na lumikha ng
kasaysayan, palakasin ang paglaban
ng mamamayan at ihawan ang landas
tungo sa makabuluhang pagbabago
para sa bayan. Panahon na upang
panindigan ang ating papel bilang
tunay na pag-asa ng bayan. Tumindig
at lumaban tayo para sa bayan,
kinabukasan at tunay na pagbabago.
Patalsikin ang rehimeng US-Aquino!
Ibagsak ang bulok na sistema!
Isulong ang Pambansa-Demokratikong
Pakikibaka na may Sosyalistang
Perspektiba!
4
HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ang apat na taon ni Aquino ay kilala na sa patong-patong na kaso ng katiwalian at kurapsyon.
Hungkag ang slogan nito ng malinis na pamamahala at daang matuwid. Nagpapatuloy at
higit na sumasahol ang sistema ng burukrata kapitalismo sa ilalim ng kanyang gubyerno.
Pork barrel king
Ginamit ni Aquino ang pondo ng bayan upang
konsolidahin ang kanyang kapangyarihang
pampulitika. Ang umaabot sa isang trilyong
pisong pondong pork, kabilang ang Priority
Development Assistance Fund (PDAF) at
Disbursement Acceleration Program (DAP) ay
ginamit niyang panuhol sa mga kongresista,
gabinete at mga opisina ng pamahalaan para
sumunod sa kanyang kontra-mamamayang
mga patakaran. Inilagak ni Aquino ang pondo
ng bayan sa mga pribadong bank account ng
mga kaalyado bilang kikbak ng mga upisyal.
Pinapaboran ni Aquino sa mga kroni
at oligarko sa pagbibigay sa kanila
ng mga Programang Private-Public-
Partnership (PPP). Nakinabang dito ang
malalaking kontributor sa kampanya ni
Aquino noong 2010 gaya nina Eduardo
Danding Cojuangco, Henry Sy, Manuel
Pangilinan, mga Ayala, Consunji at iba
pang malalaking burgesya kumprador.
Areglado na sa mga kamay nila ang
mga kontratang PPP, maging sa pondo
at programa ng rehabilitasyon sa
mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Dinedemolish din ang kabahayan ng
maralita para ihawan ang landas para
sa mga negosyo ng mga kroni.
Pinaboran din ang sariling angkang
Cojuangco na bukod sa patuloy na
pinananatili ang Hacienda Luisita ay
nakatangap pa ng P471.5 milyon para
sa halaga ng pagbili ng isang bahagi
nito sa Land Bank of the Philippines na
dapat sana ay P304 milyon lamang.
Binibigyan din ng mga espesyal
na tax exemptions and holidays
ang malalaking kapitalista habang
pinipiga ang mga karaniwang
manggagawa at propesyunal. Wala
sa listahan ng mga may malalaking
binayarang buwis ang ilan sa mga
pinakamayayaman sa bansa.
Punong ismagler
Tumindi din ang pagtaas ng kaso ng
ismugling sa ilalim ng rehimeng Aquino.
Ayon mismo sa International Monetary
Fund (IMF), lumala ng tatlong ulit ang
ismugling sa bansa kumpara sa mga
nakaraang taon at nagkakahalaga ng
$19 bilyon noong 2011. Patuloy ang
malakihang pagpuslit ng bigas, sibuyas,
bawang, baboy, manok, at iba pang
agrikultural na produkto sa ating bansa.
Pinapatay ng ismugling ang kabuhayan
ng mga maliliit na magsasaka at
produser sa kanayunan.
Kaklase, Kapartido,
Kabarilan.
Nagpasikat si Aquino sa kanyang mga anti-Kurapsyon
na kampanya, ngunit ni isa wala naman naparusahan.
Ginagamit lang ni Aquino ang Anti-Kurapsyon na
kampanya na panakot sa mga opisyal na humihina ang
katapatan sa kanyang rehimen. Kahit na lantaran na
ang kurapsyon ng kanyang mga kakampi, patuloy niya
parin itong pinoprotektahan (Hal. Butch Abad at Proceso
Alacala). Pinagtatakpan niya din ang katiwalian sa mga
department na kilalang-kilala sa pagiging kurap (Hal. BIR,
DOTC, at DPWH). Ang Anti-Kurapsyon ay sumasaklaw
lamang sa sa mga kaaway ng pangkat ni Aquino.
Bata ng komprador
Malawak at lantaran ang kurapsyon
sa ilalim ng rehimeng Aquino
5
TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014
Gintong bawang, bigas at pagkain:
Kasabwat si Aquino ng WTO, kartel at ismagler
Mula P60-90/kilo, nagsimulang
umakyat patungong P300/kilo ang
bentahan ng bawang (P180/kilo sa
lokal na ani) habang pinayagan naman
ng National Food Authority (NFA) ang
dagdag na P2/kilo sa presyo ng bigas.
Bukod dito, sumirit pa ang presyo ng
luya, asukal, at iba pang sangkap sa
pagluluto dahil sa pagbaba ng mga
supply nito sa pamilihan.
Nagaganap ang mga istorikong pagtaas
dahil sa kakulangan ng subsidiya
sa lokal na pagsasaka, kawalan ng
lupa at pagsasailalim natin sa World
Trade Organization (WTO). Dahil dito,
nakadepende ng malaki ang bansa sa
mga iniaangkat na produkto.
Habang itinutulak ng gobyerno ang
malayang kalakalan, humihina ang
kita ng mga lokal na sakahan dahil
sa pagbaha ng dayuhang produkto sa
merkado. At dahil napabababa nito
ang lokal produksyon, binabalikat
ngayon ng mamamayan ang pagtaas
ng imported na mga produkto gaya
ng bawang.
Habang lubog sa ganitong suliranin,
isinisisi naman ng gobyerno sa
bumabang importasyon at mataas na
demand mula sa traders ang pagsirit
ng presyo ng bawang. Kaysa tulungang
mapataas ang produktibidad ng lokal
na pagsasaka ay iminungkahi pa ng
National Garlic Action Team (na may
basbas ng gobyerno) ang pagpapatupad
ng 932 bagong permit sa importasyon.
Nais din ng WTO na tanggalin na
ang anumang restriksyon sa mga
inaangkat na bigas. Ibig sabihin,
wala nang limitasyon sa bilang ng
maaaring pumasok na dayuhang palay
sa bansa. Ginagamit din itong dahilan
ng ilang smuggler upang magpuslit ng
dayuhang bigas sa bansa. Hanggang
ngayon, hawak pa rin ng mga kartel sa
leeg ang supply ng pagkain.
Pinatunayan ng kasaysayan na
napahina ng husto ng liberalisasyon ng
kalakalan ang pagsasaka simula nang
pasukin natin ang WTO noong 1995.
Mula sa 7,000 hektaryang tinatamnan
noong 1994, 2,500 hektarya na lang
ang tinatamnan ng bawang ngayon.
Habang nasa 8,847 metric tons na lang
ang kabuuang ani ng bawang noong
nakaraang taon, nasa 28,690 metric
tons naman ang inangkat natin mula
sa ibang bansa.
Sa madaling sabi, pinapaboran nina
Agriculture Sec. Proceso Alcala at BS
Aquino III ang interes ng mga monopolyo
kapitalista sa pagpapatupad ng mga
patakarang neoliberal. Tagakanlong
ng mga kartel at smugglers ang
kasalukuyang administrasyon.
Hinahayaan ng pamahalaan na ito na
magtaas ng presyo ang mga lokal na
kartel upang magkaroon ng dahilan
na pumasok sa mga maanomalyang
kontrata sa pagaangkat ng mga
produktong agrikultural. Malinaw na
walang pakielam ang gobyerno ng
mga hasyendero sa karaingan ng mga
nagdarahop na magsasaka. Malinaw
na banta ang WTO sa seguridad ng
pagkain at kakayahan ng bansa upang
makatayo sa sariling paa.
Maisasalba lang natin ang ekonomiya
kung proprotektahan natin ang
industriya ng pagsasaka. Kinakailangan
ang mahigpit na pagkontrol sa mga
inaangkat na produkto, pagpuksa sa
smuggling at pagbuwag ng mga kartel.
Kinakailangang mapasakamay ng mga
magsasaka ang lupat mamodernisa
ang agrikultura upang masiguro ang
pangangailangan ng bansa.
Ang walang habas na pag taas na ng
presyo ng mga bilihin ay maslalong
mag papahirap sa ating mga Pilipino. Sa
tindi ng krisis ngayon, hindi na papayag
ang mamamayan na gisahin pa sa
sariling bawang. Ang maghimagsik
ay makatwiran.Presyo kontrolin!
Noynoy patalsikin!
Sa harap ng walang patumanggang pagsirit sa presyo ng
ibat-ibang produktong agrikultural sa merkado nitong
mga nakaraang linggo, lahat ay nagtataka: bakit lahat
na nagtataasan?
6
HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Socialized Tuition System sa UP:
Mas matinding atake sa karapatan sa edukasyon
Mas matindi, mas malawak, at mas
sistematikong pagpiga ng napakataas na
matrikula mula sa mga estudyante ang
dulot ng Socialized Tuition System (STS)
na ipinatupad ngayon sa UP. Layunin
nitong patuloy na tugunan ang patakarang
kumersyalisasyon na pangunahing
itinutulak ng rehimeng US-Aquino.
Ang ipinalit sa matagal nang isinusukang
Socialized Tuition and Financial Assistance
Program (STFAP) ay repormang STS
upang solusyunan umano ang daing ng
mga estudyante sa napakataas na bayarin
sa pamantasan. Ipinagmamalaki ang
pinaunlad na proseso, pinasimplet pinabilis
na aplikasyon, at suporta umano sa mahihirap
na estudyante sa ilalim ng STS, ngunit sa
katunayan, mas masahol pa ito sa STFAP sa
pag-atake sa karapatan sa edukasyon.
Walang nang pagpapanggap at ganap
na sinelyuhan ng STS ang pagtataas ng
matrikula mula P1,000 kada yunit tungong
P1,500 kada yunit na pakubling ipinatupad
noong 2012 sa pamamagitan ng STFAP.
Itinaas nito ang karaniwang bayarin ng
estudyante mula sa dating P20,000 tungo sa
P30,000 kada semestre. Sa ilalim ng STS,
ipinagmamalaki pa ng unibersidad na ang
itinatakda na lamang nito ay diskwento
sa tuition.
Lalong pinalawak ang atake sa pamamagitan
ng sapilitang pagpapaloob ng lahat ng
estudyante sa napakahirap na aplikasyon,
mahigpit na deadline, at bogus na
pamantayan upang tiyakin na magbabayad
ang pinakamarami ng P1,500 kada yunit.
Dahil computerized, ibayong mas madali
pa ang pagpapataw ng administrasyon ng
mataas na bayarin.
Maniobra ni Aquino sa pamamagitan ng
administrasyon ng UP ang pagpapatupad sa
STS sa harap ng malakas na panawagan na
ibasura ang STFAP at itigil ang mga hakbang
ng komersyalisasyon.
Noong 2012, garapal na isulong ng gobyerno
ni Aquino ang pagpapatupad ng iskemang
socialized tuition sa lahat ng State Colleges
and Universities (SUCs) sa buong bansa
sapagkat napatunayang epektibong
mekanismo umano ito para sa pagtataas ng
matrikula at pagbabawas ng pampublikong
subsidyo sa edukasyon.
Ngunit higit na nailantad ang STFAP
matapos ang pagkitil ng sariling buhay ng
UP Manila freshman na si Kristel Tejada
matapos pilitin mag-drop nang hindi
mabayaran ang napakataas na matrikulang
ipinataw ng STFAP. Ganap na nailantad ang
kabululukan ng STFAP at nang subukan nila
itong ipatupad sa Polytechnic University
of the Philippines (PUP), mainit itong
nilabanan at matagumpay na binigo ng mga
protesta ng estudyante.
Hindi na tumatalab ang pagpapanggap at
panlilito na tanging ang maykaya lamang
umano ang nagbabayad nang mahal sa UP.
Ramdam na ramdam ng mga estudyante na
labis silang pinahihirapan na makakuha ng
mas mababang matrikula upang magkamal
ng limpak-limpak na kita ang unibersidad
mula sa kanila.
Maliban sa iskemang socialized tuition,
kaliwat kanan din ang iba pang porma ng
kumersyalisasyon sa UP. Sunud-sunod ang
pagtataas ng laboratory fees at nagpapatuloy
ang pagpapataw ng iba pang dagdag-singil.
Ibayo pang sinasakal ng polisiyang purging
o sapilitang pagtatanggal sa klase ang mga
estudyanteng hirap na ngang magbayad.
Tiyak na ibayong tataas ang bilang ng mga
mag-aaral na napipilitang tumigil sa pag-
aaral at mga magulang na nababaon sa
utang. Hindi makasabay ang natatanggap na
barat na sahod sa tindi ng pagtaas ng mga
bayarin sa pamantasan kasabay sa pagsirit
ng presyo ng mga bilihin.
Sa kabila nito, tuloy ang garapal na
pagsunod ni Aquino sa neoliberal na dikta
ng US na isulong ang kumersyalisasyon
sa pamamagitan ng pagtataas ng
matrikula at pagbabawas ng pondo upang
papasukin ang pribadong mga negosyo at
pagkakitaan ang mga serbisyo tulad ng
edukasyot kalusugan.
Masidhi nating itakwil ang STS at iba pang
porma ng kumersyalisasyon sa pamantasan!
Ilantad ang mga atake ng rehimeng US-
Aquino sa karapatan sa edukasyon!
Labanan ang kolonyal, kumersyalisado, at
pasistang edukasyon!
NXP Solidarity Caravan
Nag-caravan ang ibat ibang organisasyon, kasama ang Anakbayan papunta sa NXP sa special economic zone sa Laguna kung saan
aabot sa 800 mga manggagawa ang lumabas para magprotesta. Inihayag nila na tuloy ang paglaban para sa sahod, trabaho at karapatan.
Nakahanda sila magwelga kung patuloy na tatanggihan ang kanilang mga kahingian.
7
TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014
PATNUGUTAN
PUNONG PATNUGOT | Orion Yoshida
MGA KAWANI | Andrea Pauline Lim,
Richard James Mendoza, Jaems Relativo,
Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo,
Bethany Pascua
PAGLALAPAT | Edward Pastor
Para sa mga suhestyon, komento at
kontribusyon, mag-email sa
anakbayan.media@gmail.com.
www.anakbayan.org
facebook | Anakbayan Phils
twitter | @anakbayan_ph
Sinampahan ng mga kasong kriminal
at administratibo ang walong opisyal ng
Commission on Higher Education (CHED),
dahil sa muli na naman pag-abruba ng
tuition increases ngayong taon.
Kinasuhan ng mga lider-estudyante si
CHED chairperson Patricia Licuanan at
mga Commisioner ng naturang ahensya na
sina Maria Cynthia Rose Bautista, Minella
Alarcon, Alex Brillantes Jr., at Ruperto
Sanggalang, ang Executive Director na si
Julito Vitriolo, at ang CHED NCR Regional
Director na si Catherine Castenada,
dahil sa matinding kainutilan at sadyang
pagpapabaya nito sa pagharap sa mga kaso
laban sa pagtaas ng matrikula.
Kabilang sa mga nagsampa ng kaso ang
mga lider ng Anakbayan, National Union of
Students in the Philippines, College Editors
Guild of the Philippines, League of Filipino
Students at Rise for Education Alliance.
Nahaharap ang mga opisyal ng CHED sa
mga kasong paglabag sa Republic Act No.
3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices
Act, RA 6713 o ang Code of Conduct and
Ethical Standards for Public Offcials and
Employees, RA 9485 o ang Anti-Red Tape
Act at paglabag sa RA 6713 o ang Code of
Conduct and Ethical standards for Public
Offcials and Employees.
Ayon sa isinumiteng pahayag ng mga lider-
kabataan, naghain ng magkahiwalay na
petisyon ang mga mag-aaral noong ika-18 ng
Marso at ng ika-1 ng Abril para kuwestyunin
ang mga panukalang pagtataas ng singil ng
matrikula sa mga unibersidad, subalit hindi
naglabas ng desisyon ang CHED dalawang
buwan matapos ihain ang mga petisyon at
hinayaan ang pagtataas ng mga singil.
Dagdag pa nila, patuloy na hinayaan ng CHED
ang paniningil ng development fee sa mga
mag-aaral sa kabila ng Resolution No. 221-
2012 ng CHED mismo na nagbabawal rito.
Agad na nag-iwas pusoy ang Malakanyang
sa mga kaso at sinabing hahayaan nito ang
Ombudsmana ng magpasya sa mga kaso.
Sagot naman ng mga mag-aaral, patunay
ang mga kaso na inutil ang gubyernong
Aquino sa pagpigil sa pagtaas ng matrikula
at dapat itong panagutin ng mga kabataan at
mga magulang.
CHED, kinasuhan ng mga
mag-aaral dahil sa muling
pag-aapruba ng
taas-matrikula
Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, ibayong
pinatitindi ang mga neoliberal na atake
laban sa paggawa. Nakabalangkas itong
bawiin ang lahat ng napagtagumpayan ng
kilusang paggawa upang lumikha ng mura
at siil na paggawa na kaniyang ilalako sa
mga lokal at dayuhang kapitalista.
Sadyang pinalulubha ng gobyernong
Aquino ang kawalan ng hanapbuhay sa
bansa at ibayong lumilikha ng malaking
reserbang paggawa sa pamamagitan ng
programang K-12 upang baratin ang sahod
ng mga manggagawa. Kapos na ngat di
nakasasapat ang minimum wage, nais
pa itong tanggalin na para magpasahid
ng mas mababa sa pamamagitan ng
two-tiered wage system at individual
contracting. Patuloy ring ipinapatupad ang
regionalization ng sahod.
Bahagi rin ng ipinatutupad nitong neoliberal
na balangkas ang tanggalan ng kundisyon
ang kolektibong paglaban ng mga
manggagawa. Maliban sa ibat ibang paraan
upang wasakin ang mga unyon at buwagin
ang welga, sadyang pinapalaki din ang
bilang ng mga kontraktwal na manggagawa
na hindi maaaring sumapi sa unyon. Ayon
sa datos ng KMU, halos 5% na lamang ng
mga manggagawa ang unyonisado dahil sa
pananalasa ng kontraktwalisasyon.
Kabilang din sa mga atake ang pagtatayo
ng mga enklabo na isinasailalim sa halos
walang-taning na kapangyarihan at
panunupil ng Philippine Economic Zone
Authority. Ginagamit din ang pasistang
Plano ng malawakang
pag-oorganisa ng kabataang
manggagawa, ikinasa
puwersa ng gobyerno upang supilin at
buwagin ang mga welga sa pamamagitan
ng Assumption of Jurisdiction.
Dahil pangunahing sinasalot ng
kontraktwalisasyon, sistemang enklabo, at
kabuuang komprehensibong atake sa sahod
at paggawa ang kabataang manggagawa,
nagkaisa ang mga lider-kabataan na
ilunsad ang malakas na kampanya laban
dito at mag-organisa nang masaklaw sa
hanay ng mga kabataang manggagawa.
Binigyang-diin ng kumperensya ang
kahalagahan ng pag-oorganisa kung saan
may konsentrasyon ng mga manggagawa
na pangunahing matatagpuan sa mga agri-
businesses sa mga probinsya, mga enklabo
sa ilalim ng EPZA, at ilang factory belt
sa Kamaynilaan. Mahalaga rin ang pag-
oorganisa sa mga manggagawang nasa
linya ng transportasyon, telekomunikasyon,
at batayang utilities. Partikular din ang
konsentrasyon ng kabataan sa mga enklabo
dahil ang karaniwang edad na pinapapasok
dito ay 18-25 taong gulang.
Sa pagpupulong, binuo ng mga lider-
kabataan ang programa at plano para sa
pag-oorganisa ng mga mangagagawa.
Nagtalaga ng mga organizing teams sa
partikular na workplaces at komunidad.
Ipinanawagan sa mga kasapi ng Anakbayan
buong bansa ang buong lakas na pagsisikap
upang magtayo ng maraming mga balangay
ng organisasyon, mga asosasyon, at unyon
ng manggagawa.
Upang palakasin ang paglaban sa tumitinding atake sa sahod at paggawa,
isinusulong ngayon ng Anakbayan ang programa para sa malawakang pag-
oorganisa sa hanay ng mga kabataang manggagawa. Bilang paunang sikad,
inilunsad noong Hunyo 14 ang kumperensya ng mga lider-kabataan, kasama
ang Kilusang Mayo Uno (KMU), upang pagtalakayan ang sitwasyon ng mga
manggagawa at pag-aralan ang karanasan sa pag-oorganisa sa kanila.
8
HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Sa panukala ng mga kaalyado ng rehimen,
popondohan na naman ng dagdag P150
bilyon ang programa na gagatasan ni Aquino
para sa eleksyong 2016. Kung tutuusin,
lagpas P300 bilyon na ang nagasta sa CARP
mula noong 1972 na dinala sa kurakot at
ibinayad pa nga sa mga panginoong maylupa.
Ang CARP, sa loob ng mahigit tatlong
dekada ay hindi nagbigay ng lupa sa mga
magsasaka, sa halip, lalo pa nga nitong
pinatindi ang konsentrasyon ng lupain sa
kamay ng iilan. Sa kasalukuyan, nasa kamay
pa rin ng iilang mga pamilya ang lagpas 1/5
ng lupang agrikultural sa bansa. Halimbawa
si Danding Cojuangco Jr, na may 30,000
ektarya sa Negros, Isabela, Cagayan, Davao
del Sur, Palawan at Cotabato; ang pamilya
Cojuangco, Dy at Enrile na naghahati ng
13,085 ektarya sa Isabela; ang Zobel-
Ayala na may 12,000 ektarya sa Calatagan,
Batangas at Floriendo na may 11,048 sa
Davao at Davao del Norte.
Nasa 1% lamang ng populasyon ang
nagmamay-ari ng aabot sa 1/5 ng
kabuuang lupang agrikultural sa bansa.
Kung tutuusin, lumaki pa nga ang bilang
ng lupa na ipinasasaka simula ng ipatupad
ang CARP.
CARPER ibasura!
Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!
Sa kasalukuyan, aaabot na sa 60% ng mga
Certifcate of Land Acquisition and Ownership
o CLOA ang nakansela o binawi. Samut
sari ang mga pamamaraan para ieksempt
ang mga lupain mula sa pamamahagi
sa pamamagitan ng reklasipikasyon at
kumbersyon ng lupa. Matatandaang mula
sa orihinal na target na 10.3 milyong ektarya
noong 1988 o 85% ng kabuuang lupaing
agrikultural at isang ikatlo ng kabuuang
lawak ng bansa ay tinapyasan ito ng 22% o
8.1 milyong ektarya na lamang dahil na rin
sa malawakang pagbabawas ng mga lupaing
pribado at publiko sa sakop ng CARP.
Samut sari din ang mga pamamaraan
para ikutan ng mga panginoong may lupa
ang pamamahagi gaya ng Voluntary Land
Transfer (VLT) kung may saan samut saring
arrangement gaya ng joint ownership
katulad ng stock distribution option na
dehado ang mga magsasaka. Samut sari
rin ang mga pamamaraan ng paniniil sa mga
magsasaka at paninigil sa kanila hanggang
sa mapilitan na silang ibenta muli ang lupa
sa mga landlord.
Wala ng pinakamainam na halimbawa ng
bogus na land reform kundi ang Hacienda
Luisita. Bukod sa hindi pa rin nabibigay ang
lupa sa mga magsasaka, sobra-sobra ang
ibinayad sa mga Cojuangco para sa isang
bahagi nito na aabot sa P471 milyon sa
halip na P304 milyon lamang. Sa ganitong
paraan, ginagatasan pa ng landlords at mga
burukrata kapitalista ang CARP.
Sa 26 taon na ipinatupad ito ay pinatunayan
ng CARPER na wala itong ibang silbi kung
hindi linlangin ang mga magbubukid,
pagkakwartahan ang kanilang karalitaan
at kawalan ng lupa at maglatag ng ligal na
balangkas upang mabawi ng mga asyendero
ang lupa.
Nanawagan ang Anakbayan na isulong
ang tunay na repormang agraryo sa
pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform
Bill (GARB) at sa mga pakikibaka ng
magsasaka at mamamayan para ibagsak
ang paghahari ng mga panginoong maylupa,
ipamahagi ng libre ang lupa at suportahan
ang mga magsasaka.
Nasa mga magsasaka at mamamayan ang
lahat ng dahilan para lumaban at mag-aklas
laban sa bulok na sistema, ipanawagan ang
lupa, hustisya at pagbabago.
Sa June 30, nakatakdang magtapos ang Comprehensive Agrarian
Reform Program with Extensions and Reforms (CARPER). Itinutulak
ngayon ni Aquino at mga kaalyado nito na muling palawigin ang huwad
na reporma sa lupa.
Libo-libo ang nagmartsa papuntang Mendiola sa Maynila noong Hunyo 12 para ipanawagan
ang pananagot ni BS Aqunio at lahat ng sangkot sa pork barrel scam.

You might also like