You are on page 1of 1

Maikling pag-susulit sa Filipino 8

Unang Markahan
I. KAALAMAN Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na grupo ng salita.
1. Ito ay isang uri ng karunungang bayan na karaniwang patalinghaga at may
kahulugang tinatago.
2. Ito ay tinatawag din na pagtatambis. Isang paraan ng pagsasalita na hindi
gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.
3. Si Rizal ay gumamit ng karunungang bayan sa kanyang tula na Sa aking mga
kabata. Ano ito?
II. PROSESO Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na halimbawa ng karunungang
bayan
4. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin
5. Isang kahig, isang tuka
6. Malayu sa bituka
7. Ubos ubos biyaya, bukas nakatunganga
8. Habang maikli ang kumot, matututong mamaluktot
III. PAG-UNAWA Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
(9-11) Paano nakatulong ang karunungang bayan sa pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino?
(12-14) Bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan tulad ng
salawikain, kasabihan, at sawikain sa kasalukuyang panahon?

IV. PROYEKTO Sumulat ng makabuluhang mga pangungusap gamit ang mga
sumusunod na sawikain.
(15-16) Nagsusunog ng kilay
(17-18) Kidlat sa bilis
(19-20) Haligi ng tahanan

You might also like