You are on page 1of 4

Kabataan:

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19,1861-Disyembre


30,1896) ay Anak nina Francisco Rizal Mercado (18181897) at ni Teodora Morales
Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido
bilang "Realonda") na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa
isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labingisang mangkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (18501913), Paciano (1851
1930), Narcisa (Sisa) (18521939), Olympia (18551887), Lucia (18571919), Mara
(Biang) (18591945), Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha) (18621865),
Josefa (Panggoy) (18651945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng)
(18701929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong
kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa,
isang Sangley ng Luzon.
Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni
Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto
Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang
Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong
siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon,
pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano
Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na
pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de
Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong
pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng pamilyang MercadoRizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang
naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". Ginawa ang
pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang
kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa
Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa
naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na
kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging

kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga
ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at
kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga
Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.

Pag-aaral:
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang
pinasukan noong ikadalawampu ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang
ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa
lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na
may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka.
Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo
Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5
Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring
pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya
sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa
ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente"
(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.
Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa
isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan
natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles,
bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang
dalubwika si Rizal na nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, L

atin, Portuges, Ruso, Sanskrit,Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng
Pilipinas.

BUHAY PAG-IBIG NI RIZAL


o

Mga Babae sa Buhay ni Rizal

Ang mga babaeng makikita sa buni ni Jose Rizal ay sina Leonor Rivera,
Dona Teodora Alonzo, at si Josephine Bracken. Ang bawat babae ay may papel sa
buhay ni Rizal at sa kasaysayan ng mga Pilipino. Si Leonor Rivera ay naging
importante sa mga nobela at mga sinusulat niya. Si Dona Teodora Alonzo ay ang
mapagmahal na ina ni Rizal, at si Josephine Bracken naman ay ang babaeng minahal

at ikinasal kay RizaL


o
Ang mga babaeng ito ay maihahalintulad sa mga gawa ni Rizal at sa mga
kwentong Pilipino. Si Leonor Rivera ay makukumpara kay Maria Clara habang si
Josephine Bracken naman ay tulad ni Salome. Si Salome ay isang tauhan galing sa
Noli Me Tangere pero di isinama sa publikasyon kaya kakaunti lamang ang nakakaalam
sa kanya. Si Josephine ang may pinakamaraming pagtutulad; siya ay ikinukumpara
kina Gabriela Silang at Joan of Arc dahil tulad nila, siya rin ay naglaban kasama ng mga
Katipunero kahit namatay na si Rizal. Siya ay naging isang malaking papel sa
kasaysayan ng Pilipinas, ang partisipasyon niya sa Battle of Silang at Battle of
Dasmarinas, hanggang sa pagkamatay niya noong taong 1902 dahil sa AIDS.
o
May pito pang babae na makikita sa buhay ni Rizal: Segunda Katigbak,
Leonor Valenzuela, Consuelo Ortiga, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead,
Suzanne Jacoby. Lahat sila'y may maliit o malaking epekto sa buhay ni Rizal.
o
Si Segunda Katigbak at si Leonor Valenzuela ang una niyang mga pagibig bago siyang pumunta sa Espanya. Nagsimula siya sa kanyang pagsusulat ng mga
letra at tulang panliligaw sa kanila.
o
Si Consuelo Ortiga, isang anak ni Pablo Ortiga, ang pag-ibig ng isang
kaibigan ni Rizal, si Eduardo se Lete. Dahil dito, marahil pumunta sina Rizal at mga
kaibigan niya sa bahay Ortiga. Dito, umibig si Consuelo kay Rizal. Dahil sa kanyang
pag-ibig kay Leonor Rivera at dahil sa kayang kaibigan si Eduardo, di siya nag-ibig kay
Consuelo Ortiga.

Si O-Sei San ay anak ng isang Hapon na "samurai." Tiunuruan niya si

Rizal ang paraan ng pagpipinta na tawag ay "sumie." Tinulungan niya rin si Rizal na
gumaling sa pagsasalita ng wikang hapon. Kung wala siyang tungkulin na tulungin ang
kanyang bansa, nanatili sana siya sa tabi ni O-Sei San.
o
Noong nasa London si Rizal, Nakitira siya sa bahay ng pamilyang Beckett.
Si Gertrude ay ang panganay sa babaeng magkakapatid at na-inlove na inlove siya kay
Rizal. Bigla na lang umalis at pumunta sa Paris si Rizal para makaiwas kay Gertrude
pero bago siyang umalis, natapos niya ang "carving" ng tatlong magkakapatid at
ibinigay niya ito sa kanila bilang simbolo ng kanilang pagkakakilala.
o
Dahil nawala kay Rizal si Leonor Rivera, nasa-isip niya ang posibilidad na
manligaw sa ibang babae. Noong naging bisita siya sa isang city resort na tawag ay
Blarittz, nakilala niya ang dalawang babaeng anak ng may-ari ng lugar. Tinuruan siya ng
magkapatid kung paano "mag-fence." At si Nellie Boustead, isa sa dalawa ay "nainlove" kay rizal. Hindi tumuloy ang kanilang relasyon nila hangang kasal dahil ayaw
maging protestano si Rizal at ayaw ng nanay ni Nellie dahil hindi gaanong mayaman si
Rizal.
o

Pumunta si Rizal sa Brussels galing Paris dahil mahal makatira sa Paris.


Dito nakitira siya sa boarding house ng dalawang babaeng magkapatid na apelido ay
Jacoby. Si Suzanne ay "na-inlove" kay Rizal at umiyak siya noong umalis si Rizal
papuntang Madrid. Sinulatan niya si Rizal noong nakaalis na siya.

Obra maestra:

Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me


Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola,
at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni
Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap
na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito
ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol.
Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

You might also like