You are on page 1of 2

Narrator: Matapos ang pag aaral ni rizal sa ateneo ay bumisita muna sa kanila bago

magpatuloy ng pag aaral sa santo tomas. Abril ng 1877.

Kuya Paciano : Pepe, kamusta ang pag aaral, nd k aba nahirapan.


Pepe: Sa una ay nahirapan ng kaunti, naninibago at sinasanay ko pa ang aking
sarili. Nang kinalaunan ay nakakasabay na ako sa mga aking kamag aral.
Kuya Paciano : Mabuti kung ganun, ipagpatuloy mo at wag mo ipapahiya ang ating
pamilya.
Pepe: Opo, kuya Paciano. Kuya, maaaring po ba akoy mamasyal muna sa ting
bakuran. Akin lang bibisitahin ang mga puno ng atis, balimbing, macopa, santol, at
tampoy. Makalanghap na din ng sariwang hangin.
Kuya Paciano : Oo sige, maingat ka lamang.

Narrator : Naglalakad lakad muna si Pepe sa kanilang bakuran. Patingin tingin sa


mga puno. Hanggang sa makaabot siya sa tabing ilog.

Pepe: Makaligo na din sa ilog. Ngaun lang ulit ako nakabalik ako rito. Ngunit parang
may ibang taong naroroon.
(Julia nanghuhuli ng paru paru)
Julia : Ang hirap naman manghuli ng paru paru. Maiilap sila sa akin.
Narrator : Patuloy na nanghuhuli si Julia habang pinagmamasda siya ni Pepe mula
sa malayo. Nabighani si Pepe sa kagandahan ni Julia. Ngunit, sandali lamang ay
naupo si Julia sa malaking batuhan malapit sa ilog. Napagod at sumuko na sa
panghuhuli ng paru paru.
Pepe : nakabibighani ang kanyang kagandahan. Mukhang malungkot siya dahil wala
siyang mahuling paru paru.
(nanghuli si Pepe ng dalawang paru paru, at nakita ito ni Julia)
Julia: Sino kaya ang binatang iyon. Sinusubukan niya ding manghuli ng paru paru.
(habang nanghuhuli si Pepe ay medyo nahihirapan, nung una ay hindi ito masyado
pinapansin ni Julia , ngunit nung lumaon ay natutuwa siyang panuurin si Pepe)
(nakahuli na ng dalawang paru paru si Pepe, at lumapit siya kay Julia para ialay ang
mga paru paru sa kanya)
Pepe : Magandang binibini, maari ko bang ialay itong mga paru paru sa iyo.
Julia : (tumatawa) Salamat sa iyo ginoo, kanina pa akong nanghuhuli kahit isa lang
ngunit ayaw nila sa akin, sobrang mailap sila.

Pepe : Nasaksihan ko nga ang iyong paghuli, kanina pa ako naririto at


pinagmamasdan ka mula sa malayo. Ako nga pala si Jose. Maari ko bang malaman
ang iyong ngalan??
Julia : Julia,. Julia Celeste Smith.
Pepe : napakagandang pangalan, nababagay lamang sa iyong kagandahan.
(napatawa na lamang si Julia sa mga matatamis na salita ni Pepe)
(naging matalik na magkaibigan ito at laging nagkakasama nung mga panahong
nasa laguna si Pepe, ngunit nung magsimula na ang pag aaral sa santo tomas ay
madalang lang ang kanilang sulatan at dahil sa mga bata pa sila ay natigil ang
kanilang kumikasyon. Nakalimutan nila ang isat isa at nakakilala si Pepe nang
bagong babaeng bumighani sa kanyang mga mata)

Wakas

You might also like