You are on page 1of 1

Jason Lombos

Year V-A

Ang wikang Tagalog ay nanggaling sa mga taong Tagalog. Sinabi ng mga iskolar na and
mga taong Tagalog ay galing sa Visayas at Mindanao. Ang pinakamaagang tekstong
Tagalog ay ang Laguna Copperplate Inscription. Ang mga ibang wika na kasama sa
Laguna Copperplate Inscription ay Sanskrit, Malay, at Javanese. Nasulat ang Laguna
Copperplate Inscription sa 900 AD. Ang pinakaunang literaturang Tagalog ay ang The
Christian Doctrine of 1593. Sa Saligang Batas ng 1935, nagtandhana ng Kongreso
tungkol sa wikang pambansa. Sa Disyembre ng 1972, isinalin ni Ferdinand Marcos ang
Saligang Batas sa lahat ng wikang sinasalita ng 50,000 na tao. Sinabi na ang pangalan
nng wika ay Filipino at hindi na Pilipino. Sa taon na 1987, pinagtibay ang
konstitusyon ng Pilipinas. Sa Seksyon 6, ang wikang pambansa ay Filipino, at ito ay
dapat payabungin at pagyamaninpa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika. Sa Seksyon 8, dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa Arabik at
Kastila.
Ang mga tungkulin ng wika ay instrumental, regulatori, interaksyonal, personal,
imahinatibo, heuristic, at representasyonal. Ang instrumental ay ang nakikiramay sa
mga pangangailangan ng mga tao. Ang regulatori ay ang wikang ginagamit ng
kondisyonal, kumokontrol, at gumagabay sa kilos ng iba. Ang interaksyonal ay ang
magpanatili ng relasyong sosyal. Ang personal ay ang ipapahayag ng sariling
damdamin. Ang imahinatibo ay napapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing
paraan. Ang heuristic ay ang naghahanap ng impormasyon. Ang representasyonal ay
ang transmisyon ng kaalaman tungkol sa daigdig.
Ang mga gampanin ng wika ay impormatib, ekspresib, direktib, perpormatib, at
persweysib. Ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng
impormasyon tungo sa tagatanggap. Ang ekspresib ay ang gamit ng wika kung
nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon.
Direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang tao upang
isagawa ang isang bagay. Ang perpormatib ay higit pa sa pasalitang anyo ng
komunikasyon. Ang persweysib ay ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng
tao tungkol sa isang paniniwala.
Sources:
https://prezi.com/q0dlfwtfvhuf/kapangyarihan-at-gampanin-ng-wika/
https://www.alsintl.com/resources/languages/Tagalog/
https://prezi.com/_inb6kebcjnt/tungkulin-at-gampanin-ng-wika/

You might also like