You are on page 1of 1

SALAMAT SA DIYOS / TANDA NG KAHARIAN NG DIYOS

PARI:
Sumainyo ang Panginoon
BAYAN:
At sumainyo rin
PARI:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos
Ama, Anak at Espiritu Santo
BAYAN:
Amen!
PARI:
Humayo kayong mapayapa
BAYAN:
Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos!
Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos!
KORO:
Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian
Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan (KORO)
Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan (KORO)
Sa 'ming pagdadalmhati, sa 'ming pagbibigay puri
Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang pangalan Niya'y sinasambit (KORO)

You might also like