You are on page 1of 1

Ang Wikang Tagalog,[3] na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga

pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de
jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang Wikang Filipino (mula 1961 hanggang
1987: Pilipino[3]). Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon
IV (CALABARZON atMIMAROPA), ng Bulakan, at ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito
sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mgaPilipino ang pinakamalaking pangkatetnolinguwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo
nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang
buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ang Ingles, isa ang Tagalog sa
kasamang-opisyal at tangingpambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog
bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas
ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang
Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag
namananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa
pananagalog.[3]
Kaugnay ng iba pang mga wika sa Pilipinas, ang Wikang Tagalog, gaya ng mga wika sa
Bikol, Ilokano, mga wika sa kabisayaan, at Kapampangan, at mayroon ding kaugnayan sa iba
pang mga wikang Austronesyo, gaya ng Wikang Indones,Hawaiian at Malagasy.
Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas
ang Ingles ang isa paayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de
facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa
prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao[3],
o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing
ikalawang wika nila ang wikang Filipino[4]. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng
Pilipinas na nasa Ethnologue[5]. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang
katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at
sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo."[6] Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o
ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit. [7] May mga
"lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog"
sa Davao[8] atCebu[9], na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas
kasama ng Kalakhang Maynila.

You might also like