You are on page 1of 3

WIKANG PANTURO

Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para
sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang
wikang ginagamit sa mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit,
exams, instructions para sa mga gawain at pananaliksik.
Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang
sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang
ibig sabihin, may iisang wikang panturo ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit ang
Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng
mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong
3 Mayo 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa
paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa
elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang
Pambansa blang wikang panturo.
Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay
hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles.
Bukod sa asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay
gumagamit ng Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at
panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham ay Ingles ang wikang panturo.
[Mahalagang pansinin ang pagtukoy sa Wikang Pambansa bilang Pilipino mulang 1959
hanggang sa panahon ng pag-iral ng 1973 Konstitusyon. Bagaman binanggit na sa 1973
Konstitusyon ang pagbuo sa wikang Filipino, patuloy na kinilla hanggang 1987 ang pagiral ng Pilipino blang wikang opisyal at Wikang Pambansa.]
Ang patakarang bilingguwal ay isang pagtupad sa mga Seksiyon 23, Artikulo XV ng 1973
Konstitusyon hinggil sa Pilipino at Ingles blang mga opisyal na wika ng komunikasyon at
instruksiyon. Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng 1987
Konstitusyon. Gayunman, nakasaad din sa ikalawang talata ng Seksiyon 6, Artikulo XIV ng
kasalukuyang saligang-batas na: Subject to the provisions of law and as the Congress may
deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino
as a medium of official communication and as language of instruction in the educational
system. Itinaguyod ng Pangulong Corazon C. Aquino ang diwa ng probisyong ito ng 1987
Konstitusyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/ Instruemntaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga
Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga
Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.

Sa ilalim ng programang MTB-MLE, naging dagdag na wikang panturo sa antas na K-3 ang
ibang mga wikang katutubo (19 sa kasalukuyan, kasma ang Tagalog).

WIKANG OPISYAL
Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukodtanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang
teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay
ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din
sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Ang mga kinikilalang wikang minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din
mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na
kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga
opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal.
Halimbawa, ang Wikang Ladino at Sardo (Sardinian) sa Italya at ang Wikang
Mirandessa Portugal ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryo
lamang, hindi mga wikang opisyal.
Kalahati ng mga bansa sa mundo ay may mga wikang opisyal. Ang ilan ay
may iisang wikang opisyal lamang, tulad sa Albanya, France, o Lithuania,
kahit na lahat ng mga bansang ito ay may mga katutubong wika ring
ginagamit. Ang ilan ay may higit sa isang wikang opisyal, tulad sa
Afghanistan, Belurus, Belgium, Bolivia, Canada, Eritrea, Finland, India,
Paraguay, South Africa, at Switzerland.
Sa ilang mga bansa, tulad ng Iraq, Italya, Rusya at Espanya, mayroong
isang wikang opisyal para sa buong bansa, subalit may mga ko-opisyal na
wika rin sa mga importanteng rehiyon. Ang ilang mga bansa, tulad ng
Australia, Alemanya, Luxembourg, Sweden, Tuvalu, at Estados Unidos ay
wala ni isang wikang opisyal.
Ang mga wikang opisyal ng ilang mga dating kolonya, lalo na French o
Ingles, ay hindi mga pambansang wika o ang wikang may pinakamaraming
gumagamit sa mga dating kolonyang iyon.

Samantala, sanhi ng nasyonalismo, ang Gaeilge ang pambansang wika ng


Republika ng Ireland at ito ang unang wikang opisyal, maski na ito ay
ginagamit lamang ng maliit na bahagi ng populasyon. Ang Ingles, na
ginagamit ng mayoriya, ay ang pangalawang wikang opisyal (Saligang Batas
ng Ireland, Artikulo 8).

WIKANG PAMBANSA
Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging
kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa.
Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at
tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.
May mahigit sa isang pambansang wika ang ilan sa mga bansa, katulad sa
Canada na gumagamit ng Pranses at Ingles. Hindi dapat ipagkamali ang
pambansang wika sa namamayaning wika, na sinasalita ng karamihan ng
mga tao sa loob ng teritoryo ng isang bansa.

Pilipinas
Gayumpaman, hindi nag-iisa ang Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas,
ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa rin sa opisyal
na wika, kung pahihintulutan ng batas.

You might also like