You are on page 1of 1

Kambal

Ni Jester Boy Domingo | 10-Sapphire


Sa kaharian ng Haferia, mayroong dalawang kambal na prinsesa, si Borna at
si Hushmi. Si Borna ay isang mabuting prinsesa, palagi niyang pinasasalamatan ang
mga katulong nito sa palasyo samantalang si Borna ay sinisigawan niya ang mga ito
at minsay ginagawa niya pang katuwaan ang kanilang trabaho. Ang kanilang ina na
si Reyna Sonya ay umabot na sa dulo ang sapat na edad na panunungkulan sa
kaharian kayat sa linggong iyon ay naghahanda na ang mga tao, kawal at mga
katulong at lahat ng miyembro ng kaharian para sa koronasyong magaganap. Sinabi
ni Reyna Sonya na hindi niya gagawing reyna ang anak na si Hushmi na dahil
lamang na mas nauna itong pinanganak. Sinabi niya na may pagsubok na gagawin
ang kambal upang malaman kung sino ang mas karapat dapat na koronahan bilang
bagong reyna ng Haferia. Kinaumagahan, sinabi ng kanilang ina na magtungo sa
hardin ng Feleso, may makikita silang matanda roon at doon lamang nila makukuha
ang susi na pambukas sa bagong pinto ng trono. Nagtungo sila roon at may nakita
ngang matanda subalit may ipinapagawa muna ito, Ang kahon na ito ay
naglalaman ng susing inyong hinahanap subalit upang mabuksan ito, kinakailangan
ng katumbas ng isang tasang dugo. Inilagay ng matanda ang sanggol sa isang
patungan na may katabing kutsilyo. Inisip ni Hushmi na baka itong batang itoy
marapat na sugatan upang maibuhos ang dugo kaya kinuha niya ng kutsilyo at
binalak na sugatan ang sanggol. Pinigilan ni Borna ang kapatid at kinuha ang
kutsilyo, imbes na sinugatan ang bata ay sinugatan niya ang kanyang sarili na
siyang nagpabukas sa kahon na may lamang susi. Nagwagi si Borna sa pagsubok at
sa huli ng araw ay kinoronahan siyang hindi lamang isang magandang Reyna ng
Haferia, ngunit may puso rin.

You might also like