You are on page 1of 13

M

in
d
a
n
a
o

Ang Pabula ng Kabayo at ng


Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa
ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya
ang kanyang mga gamit at inilulan sa
kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Maaga pa ay sinimulan na nila ang

mahabang paglalakbay. Makaraan ang


ilang oras ay nakaramdam ng matinding
pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa
bigat ng kanyang pasang gamit.

Mg
aP

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas


mabigat ang pasan kong gamit keysa sa
iyo. Maaari bang tulungan mo ako at
pasanin mo
yung iba?"
pakiusap ng
kalabaw.
"Aba, yan ang
iyong balikat
kaya
anang kabayo
binilisan ang
"Parang awa
tulungan mo
kakayanin
dala ko.
ako. Alam mo
kailangan
magpalamig
sa ilog kapag
ang init ng
madaling
katawan ko,"
rin ng

a
N
b
g
ul
a

ipinataw sa
ng ating amo
pagtiisan mo,"
na lalo pang
paglalakad.
mo na
ako. Di ko na
ang bigat ng
Nanghihina
namang
kong
ganito katindi
araw dahil
mag-init ang
pakiusap pa
kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot


ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung
tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at
ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng
kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay
kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan
ng kalabaw at inilipat sa kabayo na
bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng
kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang
kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon," may pagsisising bulong
ng kabayo sa
kanyang sarili.
Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring
maging suliranin mo rin kung hindi mo siya
tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay
may katapat na kaparusahan. Ang mga
pasanin natin sa buhay ay gagaan kung
tayo ay magtutulungan.

Ang Agila at Maya


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad
sa kalawakan, buong yabang niyang
iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad
na pakpak. Habang patuloy siya sa
kanyang paglipad ay nakasalubong niya
ang isang maliit na ibong Maya at hinamon
niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan
kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya
naipasya niyang tanggapin ang hamon nito
para maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo.
Kailan mo gustong magsimula
tayo?"Natuwa ang Agila, himdi niya akalain
na tatanggapin nito ang hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo
gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita
niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak
niyang ang kasunod niyon ay malakas sa
pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin


ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay
kailangang bawat isa sa atin ay magdadala
ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang
dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni
Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga
naman hindi eh, mas hamak na magaan
ang bulak na dadalhin niya kumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni
Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na
'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng
mataas na bundok na iyon," wika pa ni
Maya.Gusto ng matawa ni Agila sa
katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya,
subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan
nga nila ang paligsahan.Habang nasa
kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya
namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila
kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si
Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na
dala-dala naman ni Maya ay nabasa din

ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad


ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si
Maya sa ituktok ng mataas na bundok at
tinalo niya ang mayabang na Agila.

MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating
mga ginagawa. Huwag maging mayabang
at huwag ding maliitin ang kakayahan ng
ating kapwa.

Ang Tigre at ang


Lobo
Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang
Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng
mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang
itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at
nagwikang,
Teka, teka. Alam mo bang kaproproklama
lamang ng mga Bathala na ako na raw
ngayon ang Hari ng Kagubatan?
Ikaw? Hari ng mga Hayop? hindi
makapaniwalang sabi ng Tigre.
Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at
maglakad tayo sa buong kagubatan.
Tingnan mo lang kung hindi matakot ang
lahat makita lang ako!
Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan
ba o hindi ang tinuran ng Lobo.Mayabang
na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo.

Nang ayain ng Lobo ang Tigreng umikot sa


kagubatan ay napasunod ito.
Malayo pa lamang sa mga Usa ay
kumaway-kaway na ang Lobo sa mga
hayop na may mahahabang sungay. Takot
na napatakbong papalayo ang mga Usa.
Ganoon din ang naging reaksiyon ng mga
Kambing, ng mga Kuneho at ng mga
Tsonggo.
Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo
at mga Kabayo.Takang-taka ang Tigre.
Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang
mga hayop ay mayabang na nagsalita ang
Lobo, Kaibigan, naniniwala ka na bang ako
na nga ang Hari ng Kagubatan?
Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na
silang dalawa sa mga hayop ay lagi at
laging nasa likod niya ang tusong Lobo.
Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot
ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin
dahil dito kaya kumaripas ng takbo ang
Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang
manlisik na ang mga mata ng Tigre at
magsitayo na ang mga balahibo nito sa
galit ay mabilis pa sa alaskwatrong

nagtatakbong papalayo ang takut na takot


na Lobo.
Aral: Dapat na maging mapanuri upang
malaman ang layunin ng mga taong
nakapaligid sa atin.

Ang Pagong at Ang Kalabaw


Isang araw ay nagkita ang kalabaw at
ang pagong. Nais ng pagong na
makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang
nang malakas ang kalabaw at pakutyang
sinabi na,
"Hindi ang isang tulad mo ang nais kong
kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at
kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na't
maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."Ang
pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong
kalabaw. "Sobra kang mapang-api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata
mong malaman na ang maliit ay
nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera
si pagong upang mapatunayan nito ang
kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni
pagong ang hamon ni kalabaw.
"Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay
pagsisilbihan kita sa habang panahon."

"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo


gustong umpisahan ang karera?"
pakutyang sambit ng kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling
sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na
niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya
at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay
matalino, Kinausap niya ang apat na
kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang
mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang
sa ikalimang bundok.Kinabukasan,
maagang dumating si kalabaw. Tulad ng
inaasahan, wala pa ang makakalaban niya
sa karera
" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na.
Ano bang kondisyon ng ating karera?"
tanong ng kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang
maunang makarating sa ikalimang tuktok
ng bundok na iyon ay siyang panalo," sabi
ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng
alikabok si pagong. Naunang sinapit ng
kalabaw ang unang bundok ngunit laking
gulat niya ay naroon na ang pagong na ang

akala niya ay ang kanyang kalaban.


Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw
hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din
ang kanyang dinatnan.
Mayroon nanamang isang pagong doon.
Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo
ang kalabaw hanggang sa ikatlong
bundok." Muli ay may isang pagong na
naman doon, ganoon din sa ikaapat at
ikalimang bundok.Dahilan sa matinding
kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay
pagong tinadyakan niya ng malakas ang
pagong. Matigas ang likod nang pagong
kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa
sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa
pagsipa sa mahina at maliit na pagong.

You might also like