Handout

You might also like

You are on page 1of 4

Group 2 Lance Dacayo, Ryan Dela Rosa, Cell Herrera, Gian Delgado, Russel Santos

The Philippines: A Past Revisited


Renato Constantino
Chapter 6 Monastic Supremacy
INTRODUKSYON
-

Ang pagpapalawak ng mga Kastila ng kanilang imperyo ay para sa dalawang


"Kamahalan," ang Diyos at ang hari. Ito ang naging basehan ng pag-iisa ng simbahan at
estado.

SPIRITUAL AND TEMPORAL SOVEREIGNS


-

Dahil sa pabor na kanilang nakuha mula sa Hari ng Espanya, naging impluwensyal at


makapangyarihan ang papel na ginampanan ng simbahan sa kolonisasyon ng Pilipinas.

Bilang ang Hari ng Espanya'y isang patron ng simbahang Katoliko, ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo'y naging bahagi ng kanilang layunin.

CLERICAL ASCENDANCY
-

Naging isang repleksyon ang kalagayan ng Pilipinas ng mga kaganapan noon sa Espanya.

Nagmistulang daan upang maging 'opisyal' ng pamahalaan ang pagiging bahagi ng


simbahan.

MISSION RIVALRIES
-

Ang tunggalian sa pagitan ng iba't ibang orden ng simbahan ay isa sa mga nagbunsod ng
pagbagsak ng moral na layunin ng orihinal na misyon.

Naging dahilan din ng moral decline ng mga misyonero ang kanilang maliit na bilang.

PROPERTY ACQUISITIONS
-

Ang akwisisyon ng mga lupa't iba pang ari-arian ay naging dahilan din ng maituturing na
moral decline ng mga misyonero.

Naging isang marangyang propesyon ang pagiging prayle. Tila'y naging kagaya na
lamang sila ng mga enkomyenderong kanilang binabatikos noon.

MODE OF ACQUISITION
-

Sa pamamagitan ng pagpapamana ng hari ng mga lupa at pagbili ng mga lupa sa estado,


ang mga prayle ay yumaman bilang mga land proprietor.
Maaaring nakakuha din ang mga prayle ng lupa galing sa mga donasyon at pagpapamana
mula sa mga namamatay na mayayamang Filipino na gusto makapunta sa purgatoryo.
Isa din ay ang pagbili at pag pressure na ibenta ng mga taganayon ang kanilang lupa sa
maliit na halaga sa mga prayle.Madalas galing sa simbahan, mga trade at kita sa mga
lupang may taniman ang ginagamit ng mga prayle upang bayaran ito.

PARTNERS AND LANDLORDS


-

Ang mga prayle ay nagsilbi bilang mga mortgagees sa mga magsasaka at mga
nagmamay-ari ng mga lupa na walang capital sa pagbili ng mga binhi para sakanilang
pagsasaka.
Sila ay nakakatanggap ng fixed interest mula sa mga magsasaka at mga landlords kung
gayat sila ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng patong-patong na utang ang mga
magsasaka.
Upang mabayaran ang kanilang utang, pinipilit ng mga prayle na i-mortgage ng mga
magsasaka ang kanilang mga lupain.

OUTRIGHT LAND-GRABBING
-

May mga prayle na nakakakuha ng lupa sa pamamaran ng pag agaw ng mga ito sa mga
magsasasaka.
Madalas nila inaangkin ang mga lupa sa pamamagitan ng paggawa ng kanilang sariling
titulo. May mga magsasaka na hinihingan nila ng titulo upang patunayan ng mga
magsasaka na pagmamay-ari nila ang lupa. Ngunit sa kadahilanang nakamit ng mga
magsasaka ang lupa base sa de facto possession, wala silang mapakitang titulo kayat
sila'y pinapalayas o nagsisilbing squatter sa sarili nilang lupa.

PATTERNS OF LAND TENACY


-

Madalas wala ang mga prayle sa kanilang mga lupain, kaya't ipinagkatitiwala nila ang
mga lupa sa kanilang mga kasamahan. Tinatawag na inquilinos ang middle man na
tumatanggap ng kalahati ng mga ani ng mga kasamas o subtenants.
Tinuturing na kapareho ng mga inquilino ang mga cabeza at gobernadorcillo sapagkat
kanilang pinagsisilbihan ang kanilang mga amo kagaya ng mga ito.

Katulad din nila, ang mga inquilinos ay nakikibahagi sa mga exploitation na nagaganap
kaya't mayroon din silang kakayahan na bumili ng lupain ng mga naghihirap na taga
nayon.

SEEDS OF DISCONTENT
-

Ang pagpapamana ng hari ng mga lupa sa mga prayle ay nagsisilbing kawalan ng


katarungan para sa mga taga nayon na nagtrabaho upang mataniman at mapamunga ang
mga lupa na kanilang inalagaan.

THE UNION OF CHURCH AND STATE


-Ito ay isang Kastilang konsepto na nagtitiwala at nagtatalaga sa mga prayle sa mga gawain at
tungkulin sa komunidad tulad ng pagiging inspektor sa mga pribadong paaralan at sa mga
pagbubuwis

WAREHOUSE OF FAITH
- Ang kontrol ng simbahan ay lumawak pati sa konsepto ng kalakasan sa ekonomiya. Ang
pulitikal at espiritwal na pagkontrol sa lipunan ay ang nagpapalakas sa kapangyarihan ng
simbahan.

FRIAR SUPREMACY
- Ang kahalagan ng mga lider ng simbahan ang naging dahilan ng kung bakit ang mga prayle ay
mas binibigyang importansya sa lipunan COMPETING EXPLOITERS AND OPPRESSORS
-

Nagkaroon ng pagtutunggali sa kapangyarihan at impluwensya ang Kolonyal na


Pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas, at ang mga prayle. Ang Korona, o ang Hari ng
Espanya, paminsan-minsan ay walang magawa kundi ang pumanig sa isa sa kanila.
Hindi sinusunod ng mga prayle ang mga utos ng opisyal ng gobyerno.

CONFLICT OVER LAND TITLES


-

Noong 1578, upang pigilan ang mga prayle sa pangaagaw ng mga lupa ng mga Pilipino,
ipinag-utos ng Korona na magkaroon ng inspeksyon ng mga titulo ng lupa sa Pilipinas.
Gayunpaman, hindi naging matagumpay ang unang Oidor mula sa Mexico na si Juan
Sierra na ipatupad ito. Sinasabi ng mga prayleng meron silang ecclesiastical immunity
kaya naman hindi sila pwedeng inspeksyunin, lalo na ang kanilang mga pagaaring lupa.
Napalitan ng isa pang visitador si Sierra na nagngangalang Don Juan Ozaeta y Oro na
mas madaling napapasunod ng mga prayle.

Dahil nga sa patuloy na pagmamatigas ng mga prayle sa kapangyarihan ng estado, ang


mga sumunod na Oidores ay hindi na lamang pinakikialaman ang mga lupang nasa ilalim
ng pangalan ng mga prayle.
Pati mismo ang Santo Papa ay nakisawsaw na isyu ng mga prayleng hindi sumusunod sa
otoridad. Subalit sabi ng mga prayle, sila ay nasa ilalim na kani-kanilang superiores at
hindi isa rito ang Santo Papa.

FROM INDIVIDUAL TO COMMON GRIEVANCE


-

Noong kino-convert na ng mga prayle ang mga Pilipino, nagkakaroon ng mga


pagkakataong sinasaktan ng prayle ang Pilipino para lang maging Katoliko.
Nagkaroon ng immersion ang mga prayle sa mga komunidad upang mas mapadali ang
pagko-convert. Ipinakikilala nila ang kanilang mga sarili bilang mga dagdag otoridad,
mga ama, mga tagapagturo. Dahil dito, nabuo rin ang loyalty ng mga Pilipino sa mga
prayle.
Ito rin mismo ang dahilan kung bakit nagkaroon pa ng mas malalaking pag-abuso, na di
kalaunay naging gawain na ng halos lahat ng mga prayle, at natatanggap ng halos lahat
ng mga Pilipino subalit ang tanggap ay bilang indibidwal.

TRANSITION IN CONSCIOUSNESS
-

Nang maging mga panginoong maylupa ang mga prayle dahil sa kanilang mga pangaagaw ng lupa sa mga Pilipino, naging mas matitindi ang panga-abuso ng mga ito.
Ito rin mismo ang isa mga mabigat na dahilan ng mga pagkilos laban sa mga prayle.
Dito na nagsimula ang collective action mula sa mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

FROM ACCESSORY TO PRINCIPAL APPARATUS


-

Sa kabuuan, naging malaking dahilan ng pagbabago ng pagtingin ng mga Pilipino sa mga


prayle, mula sa takot patungong pagtanggap ng relihiyon patungong paglaban dito, ang
mga karanasang kanilang natanggap mula sa mga prayle.
Ang Simbahan ay naging principal appratus ng pananakop mula sa isang hungkag na
palamuti na ginamit lamang para akitin ang mga Pilipino.

You might also like