You are on page 1of 1

1. Bilang bakla, igalang mo ang iyong ama at ina.

Wag mag-out kung di pa sila


ready, or kung hindi mo pa kayang buhayin ang sarili mo mag-isa.
2. Bakla ka, pero di ka Bakla lang.
3. Wag paniwalaan ang Tito at Tita mo na ilulublob ka ni Papa sa drum ng tubig
hanggat di nangyayari.
4. Take care of yourself! Walang ibang magaalaga sayo kundi sarili mo. Always
use protection!
5. Only you have the right to label or to not label yourself. Kebs na sa standards
ng society!
6. Hindi masamang maging bakla. Ang tanging masama ay ang manlamang ng
kapwa.
7. Hindi ka nag-iisa. Hindi lang ikaw ang Bakla. May nakakaintindi sayo. May
nakikipaglaban para sa karapatan at kaligayahan mo.
8. Galingan mo sa lahat ng bagay dahil ngayon, kahit anong mangyari, bakla ka
pa rin sa tingin ng iba. Tulungan mo silang magbago ang tingin nila sa
pamamagitan ng galing na meron ka.
9. Wag kang matakot lumaban. Karapatan at kaligayahan mo yan.
10.Wag sayangin ang buhay!
11.Wala ka nang magagawa oo, isa kang bakla. Gamitin mo ang struggles mo
para ma-inspire ang ibang bakla.
12.Always prove them wrong.
13.Hindi ka si Rene Requestas o si Dolphy na nasa mundo para maging katawatawa o pagtawanan. Ikaw lang ang may karapatang mag-define ng limits mo
bilang tao.
14.Bilang bakla, ipinanganak kang may kasalanan sa lipunan. Kasalanang
walang nakakaalam kung ano, at walang nakakaintindi kung paano
nagkaroon. Pagkapanganak mo ay may laban kang aabutan para patunayang
wala kang kasalanan ang pagiging bakla ay hindi kasalanan. Bilang bakla,
parte ka ng sandatahang lumalaban sa pantay-pantay na karapatan sa buong
mundo.
15.Wala kang karapatan na mag-out ng iba. Kung feeling mo na ang isang lalaki
ay bakla, hayaan mo syang matanggap at maintindihan ang tunay nyang
pagkatao remember nung hinahanap mo pa rin yung sarili mo?
16.Kapit-bisig mga beks! Tayo-tayo lang ang nagkakaintindihan kasama ng
mga straight allies kaya magkakampi tayo. Forever.

You might also like