You are on page 1of 1

T. Bakit hindi natin kinagisnan ang Iglesia na itinayo ni Criswto noong unang siglo?

S. Ito po ay natalikod o inihiwalay sa tunay na pananampalataya.


T. Sino ang nagtalikod?
S. Ang mga bulaang propeta o ang mga hindi tunay na tagapangaral-ginaya ang damit ni Cristo
at nagpatawag
pa na Ama ng kaluluwa ito ang papa at ang mga pare ng iglesia katolika.
T. Ano ang dalawang aral ng demonyo na itinuturo ng Iglesia katolika?
S. Ipinagbabawal ang pag-aasawa at pagkain ng karne.
T.Dapat ba tayong magsign- of the cross?
S.Hindi po-tanda ito ng mga itinalikod ng iglesia katolika.
T. Sa tunay na Iglesia,ilan lamang ang tagapamgitan natin sa Diyos?
S. Iisa lamang -ang ating Panginoong Jesucristo.
T. Itinatatag ba ng ating Panginoong Jesucristo ang misa ng katoliko?
S. Hindi po- hindi dapat na dumalo sa misa.
T. Dapat ba tayong makiisa sa todos los santos o pista ng mga patay?
S. Hindi po.
T. Sino ang sugo ng Diyos sa mga huling araw?
S. Ang kapatid na Felix manalo
T. Ano ang tunay na kalagayan ni Cristo?
S. Tao
T. Naging Diyos ba?
S.Hindi po.
T. Si Cristo ay nakagawa ng himala Diyos ba siya?
S. Hindi po dahil kinasangkapan lang Siya ng Diyos.
T. Nabuhay na mag-uli,Diyos ba siya?
S. Hindi po dahil binuhay siya ng Diyos.
T. Tungkulin ba natin ang pagmimisyon o pamamahagi ng pananampalataya?
S. Opo-akayin natin sila na dumalo sa pagsamba,pamamahayag,bigyan ng p;asugo o polyeto.
T. Pareho ba ang panalangin sa dasal?
S. Hindi po sa INC ay panalangin sa Katoliko ay dasal.
T. Ano ang una mong dapat gawin kung may sakit ka?
S. Manalangin at magpapahid ng langis.
T. Sino ang tagapamahalang pangkalahatan ng INC ngayon?
S. Ang kapatid na Eduardo V.Manalo.
T. Ano ang kukunin mo kung magtatagal ka o titira ka na sa isang lugar?
S. Transfer-ipapatala ito agad sa kalihiman ng lokal na lilipatan.
T. Paano ang pagboto ng INC?
S. Tayo ay nagkakaisa.
T. Bakit gusto mong mag-INC?
S. Gusto kong maglingkod sa tunay na Diyos at maligtas.
T. Hanggang kailan ka mamalagi sa INC?
S. Hanggang sa kamatayan.
T. Magsabi ka nga ng mga katangian ng Panginoong Jesucristo?
S. Ginawang Panginoon,Tagapamagitan,tagapagligtas.
T. Anu-ano ang pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo?
S. Ang tunay na Diyos ay walang pinagmulan,walang kamatayan,hindi napapagod,walang
kinikilalang ibang Diyos-si Cristo ay napagod , namatay may kinilalang kaniyang Diyos.

You might also like