You are on page 1of 3

KAPASIYAHAN NG MGA MAMAYAN NG SITIO TALON I, MOTODERAZO, NAUJAN,

ORIENTAL MINDORO MULA SA PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA-20 NG


OKTUBRE 2015 SA MUNICIPAL EVACUATION CENTER MOTODERAZO NAUJAN.
Mga Dumalo
May kalakip na talaan
KAPASIYAHAN Blg. 1
S. 2015
KAPASIYAHANG HUMIHILING SA KGG. SALVADOR DOY LEACHON,
CONGRESSMAN FIRST DISTRICT, ORIENTAL MINDORO NA MAPALAGYAN NG ILAW
AT BAGONG BOARD ANG BASKETBALL COURT SA SITIO TALON I
SAPAGKAT, ang Sitio Talon I ay may humigit-kumulang sas 70 bahayan;
SAPAGKAT, ang basketball court ay walang ilaw na nagagamit tuwing gabi;
SAPAGKAT, ang paglalaro ng basketball ay isang daan para mapalayo ang mga kabataan sa
masasamang gawain o bisyo;
SAPAGKAT, sa larong ito ay nahahasa ang mga batang may potensiyal sa isports;
SAPAGKAT, tuwing buwan ng Mayo ay nagkakaroon ng mga palaro maliban sa basketball ang
mga mamamayan ng sitio Talon I na dinarayo ng mga kalapit barangay;
AT DAHIL DITO, iminungkahi ni Frayson Geremia na humilijng sa Kgg. Salvador Leachon,
Congressman First District Oriental Mindoro na mapalagyan ng ilaw ang basketball
court sa Sitio Talon I at pinangalawahan ng lahat ng dumalo.
PINAGPASYAHAN PA RIN, na padalhan ng sipi ng Kapasiyahang ito ang tanggapan ni Kgg.
Salavador Leachon para sa knilang kabatiran at kaukulang aksyon.
PINAGPASYAHANG WALANG TUTOL ngayong ika-20 ng Oktubre, 2015.

INIHANDA:
SERAPIA M. MAGBOO
Tumatayong Kalihim
PINAGTIBAY
FRANCISCA GEREMIA
Kinatawan
Mamamayan-Sitio Talon

KAPASIYAHAN NG MGA MAMAYAN NG SITIO TALON I, MOTODERAZO, NAUJAN,


ORIENTAL MINDORO MULA SA PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA-20 NG
OKTUBRE 2015 SA MUNICIPAL EVACUATION CENTER MOTODERAZO NAUJAN.
Mga Dumalo
May kalakip na talaan
KAPASIYAHAN Blg. 2
S. 2015
KAPASIYAHANG HUMIHILING SA KGG. JOJO PEREZ, NA MAPALAGYAN NG ILAW
AT BAGONG BOARD ANG BASKETBALL COURT SA SITIO TALON I
SAPAGKAT, ang Sitio Talon I ay may humigit-kumulang sas 70 bahayan
SAPAGKAT, ang basketball court ay walang ilaw na nagagamit tuwing gabi;
SAPAGKAT, ang paglalaro ng basketball ay isang daan para mapalayo ang mga kabataan sa
masasamang gawain o bisyo;
SAPAGKAT, sa larong ito ay nahahasa ang mga batang may potensiyal sa isports;
SAPAGKAT, tuwing buwan ng Mayo ay nagkakaroon ng mga palaro maliban sa basketball ang
mga
mamamayan ng sitio Talon I na dinarayo ng mga kalapit barangay;
AT DAHIL DITO, iminungkahi ni Frayson Geremia na humilijng sa Kgg. Jojo Perez na
mapalagyan ng ilaw ang basketball court sa Sitio Talon I at pinangalawahan ng lahat
ng dumalo.
PINAGPASYAHAN PA RIN, na padalhan ng sipi ng Kapasiyahang ito ang tanggapan ni Kgg.
Jojo Perez para sa knilang kabatiran at kaukulang aksyon.
PINAGPASYAHANG WALANG TUTOL ngayong ika-20 ng Oktubre, 2015.

INIHANDA:
SERAPIA M. MAGBOO
Tumatayong Kalihim

PINAGTIBAY:
FRANCISCA GEREMIA
Kinatawan
Mamamayan-Sitio Talon I

You might also like