You are on page 1of 3

Diyosesis ng Malolos

BEC: Tuon at Lunan ng Bagong Ebanghelisasyon

Kapayapaan ni Kristo Hesus!


Sa Komunidad ng Basic Ecclesial Community sa
ibat ibang parokya ng ating Diyosesis at sa buong
bayan ng Diyos ang pagmamahal at kapayapaan ng
ating Diyos ay sumainyo nawa. Sa ika-6 na taunang
toldang tipanan at pagbubukas ng buwan ng
paghubog, muli tayong nagkakatipon para sariwain
ang ating nasimulan na gawain sa pagpapalaganap
ng salita ng Diyos at sa pag-buo ng mga munting
pamayanan.
Sa pagpapatuloy ng pagsasabuhay ng maililiit na
pamayanan sa ating Diyosesis, muli tayong
hahakbang sa panibagong taon puno ng pagtitiwala
at pagmamahal. Sa taong ito, halinat baunin natin sa
ating puso ang tawag tungo sa bagong
ebanghelisayon o new evangelization habang
patuloy
nating
pinapalamin
ang
ating
pananampalataya sa Taon ng Pananampalataya
Annus Fidei sa ating mga mumunting pamayanan.
Inaanyayahan tayo na makilahok sa pagsasabuhay
ng pananampalataya sa bagong ebanghelisasyon.
Ano ang malalim na kahulugan nito?

Sa pagpapalawig ng CBCP, ang Ebanghelisasyon ay


nangangahulugan bilang pagpapalaganap, pagsasalin
at pagsasabuhay ng mabuting balita na ibinahagi sa
katauhan ng ating Panginoong Hesukristo at ang
pagbubukana sa buhay ng tao, lipunan, kultura at
kasaysayan sa Katauhan ni Hesukristo at sa kanyang
bayan ng Diyos, ang Simbahan.
Ang Bagong Ebanghelisasyon tumutugon unat
higit sa lahat sa mga tumalikod palayo na miyembro
ng simbahan sa hilaga. Tinatatawag tayong mga
taga-Asya na tignan muli ang paraan ng
pagpapalaganap ng mabuting balita, suriin mabuti
at lumingap ng mainam na paraan ng pagpapalawig
ng salita ng Diyos sa ating mga kapatid.
Inaayayahan tayo isabuhay nang may pagmamahal
at kasiyahan ang pananampalatayang ibinigay sa
ating ng Panginoong Diyos sa bawat maliliit na
simbahan sa ating pamayanan. Inaanyayahan tayo
maging liwanag sa ating sarili sa mga tao sa ating
pamayanan at simbahan. Inaayayahan tayo maging
taga-paghatid ng liwanag ni Kristo sa ibang bansa sa
Asya.
Sa pagpapatuloy ng ating misyon na maisabuhay ang
pananampalataya sa bawat munting simbahan sa

ating Diyosesis, manatili nawang nakasindi ang


liwanag ng buhay ni Kristo sa ating mga puso.
Lumaganap pa nawa ang ating mga mumunting
simbahan at patuloy na makatagpo ang mga anak ng
Diyos ng tahanan. Isang pamayanan na handang
mag-paalab sa mga nanlalamig na puso ng ating mga
kapatid. At higit sa lahat, patuloy nawa natin
isabuhay
ng
may
pagmamahal
ang
pananampalatayang ibinahagi sa atin ng Panginoong
Hesukristo.
Ito ang baunin natin sa ating mga puso. Ito ang
magpagalaw sa ating mga kamay.
Gabayan nawa tayo ng Poong Maykapal ngayon at
magpakailanman.
Kaisa ng simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting
balita ng Diyos,
Reb. Padre Prospero Tenorio
Tagapangulo
Komisyon ng Paghubog

You might also like