You are on page 1of 2

Jhames Nio Trinidad

BS Physics

Fil 40

Midyear 2016

Pagtatalakay sa The Female Heart tungkol sa wika at kultura.


Ang pangunahing mapupuna ukol sa wika ay ang pamagat ng dula, The Female
Heart. Ito ay nasa wikang banyaga bagkus na ang mga linyang gamit ng mga aktor at
mga tagpuan ng kwento ay maka masang Pilipino. Dahil nga lang ba ito sa tauhang si
Roger at inadap na sa wikang banyaga ang isang natatanging dula? Wala din namang
ibang maka-Ingles sa dula kundi ang tauhang si Roger at ang pagtawag niya ng Hon
kay Adelfa. Sa kaunting pagsaliksik ay makikita na ito ay sa kadahilanang ang awtor ay
gawing Ingles. Nagtapos sa Pilipinas ng kolehiyo, pero sa ibang bansa pinagpatuloy
ang

pagkabihag ng isip sa wikang banyaga. Bihag sapagkat kahit na itinakda sa

Smokey Mountain at sa isang pamilyang dumadanas sa rurok ng kahirapan, ay piniling


isa Ingles parin ang pamagat nito. Para sa akin, iba ang dating kung sanay itoy nasa
Filipino. Mas mabigat at mas mararamdaman ang mensaheng gustong ihatid at mas
makakahatak ng mga tao para sa kanilang pagkagustong manuod at sumoporta. Ang
pamagat ay hindi lamang basta basta kundi itoy humihimok sa buong likha. Hindi sa
masama ang mga linyang gamit, o ang pag tapon ng mga aktor ng mga mabibigat na
linya, pero sana ay kung ang estoryang gustong ihatid sa komunidad ay natatanging
nakabuod sa Pilipinas, sanay isa-Filipino kahit nay gradweyt at tanyag sa ibang bansa.
Ang pangalawang ukol sa wika, na nakakawiling parte ng dula ay ang pilit na mga
linyang ingles. Ilan sa mga ito ay ang bistik, porenjer at haytek. Likas sa ating mga
Pilipino ang magandang pakikitungo sa mga taga-ibang bansa. Noon pa man pala, at
sa aking naranasan ay komon ang mga istrakturang pagsasalitang ito. Napaka natural
at sa tingin koy, saktong sakto sa moda ng storya ang pag gamit. Mapapansin din sa
dula ang hindi pagkaintindihan nina Roger at Adelfa sa mga bagay bagay dahil sa
pagkaiba ng kanilang wikang ginagamit. Talaga namang walang pagkaintindihang
mangyayari sa dalawang taong ang wikang ginagamit ay isandaang porsyento ang
pagkakaiba. Pero ng sakala-unan naman ay himalang nawala ang pagkakaibang ito at
naging bihasa si Adelfa sa wikang Ingles.
Nang dahil sa pagkagustong umahon sa buhay at makatulong sa pamilya ang nag
pilit sa magkapatid na sina Adelfa at Anghelo para suungin ang palikoliko at

rumaragasang

agos

ng

buhay,

kung

saan

ay

siya

ring

magdudulot

ng

pagkakawatakwatak ng kanilang pag-asa. Ngunit, ating nga bang mahuhusgahan ang


magkapatid sa kanilang desisyon? Hindi nga ba likas na sa ating mga Pilipino ang
pagpapahalaga at pagmamahal ng sobra sobra sa ating pamilya? Ilan sa mga itoy
makikita at siguradong naranasan nating lahat na dapat kumpleto ang pamilya sa
hapagkainan, at kung meron mang ginagawa ay dapat ipagmaliban muna ang mga ito.
Dapat ding kumpleto ang pamilya kapag snagsisimba at pagpasyal sa mga araw na
walang trabaho ang nanay at tatay. At lalung-lalo nang kapag may handaan, dapat
imbitahin ang sandamakmak na mga tito, tita, at mga magpipinsang sa dyang araw mo
lang ding makikilala at makikita. Kumbagay hindi na mahihiwalay sa kulturang Pilipino
ang pagpapahalaga sa pamilya.
Pero lahat ay may hangganan. Ang mga nabanggit ay ang mga positibo at
masasayang katangian ng kulturang pamilya ng mga Pilipino. Ngunit meron din itong
natatagong negatibo at di kaaya-ayang parte. Ang dulang napanuod ay siya mismong
tumatalakay sa pusod ng problemang ito at ang itoy ugat sa suliranin pera.
Napakaraming umaalis ng bansa para magkapera. Minsan ngay hindi na iniisip kung
legal ang pinapasok basta lang magkapera. Para bang handang itaya ang lahat para
lang magkaruon ng kakaunting salapi. Hindi pera ang solusyon sa lahat ng bagay at ito
ay ang lagi nating nakakalimutan. Oo, importante ang pera. Magagamit natin ito para
pambili ng mga kailangan sa buhay. Pero sanay hindi isiping ito lamang ang
natatanging sagot sa problema at walang maiidulot na tama ang pagsangla ng
kaluluwat katawan para sa kakarampot na tsansang umahon. Kung aalis man ng
bansay sanay ating iisipin na ang ginagawa ay hindi lamang sa pamilya, kundiy para
sa sarili at sa bansa.

You might also like