You are on page 1of 1

WRITTEN EXPLANATION

Ako, si ALBERTO RAMILO, may sapat na gulang, at may address sa Kamias


St., Old Capitol Site, PHILCOA, Quezon City, ay nagsasabi ng sumusunod:
1. Na ako ay Head Guard at empleyado ng Grand Meritus Security Agency na
may opsina sa No. 12 Xavierviller Ave, Cor Pajo St., Loyola Heights, Quezon
City;
2. Na ako ay naka detail sa Three Central Project ng DATEM Construction;
3. Na noong 1740H ng July 16, 2016 ako ay nagroving sa Basement 1 ng
Datem Contruction;
4. Na noong pag roving ko ay nahuli ko si Patrick Gallenero isang worker ng
Datem Construction, na naliligo sa Basement 1;
5. Na ang pagligo sa Basement 1 ay mahigpit na pinagbabawal ng Management
ng Datem Construction;
6. Na kinuha ko and I.D. ni Patrick Gallenero ayon sa Standard Operating
Procedure at ginawan ko ng report at sinabi ko sa kanya na papuntahin nya
ang lead man niya na si Alex para kausapin ko kung dapat bang bigyan ko
lang ng warning si Patrick Gallenero or tuluyan na i-report sa Safety
Department;
7. Na mga ilang minuto lang ang nakalipas ay lumapit sa akin si Patrick
Gallenero at sinabi sa aking na bibigyan ako ng tinapay;
8. Na hindi ko inintinde ang sinabi niya na magbibigay ng tinapay kasi pauwi na
ako;
9. Na ilang sandali lang at nilapitan ako ng kasamahan ni Patrick Gallenero at
inabot ang isang tinapay na monay na nakaplastik;
10. Tinangap ko ang tinapay kasi kababayan ko ang nagbigay, isang worker din
ng Datem Construction;
11. Na bago matapos ako sa shift ko ay pinuntahan ko ang lead man nila na si
Alex at pinakita ko ang report ko;
12. Na sinabi ni Alex na wag nang ireport si Patrick Gallenero kasi masipag daw
na bata si Patrick at mawawalan na siya ng labor kasi naubos na at sabay
niyang pinunit ang aking report;
13. Na pagkatapos noon ay umuwi na ako sa tinitirahan ko;
14. Na pagdating ko sa bahay ay naalala ko ang tinapay na binigay sa akin at
kinuha ko sa bag ko at binuksan ko ito;
15. Na nagulat ako at may pera sa ilalim ng tinapay sa halagang isang daang
pesos;
16. Na kinabukasan noon ay day-off at hindi ako pumasok;
17. Na noong Lingo, July 17, 2016 ay pumasok pa ako at bandang 1600H ay
tumawag sa akin ang supervisor ko na si Olegario Hilum at pinapareport ako
sa opisina ng Grand Meritus Security Agency;

BILANG PATUNAY, ay aking lalagdan ang salaysay na ito ngayong ika 18 ng


Hulyo 2016 dito sa Lungsod ng Quezon.
ALBERTO RAMILO
Nagsasalaysay

You might also like