You are on page 1of 9

Pontifikal at Royal na

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS


Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Titulo:

Pag-aaral sa Medikasyon sa mga Karaniwang Karamdaman ng mga Piling


Mag-aaral ng B.S. Pharmacy sa Unibersidad ng Santo Tomas

Risertser:

Bajar, Trizia Kaye; Canlas, Glen Katrine; Capiral, Joseph Edward; Carlos, Allyson
Denise; Del Rosario, Nina; Hernandez, Annemarie; Juan, Andrea Mae; Lenon,
Jane; Paguio, Charlyn Joice ng IJ-PH, Bachelor of Science in Pharmacy

Introduksyon
Pagkatungtong ng isang mag-aaral sa kolehiyo, maraming pagbabago ang kaniyang hinaharap.
Pagdating sa usapang iskedyul, sa komunidad, sa kapaligiran, at pati na rin sa tirahan (kung
siya ay galing pa sa probinsiya), lahat ay bago. Ang buhay ng nasabing mag-aaral ay ibang iba
na sa kaniyang nakagawian, at hindi lamang iyon nagtatapos doon. Ang mga pagbabagong ito
ay nagkakaroon ng epekto sa kung paano niya haharapin ang araw-araw. Kung saan ibat ibang
tao ang makakasalamuha, ibat ibang karanansan ang tatahakin, at higit sa lahat, ito ang punto
sa buhay ng isang mag-aaral na masusubukan ang kanilang kakayahan sa pagdedesisyon.
Mas nagiging malaya ang isang mag-aaral sa paghantong nito sa kolehiyo, may kakayahan na
siyang magdesisyon para sa kanyang sarili sapagkat siya na ang may hawak ng kanyang oras
at mas lumalawak ang kanyang pag-iisip.
Sa Facultad ng Parmasya, kilala ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mahigpit na iskedyul.
Pumapasok sila simula Lunes hanggang Sabado at kakaunti lamang ang oras nila sa pahinga
araw-araw. Sa dahilang ito, humahanap ng paraan ang bawat isa na mapagkasya ang mga
kailangang gawin sa limitadong oras lamang. Halibawa ay ang pagkain; hindi na nila
masyadong namo-monitor ang mga kinakain nila at nauuwi ang marami sa mga pampublikong
kainan kung saan mas madali at mas mabilis. Pagdating naman sa bahay o dorm, madalas
nagagamit ang oras ng pagtulog o pahinga sa pag-aaral ng leksiyon at paggawa ng mga
takdang-aralin. Dito na pumapasok ang masamang epekto ng mga pagbabago sa buhaykolehiyo. Nasasakripisyo ang kalusugan ng mga estudyante. . Ayon nga sa isang kasabihan,
Many people spend their health and time to gain wealth, and later on, spend all their wealth in
desperate effort to regain health and time.
Sanhi sa iba't ibang sitwasyon sa kolehiyo, madalas nagiging biktima ng mga karaniwang
karamdaman ang mga mag-aaral. Base sa obserbasyon, sariling karanasan, at riserts, ang

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

limang pinaka madalas maranasang karamdaman ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay: ubo,
sipon, lagnat, sakit ng ulo at sakit ng tiyan. Maaaring malunasan ang mga ito sa pamamagitan
ng iba't ibang paraan, depende sa nakagawian ng taong madadapuan nito at kung gaano ito
kalala. Ang mga paraan na ito ay maaring kemikal, herbal, parmasyutikal, o tradisyunal na uri
ng paggagamot.
Dito pumapasok ang kakayahan natin mamili. Ayon kay John Dewey, may limang aspeto ang
ating pagdedesisyon. Ang una ay ang sitwasyon; ikalawa ay ang depenisyon nito (sidhi); ikatlo,
suhestiyon ng maaaring solusyon; ikaapat, pagsusuri ng suhestiyon; at ang huli ay ang
karagdagang pagmamasid at eksperimento na humahantong sa pagtanggap o pagtanggi ng
suhestiyon.
Ang mga desisyon ng mga mag-aaral ay mula sa resulta ng mga deliberasyon ukol sa ibat
ibang elemento tulad ng mga inaasahang mga paraan ng paggagamot o mga kinalabasan sa
ating kalusugan. Nakaugat ang preferens ng mag-aaral sa aplikasyon ng Decision Theory sa
pag-iintindi ng mga pansariling desisyon. Ang Decision Theory ay may kinalaman sa pag-aaral
ng mga preferens, mga kawalang-katiyakan at ibat ibang mga isyu sa paggawa ng mga
angkop at makatuwiran na desisyon.
Unang nai-propose nina Von Neumann at Morgenstern (1964), na ang mga asal at kaugalian ay
nakaapekto sa desisyon ng isang tao, at itoy mas maiintindihan sa pamamagitan ng
matematikal na pormyula. Ngunit ang gagamitin lamang sa pag-aaral na ito ang hindi gaanong
(matematikal) teknikal na aspeto ng teoryang ito.
Ang Decision Theory ay may tatlong sangay: Normative decision, Descriptive decision, at
Prescriptive decision. Sa pag-aaral na ito ay mas naaangkop ang Normative at Prescriptive
decision. Ang Normative decision ay nakasentro sa kung paano dapat gumawa ng mga
desisyon ang isang perpekto at makatuwirang ahente. Ang Prescriptive decision, o maaring
tawagin na decision analysis, ay nakasentro sa kung paano gumawa at kung paano
maipapabuti ang mga desisyon ng isang imperpektong ahente, halimbawa ay ang mga tao. Ang
parehong sangay ay nakatutulong sa preferens ng isang mag-aaral lalo na sa paggawa ng
desisyon kanyang kalusugan. Ang decision analysis ay tumutulong sa pagpili mula ng isang
kurso ng kilos mula marami kung ang pagpili ay nakadepende sa kaalaman ng resolusyon ng
kinalabasan ng istratehiyang iyon.

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Ang teoryang ito ay makapagbibigay linaw sa kung bakit o paano napagdedesisyonan ng isang
pasyente ang isang sitwasyon, kung ito ba ay nababatay sa kanyang karanasan, o pag-uugali,
at iba pang mga kadahilanan at ang mga maaaring maging resulta ng kanilang mga desisyon.
Sa pananaliksik na ito kailangan malaman ng mga risetser ang pamamaraan ng mga
pansariling medikasyon na ginagawa. Kailangan ding malaman kung paano ginagawa at ang
mga halimbawa ng pansariling medikasyon, ang mga dahilan o salik na nakaapekto sa kanilang
desisyon, at ang porsyento ng gumagamit ng parmasyutikal na gamot, natural o tradisyunal,
maging ang iba pang paraan ng paglunas sa karaniwang karamdaman.
Sa proseso ng isang sarbey, makukuha ng mga mananaliksik ang mga kinakailangan na datos
sa pag-aaral. Ikukumpila ng mga mananaliksik ang mga datos na nakuha sa sarbey upang
makabuo ng isang makabuluhan at komprehensibong analisa sa mga piling mag-aaral ng
programang BS Pharmacy mula sa Facultad ng Parmasya at kung ano ang kanilang ginagamit
na pansariling medikasyon at iba pang natural na medikasyon para malunasan ang kanilang
mga sakit at karamdaman.
Sa likod ng mga kaalamang ito, nais ding malaman ng mga mananaliksik ang frequency o
kadalasan ng paggamit ng mga pamamaraang panglunas (gaya ng pag-inom ng OTC drugs,
pagkonsulta sa doktor, pagpapahinga, atbp.) sa mga karaniwang karamdaman ng mga magaaral sa Facultad ng Parmasya. Sa kagustuhan nilang mabigyan ito ng kasagutan, nagsagawa
sila ng riserts ukol dito.
Ang napili ng grupong teorya upang gawing gabay sa pagbuo ng riserts na ito ay Decision
Theory. Ito ay isang analitikong at sistematikong approach sa pag-aaral ng paggawa
ng desisyon Ayon kay Hansson (2005), ang Decision Theory ay isang interdisciplinary na paksa,
ginagamit ng ibat ibang larangan na gustong pag-araalan ang desisyon ng tao ukol sa isang
phenomena o isyu. Sa paggamit ng teoryang ito ay lubos naming mauunawaan kung bakit ang
desisyon ng mga mag-aaral ay isang mahalagang salik sa kanilang praktis sa paggamot sa
sarili. Ang mga desisyon ng mga tao ay pabago-bago, tulad ng mga sitwasyon ng mga magaaral, kung kayat mahalagang malaman na ito ay hindi nakapirming bagay. Mula sa pag-aaral
na isinagawa ni Dowell at Hudson (1997) sila ay nakapaglathala ng isang model of decision
making na naging resulta sa kanilang obserbasyon sa mga desisyon ng tao ukol sa kanilang
paggamot sa sarili. Sa pag-aaral na ito ay nagkaroon ang grupo ng ideya tungkol sa desisyon

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

ng tao. Ang decision theory ay ang gabay ng riserts dahil ang riserts ay nakatuon sa praktis sa
paggamot ng sarili bagkus sa praktis na ito ay isang salik ang desisyon.
Partisipant
Ang respondents ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng una hanggang ika-apat
na taon ng Parmasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Natukoy ang mga partisipants na ito
gamit ang Stratified Random Probability Sampling. Ang mga seksyon ang tumatayong mga
strata o subgroups ng Parmasya. Ang pagpili ng estudyante sa bawat stratum ay random at ang
bilang ng pipiliin ay nakuwenta ng grupo sa pamamagitan ng Slovins Formula. Ang kabuuang
dami ng napiling populasyon ay mahigit kumulang 1400 na estudyante kaya naman ang sample
size ay 311 na estudyante. Maryoong 31 na seksyon ang una hanggang ika-apat na taon ng
Parmasya kaya sa bawat pangkat ay mayroong pipiliing 10 na respondents.
Table 1.0: Mga Respondents
RESPONDENTS

POPULASYON

SAMPLE

Mga estudyante ng una


hanggang ika-apat na taon ng
Parmasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas

1400

311

RESPONDENTS

POPULASYON
(ESTIMATED)

SAMPLE

1A-PH

45

10

1B-PH

45

10

1C-PH

45

10

1D-PH

45

10

1E-PH

45

10

1F-PH

45

10

1G-PH

45

10

1H-PH

45

10

1I-PH

45

10

1J-PH

45

10

Table 2.0: Distribusyon ng Respondents

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

1K-PH

45

10

2A-PH

45

10

2B-PH

45

10

2C-PH

45

10

2D-PH

45

10

2E-PH

45

10

2F-PH

45

10

2G-PH

45

10

2H-PH

45

10

3A-PH

45

10

3B-PH

45

10

3C-PH

45

10

3D-PH

45

10

3E-PH

45

10

3F-PH

45

10

4A-PH

45

10

4B-PH

45

10

4C-PH

45

10

4D-PH

45

10

4E-PH

45

10

4F-PH

45

10

TOTAL

1395

310

Instrumento
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral at pagsusuri ng mga datos ay ang talatanungan o
survey questionnaire. Mayroon tatlong bahagi ang talatanungan. Una, ay ang Profayl ng

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Respondent. Pangalawa, ay isang talahanayan ukol sa mga kanilang gagawin kung sila ay
nagkasakit. Pangatlo, ay ang talahanayan na kinakailangan ang pag-rank ng estudyante
patungkol sa posibleng salik sa pagpili ng medikasyon na gagamitin.
Narito sa ibaba ang survey questionnaire na gagamitin:
I.Profayl ng Respondent
Pangalan (opsyunal): _____________ Taon at Seksyon:____________
Kasarian: Babae__ Lalaki__
II. Basahing mabuti ang mga nakatala sa sarbey at sagutan ang bawat tanong ayon sa
karaniwan mong ginagawa. Punan ang mga blangkong espasyo gamit ang tsek () at gamitin
bilang gabay ang skala sa ibaba.
4
3
2
1

Palaging ginagawa
Madalas ginagawa
Minsan ginagawa
Hindi mo ito ginagawa

A. Pagkahilo at pananakit ng ulo

Magpapakonsulta agad sa doktor


Bibili at iinom agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
B. Masamang pakiramdam at temperaturang 38-39 degrees
Magpapakonsulta agad sa doktor
Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
C. Pananakit ng tiyan at kahirapang magbawas
Magpapakonsulta agad sa doktor
Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
D. Baradong ilong at dulot ng sipon

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Magpapakonsulta agad sa doktor


Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
E. Karaniwang ubo na may kaakibat na plema

Magpapakonsulta agad sa doktor


Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
A. Pagsusuka at panghihina dulot ng sobrang pananakit ng ulo
Magpapakonsulta agad sa doktor
Bibili at iinom agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
B. Mataas na lagnat (Mahigit 40 degrees)
Magpapakonsulta agad sa doktor
Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
C. kahirapang magbawas ng mahigit sa isang linggo, duming may
halong dugo dulot ng kahirapan sa pagbabawas
Magpapakonsulta agad sa doktor
Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
D. Pananakit ng Tainga at pamamaga ng lalamunan dulat ng
matinding sipon
Magpapakonsulta agad sa doktor

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Bibili agad ng Over-The-Counter drug


Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid
E. Ubo ng mahigit sa isang buwan na minsan ay maaring magdulot
ng kahirapan sa paghinga

Magpapakonsulta agad sa doktor


Bibili agad ng Over-The-Counter drug
Hahanap ng alternatibong medisina (hal. Halamang Gamot)
Magpapahinga at mananatili sa maaliwalas na silid

III. Ang nalista sa ibaba ay ang mga posibleng salik na nakakaapekto sa pagpili ng isang tao ng
uri ng medikasyong gagamiting panlunas sa mga karaniwang karamdamang nabanggit sa
unang parte ng sarbey. Gamit ang 1-5, i-rank ang mga sumusunod:
(1 bilang pinaka madalas mong gawing batayan sa pagdedesisyon at 5 bilang pinaka
madalang)

Kaalaman sa sakit o karamdaman at sa


kaakibat nitong panlunas (maaring mula sa
napag-aralan, nabasa o napanood sa
Telebisyon

Sariling karanasan

Suhestyon ng ibang tao

Pontifikal at Royal na
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Wikang Filipino

Convenience o Availability of Resources

Karaniwang giangawa ng marami

Severity (kung gaano kalala) ng sakit o


karamdaman

You might also like