You are on page 1of 1

Department of Education

Region IV B MIMAROPA
DIVISION OF CALAPAN CITY
PARANG NATIONAL HIGH SCHOOL
S.Y. 2016-2017
Ang mascot na aking iginuhit ay sumisimbolo sa kahandaang makipagsapalaran ng isang
tao sa anumang sakuna nang may dalang sapat na kaalaman pagdating sa Disaster and Risk
Reduction Management. Bakas sa kanyang mukha ang isang ngiting hindi matatawaran dala ng
pagkasigurado na siyay ligtas at hindi mapapahamak. Nag-uudyok din ang kanyang
nakatutuwang itsura na magiging masaya ang bawat isa kung walang mapapahamak at lahat ay
alam ang tamang gagawin.
Suot ng aking mascot ang mga safety gears na makapagliligtas sa kaniya sa anumang
oras ng sakuna. Mula sa kanyang itaas ay makikita ang helmet na proprotekta sa kanyang ulo.
Kasama na rin ang ilaw na naka-kabit dito na magagamit niya upang lalong makita ang tamang
daanan kung madilim at maraming harang ang paligid. Gamit din niya ang kanyang safety gloves
sa magkabilang kamay. Pati na rin ang safety shoes sa kanyang paa. Mga pangkaraniwang
kagamitan na kinakailangan upang maging ligtas. Samantalang sa kanyang katawan naman ay
makikita ang safety vest at may isang pito na kulay asul sa ibabaw nito. Tiyak na maililigtas siya
ng kaniyang pito sa pamamagitan ng paglikha ng ingay lalo na kung kailangan ng tulong. Pito po
ang aking ginamit imbis na amplifier dahil mas praktikal ito at makakayanang magkaroon ng
kahit sino. Bukod pa dito kahit kailan ay maaari itong gamitin kaysa sa mga loud speakers na
namamatay kapag walang charge. Ang kanyang pantalon ay mayroong mga pockets na maaaring
paglagyan ng iba pang kagamitan ganoon din ang kanyang sinturon na tila may mga maliliit na
bulsa. Mayroon din siyang mini first aid kit na magagamit sa biglaang panggagamot ng mga
sugat na natamo kasama na rin ang mga medicine tablets na nakapaloob dito. Suot din niya ang
isang back pack na lagayan ng mga kagamitang kinakailangan sa tuwing darating ang isang
sakuna. Tila maskulado ang aking mascot sapagkat ipinakikita nito na ito ay may abilidad sa
pagsasagawa ng pagtulong sa iba at pagliligtas ng sarili. Samantalang ang mga pangunahing
kulay na aking ginamit ay may kanya-kanyang ibig sabihin. Ang berde ay kalmado at malamig sa
mata na sumisimbolo sa pagkakaroon ng tahimik na kalooban lalo na sa pagsapit ng sakuna.
Kinakailangang tahimik ang kalooban upang hindi mag-panic at hindi na lumala pa ang
sitwasyon. Ang asul ay para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa. Ang puti at dilaw ay para
sa kaliwanagan ng isip. Pula naman para sa lakas ng loob na kailangang taglayin upang
malampasan ang sakunang kinahaharap.
Shannie Mae M. Mendoza
Parang National High School
School I.D. 301804

You might also like