You are on page 1of 10

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________
I. Layunin:
Laging nakasusnod sa alituntunin sa paglalaro:
II. Paksang Aralin:
Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Disiplina
Sang.
: ELC 1.1.EKAWP VI pah. 15
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa kapwa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga tuntunin sa laro?
2. Paglalahad:
Isang usapan ng magkaibigan
Bert: Mamaya pagsisimula ng laro, bantayan mong maigi Si Joey.
Peter: Bakit?
Bert: Magaling siya sa Basketball kaya't bantayan mo siyang hindi makahawak ng bola.
Peter: Eh, ano ang gagawin ko?
Bert: Kapag nakita mong hawak-hawak niya ang bola, banggain mo siya para madapa at
mabitiwan ang bola.
3. Pagtalakay:
a. Tama ba ang utos ni Bert kay Peter? Bakit?
b. Anong uri ng bata si Bert?
c. Ano ang ipinakikita sa mga sinabi ni Bert?
d. Marunong ba siyang sumunod sa mga tuntunin sa paglalaro? Bakit?
C. Paglalahat:
Sa paglalaro, dapat tandaan ang laging pagsunod sa mga alituntunin
D. Paglalapat:
a. Sa paglalaro, ano ang dapat nating iwasan? Bakit?
b. May nakita na ba kayong bata na nanakit sa kalaro upang manalo? Tama ba ito? Bakit?
IV. Pagtataya:
Magbigay ng limang (5) dapat tandaan/gawin ng isang mabuting manlalaro.
V. Kasunduan:
Gumawa ng isang dula-dulaan ukol sa pagsunod sa mga alituntunin sa paglalaro.

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Naiiwasan ang pangangasiwa/panunukso sa mga kalaro.
II. Paksang Aralin:
Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Disiplina
Sang.
: ELC 1.1.3, EKAWP VI pah. 16
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Pagbabasa ng balita na nakuha na nagpapakita ng pagtulong sa nangangailangan.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anong laro ang madalas nyong laruin? Ipalarawan sa rnga bata ang kanilang ginagawa
kapag nanalo o natalo.
2. Ipabasa ang kwento sa tsart:
Ang Barangay San Francisco ay nagkaroon ng liga sa basketbol isang buwan ng Mayo.
Oras ng kampeonato ng blue team at red team. Sina Wendel, Marvin at Miguel ay kabilang sa
red team at kasalukuyang nangunguna. Malaki ang kalamangan nila sa laro kaya't natapos
ang oras at sila'y nanalo. Nang lahat ng koponan ay nag-uuwian na, sumigaw si Wendel ng
"talo! talo! lampa! walang sinabi." Nakiisa pa ang dalawang kasama. Hindi na lamang to
pinansin ng koponan ng blue team. Alam nila na pagsisimulan lamang ito ng away.
3. Pagtalakay:
a. Sinu-sino ang dalawang koponan na pinag-uusapan sa kwento.
b. Ano ang masasabi nyo sa dalawang koponan?
c. Ano ang ginagawa ng koponan nina Marvin nang sila ay mag-uwian? Tama ba ito?
Bakit?
C. Paglalahat:
Ano ang dapat iwasan kapag nagkakaroon ng palaro?
D. Pangwakas na Gawain:
Paglalapat:
Ipasadula ang tinatalakay na kwento na iwinasto na ang kalagayan.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang mga palatandaang ginagawa mo at ekis (x) ang hindi mo ginagawa.
Palagi
Minsan
Hindi
1. Naglalaro ako ng patas at walang pandaraya
2. Nakikiisa ako sa aking mga kakampi upang manalo
ang aming koponan.
3. Pinagtatawanan ko ang aking kalarong nadapa.

V. Kasunduan:
Obserbahan ang iyong mga kalaro. Humandang iulat sa klase kung paano sila kumilos
pagkatapos ng inyong laro.

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Nasasabi ang tamang score sa paglalaro.
II. Paksang Aralin:
Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Disiplina
Sang.
: ELC 1.1, EKAWP VI pah. 15
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang dapat iwasan kahit kayo'y nanalo pa sa isang laro?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
May nasalihan na ba kayong laro? Paano ito iniiskoran ang koponan.
2. Paglalahad:
Ngayong umaga, tayo ay bubuo ng isang kwento mula sa larawang aking ipakikita sa
inyo. Tingnan natin kung anong uri ng laro ito.
Ipakita isa-isa ang larawan at hayaang ilarawan nila ng sunudsunod tungkol sa pandaraya
sa score ng larong basketbol.
3. Pagtalakay:
a. Ano ang ginawa ng batang taga-iskor?
b. Tama ba ang kanyang ginawa?
c. Masarap bang tanggapin ang panalo kapag nandaya sa isang laro? Bakit?
C. Paglalahat:
Paano nyo gagampanan ang inyong tungkulin kung kayo ay naging taga-iskor sa isang laro?
D. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Sino sa inyo ang may karanasang batay sa kwentong ating tinalakay?
IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang panalo ay mahalaga at hindi kung paano nilalaro ang laro.
2. Kumampi sa koponang gusting manalo kapag taga-iskor. Dagdagan ang iskor nito.
3. Maging tapat sa pag-iiskor.
4. Ang pagyayabang sa pagtanggap ng karangalan ay nagpapakita ng tunay na pagka-isport.
5. Burahin ang iskor ng kalaban at bawasan ito.
V. Kasunduan:
Isulat ang mga tuntuning dapat sundin ng isang taga-iskor.

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Nakapaglalaro nang patas at hindi nagsasamantala sa kalaban.
II. Paksang Aralin:
Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Disiplina
Sang.
: ELC 1.4, EKAWP VI pah. 16
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit mahalaga ang pagiging isport?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
a. Magpakita ng mga larawan tugkol sa paglalaro.
b. Nasubukan na ba ninyo ang matalo ngunit magaan ang inyong pakiramdarn dahil
nakatulong kayo sa inyong kalaban?
2. Paglalahad ng Sitwasyon:
Si Mario ay isa sa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nananalo sa
kanilang distrito. Isang araw habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang binangga ng
kanilang ka-team, si Peter. Nadapa ito at napasubsob. Tamang-tama siya ang sisipa at
mananalo sila ngunit sa halip, tinulungan niya si Peter na siyang ikinatalo ng kanilang team.
3. Pagtalakay:
a. Sinu-sino ang mga manlalaro?
b. Ano ang nangyari habang sila naglalaro?
c. Tama ba ang ginawa ng ka-team ni Mario? Bakit?
C. Paglalahat:
Kung kayo si Mario, gagawin mo rin ba iyon? Bakit?
D. Paglalapat:
Paano mo maipapakita na marunong kang maglaro nang patas at hindi nagsasamantala sa
kalaban?
IV. Pagtataya:
Sumulat ng limang (5) paraan upang maipakita mo ang patas na paglalaro.
V. Kasunduan:
Mula ngayon sisikapin kong maglaro nang patas at tutulungan ko ang aking kalaban kahit ikatalo
ng aming laro.

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Nakatutulong sa nasaktang kalaban kahit to ay ikatalo sa laro.
II. Paksang Aralin:
Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Disiplina
Sang.
: ELC 1.1.4. EKAWP VI pah. 16
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga tuntuning dapat sundin kapag ika'y taga-iskor?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang batang nadapa. Ano ang gagawin mo kapag nakita mo
ang ganitong sitwasyon?
2. Paglalahad:
Pagbasa sa kwento
"Tunay na Kaibigan"
Ang karera sa pagtakbo ay sinimulan sa pagpapaputok ng baril. Lahat ng kasali sa karera
ay tatakbo nang makailang ulit sa paligid rig laruan at kung sino ang mauna sa kanila ang
panalo.
Sa bawat ikot ng mga manlalaro, palakpakan at sigawan ang mga tao. Higit na malakas
ang kanilang pagpalakpak tuwing dadaan si Patrick, ang inaasahang mananalo sa laro.
Sa huling pag-ikot may ilang metro na lang si Patrick sa hangganan, may dalawang
batang lalaki .pah.127
3. Pagtalakay:
1. Sino ang dalawang batang manlalaro na nabanggit sa kwento?
2. Paano naglaro si Patrick?
3. Ano ang nangyari kay Vincent?
C. Paglalahat:
Paano ipinakita ni Patrick ang pagpaparaya sa kapwa?
D. Paglalapat:
1. Paglalapat
Kung kayo ang nasa sitwasyon ni Patrick, ganoon din ba ang inyong gagawin?
Ipasalaysay.
IV. Pagtataya:
Bilugan ang bilang na nagpapakita ng pagpaparaya sa kapwa. Sa isang laro.
1. Sisikuhin ang kalaban upang maka-agaw ng bola.
2. Tutulungang tumayo ang kalabang nadulas habang tumatakbo.

3. Hindi papansinin ang batang tinamaan ng bola.


4. Makikipag-agawan sa bola kahit na ito'y masaktan.
5. Ititigil ang paglalaro kapag may masaktang kalaban o kakampi.
V. Kasunduan:
Magsasadula ng dalawang sitwasyon kung saan ipakikita ang tama at mating pag-uugali kapag
may isarig laro. (Hatiin ang klase sa dalawang pangkat).

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Naipakikita ang mga gawaing rnaka-Diyos ayon sa sariling paniniwala.
II. Paksang Aralin:
Pagbibigay Halaga sa mga Gawaing Maka Diyos
B.P.
: Ispiritwal
K.P.
: Pananalig sa Panginoon
Sang.
: ELC 1.1.EKAWP VI pah. 17
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ipinakita ni Mario na handa siyang tumulong sa kanilang kalaban sa laro?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga paraan upang ating maipakita ang mga gawaing maka-Diyos?
2. Paglalahad:
Si Gng. Ignacio ay isa sa mga masigasig na naglilingkod sa kapilya. Nakikita niya ang
mga kakulangan sa kapilya. Nag-isip siya ng paraan upang makalikom ng pera para sa mga
pangangailangan ng kapilya. Nagpamigay siya ng mga sobre sa mga mamamayan ng
barangay. Pagkalipas ng dalawang Iinggo, nakalikom siya ng malaking halaga para sa
kapilya.
3. Pagtalakay:
a. Ano ang ginawa ni Gng. Ignacio upang makalikom ng pondo?
b. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?
C. Paglalahat:
Bakit dapat nating isabuhay ang gawaing maka-Diyos?
IV. Pagtataya:
a. Nagbibigay ba kayo ng abuloy sa simbahan sa tuwing pagsisimba ninyo?
b. Bukod sa pagbibigay ng donasyon sa simbahan, paano natin maisasagawa ang mga gawaing
maka-Diyos?
V. Kasunduan:
Pangkatin ang mga bata sa apat at ipaguhit ang mga gawaing maka-Diyos. Itala sa kuwaderno ang
mga gawaing maka-Diyos.

CHARACTER EDUCATION VI
Date: _________________
I. Layunin:
Nasusunod sa panuntunang "Ang Ayaw Mong Gawin sa iyo ay Huwag mo Ding Gagawin sa Iba."
II. Paksang Aralin:
Pagbibigay Halaga sa mga Gawaing Maka Diyos
B.P.
: Ispiritwal
K.P.
: Pananalig sa Panginoon
Sang.
: ELC 1.2.EKAWP VI pah. 17
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin matutulungan ang ating simbahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ano ang inyong gagawin sa mga bagay na inyong napulot na may halaga?
2. Paglalahad ng Sitwasyon:
Isang diyanitor sa opisina Si Mang Jose. Masipag siya at tahimik. Isang araw habang siya
ay naglilinis, nakapulot siya ng isang makapal na sobre. Hindi niya tiningnan kung ano ang
Taman. Dali-dali siyang pumunta sa opisina at nagsabi na nakapulot siya ng sobre. Tiningnan
hang namamahala kung kangino ang sobre at doon niya nalaman na nahulog pala ang sobre
sa kanyang bag. Ang laman ng sobre ay pera para na pambayad sa eskwelahan ng anak na
nag-aaral. Laking pasalamat ng namamahala kay Mang Jose.
3. Pagtalakay:
a. Sino si Mang Jose?
b. Ano ang ginawa niya sa sobreng napulot?
c. Tama ba ang ginawa ni Mang Jose? Bakit?
d. Kung kayo si Mang Jose, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
C. Paglalahat:
Dapat iwasan ang pag-angkin ng mga gamit ng iba.
D. Paglalapat:
May naiwang pitaka sa kuwarto. May malaking halaga ang pitakang naiwan. Kung ikaw ang
nakakita ng pitakang iyon, aanhin mo?
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Nangangailangan ka ng pera para sa anak mong may sakit. Nagkataong nakapulot ka ng pitaka na
may maraming pera, ngunit hindi sa iyo. Ano ang gagawin mo sa pitaka?
2. Nautusan si Nena na bumili ng sabon at gatas. Nang pauwi na siya, napansin niyang sobra ang
sukling ibinigay sa kanya, ano ang gagawin ni Nena?
3. Ikaw ay gutom na gutom dahil wala kang almusal at baon. Napadaan ka sa tindahan at walang
bantay na tindera. Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan:
Sumulat ng talata kung paano natin masusunod ang panuntunang "Ang Ayaw Mong Gawin sa Iba
sa Iyo ay Huwag Mo Ding Gagawin sa Iba."

You might also like