You are on page 1of 1

Kung maaari po ay magbigay tayo ng katahimikan upang makapaghanda sa

panalangin at alalahanin ang presensya ng Panginoon,


Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Amen.

Panginoon,
Pinupuri at niluluwalhati ka namin sa Inyong kabutihan at dakilang
pagmamahal sa bawat isa sa amin. Maraming salamat po sa araw araw
ninyong pagpatnubay sa amin lalo na sa mga oras ng pagsubok sa aming
buhay. Salamat po sapagkat binigyan po Ninyo kami ng pagkakataong
magtipon-tipon sa araw na ito at maipagdiwang ang pagkamit ng hakbang
tungo sa karunungan. Hinihingi po namin ang Inyong gabay na maisagawa
ang programang ito na maging puno ng kasiyahan at pagmamahal. Magsilbi
po sana ito na magandang ala-ala para sa aming lahat.
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo<Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Santa Eskolastika at Santo Benedikto.. Ipanalangin mo kami.


At sa lahat ng bagay.. Ang Diyos ay papurihan.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Amen.

You might also like