You are on page 1of 2

Isla ng karalita,(Drawing) kilala dahil sa napakagandang kagubatan at mga batis,

malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bundok, mainit na haplos ng araw,


Kilala rin dahil sa bilang ng magagaling na mahikero para sa kaligtasan ng lahat ng
tao na naninirahan sa isla. Si Adalberto ay isang simpleng tao lamang, may
paninindigan sa sarili, at kilala ng lahat dahil sa kagandahang loob at asal sa iba,
mahal na mahal niya ang kanyang bayan at gusto niya na lahat ay tama at balanse
para sa nakabubuti na lahat, gusto rin niya lumaban sa mga mananakop at
magnanakaw sa kanilang bayan pero hindi siya makalaban dahil wala naman siyang
alam na mahika na isang magandang paraan ng pakikipaglaban. Isang araw, may
mga dayuhang dumalaw sa kanilang bayan para magpahinga lamang, pero sa hindi
nila inaasahang pagkakataon ang mga ito pala ay mga magnanakaw, sila ang mga
magnanakaw sa bawat isla, sinubukan ng mga taong lumaban pero miisa sa kanila
ay hindi nakalaban dahil sa takot na baka patayin sila nito, may isang pulubi ang
tumayo at nanlaban sa mga magnanakaw at sinabing (Drawing) hoy, kayo mga
walang kwentang tao, nandito lang ba kayo para magnakaw, wag niyo akong
subukang lumaban hindi ninyo alam kung ano ang kaya kong gawin sa mga walang
kweta ninyo gawain. Nagsitawanan lahat ng magnanakaw sa pagaakalang walang
alam ito , dali daling bumulong ng ilang lengguwahe ang pulubi at lumabas mula sa
kanyang mga kamay ang itim na mahikang parang usok na kumakalat sa buong
kapaligiran na ikinatakot ng mga magnanakaw, dali dali silang umalis paalis ng
bayan at Nangakong babalik sila sa ikalawang taon para maghiganti. Nagtaka si
Adalberto kung paano niya iyon nagawa subalit siya lamang ay isang pulubi na
walang pagmamayari at hindi nakapagaral. Makalipas ang ilang araw ng pagiisip at
pagtataka ni adalberto sa nangyari, naglakas loob siyang kausapin ang pulubi.
Hinanap niya sa bayan pero sa kasamaang palad hindi niya doon nakita kaya
naman nagtungo siya sa gubat na kung saan natagpuan niya ang pulubi na
gumagamit ng itim na mahika sa mga bagay para gumalaw ito. Nakipagusap si
Adalberto at sinabing paano niya iyon nagagawa, may nakitang potensyal sa binata
ang pulubi dahil siya lamang ang naglakas ng loob na magtanong at lumapit sa
kanya kaya naman tinuru niya ito sa kanyang makakaya. Isang araw tinanong ni
Adalberto kung ano ang pangalan nito subalit ang sagot lamang niya ay malalaman
mo sa tamang panahon. Makalipas ang ilang buwan natuto si Adalberto at
napagpasiyahan ng pulubi na papuntahin si Adalberto sa Universidad de Negro
Mahika na isa sa mga pinaka magandang paaralan sa isla ng dina, Nagustuhan ni
Adalberto ang magandang ideya dahil matagal na niyang pinangarap na makapag
aral.
Dali daling naglakbay si Adalberto papunta sa isla ng Dina. Kusa siyang pinapasok
dahil ang Unibersidad ay tumatanggap ng taong alam nila ay may potensyal sa
mahika. Sa labas ng paaralan makikita ang isang malaking bilog o kalasag na
nagsisimbolong kapag nakapasok ka na hindi ka na pwedeng makalabas muli, ang
dekano lang ang pwedeng magpasya kung lalabas ka o hinde ng unibersidad. Sa
pagaaral niya doon ay nakilala niya si Balagtas Sarmiento ang dekano ng paaralan,
ang dekano diyos ng mahika at siya rin ang pinaka malakas sa bawat paaralan sa
buong isla, Binigyan si Adalberto ng mga bagay na kanyang mga gagamitin sa
paaralan tulad na lamang ng mga uniporme at libro at ipinakita rin sa kanya ang
kanyang magiging tulugan sa isang buong taon. sa unang buwan niya doon sa
Unibersidad ay hindi niya inaakalang mas marami pa palang alam ang ibang mga
estudyante sa Unibersidad kesa sa kanya.(Drawing) Sa tulong ng dekano tinulungan
siya na makapag aral ng mabuti at makasabay sa kanilang pagaaral, napansin

niyang napaka buti ng loob ng dekano sa kanya tulad ng pagtanggap sa kanya ng


pulubi doon sa kanilang isla. Makalipas ang ilang buwan ng paghihirap at pagaaral
ay nakapagtapos si Adalberto at isa na sa mga pinaka magaling sa kanilang
paaralan, dahil dun napagpasya na maging isang guro doon sa paaral. Humingi siya
ng pabor sa kanyang dekano na bumalik muna pansamantala sa kanilang isla,
pumayag ito pero sa isang kundisyon, sasama sa kanya si dekano balagtas,
napilitan siyang isama ang dekano dahil hindi sa papaalisin sa kanilang unibersidad
kung hindi niya ito sinunod at dahil din sa sangga o kalasag sa unibersidad. Sa
kanilang paglalakbay papuntang isla ay nadaanan nila ang gubat na kung saan
naninirahan ang pulubi, pinuntahan nila ito at hindi niya inaakalang wala ito doon at
nakasara pa ang pinti dahil sa kanyang pagkakaalam ay lagi itong nasa loob ng
kanyang bahay. nagulat na lamang siya at binuksan ng dekano ang pinto at umupo
sa silya ng pulubi. Dali dali niyang pinaupo si Adalberto at Nagkwento ang dekano
tungkol sa isang binatang nagnanais na mailigtas ang kanilang isla mula sa mga
mananakop at magnanakaw, habang ikinikwento niya ito naiisip ni Adalberto ang
mga nangyayari at tila parang naluluha ito dahil alam niya na parehas ang kanyang
kwento sa kwento ng dekano. Matapos ang kwento tinanong ni Adalberto kung sino
yung lalaking bida sa kanyang kwento, sinabi ng dekano na siya ang binatang iyon,
na naghangad ng katarungan at kaligtasan sa kanilang isla, dali daling tumayo ang
dekano at nagpalit ng damit sa kwarto, nataka si Adalberto kung bakit ito nagpunta
sa kwarto, makalipas ang ilang minuto lumabas ito na kamukhang kamukha ng
pulubi at sinabing siya ang dekano at pulubi na tumulong sayo sa pagtupad ng
iyong mga kagustuhan, tinulungan kita dahil alam ko na kailangan ng bawat isla ng
tagapagligtas na tulad mo. Sa tuwa ni adalberto ay niyakap niya ang dekano at
nagpasalamat sa kanya. (Drawing)Nagbalik si Adalberto kasama ang dekano sa
kanyang bayan parang mangamusta sa kanyang mga kababayan at sakton g
naroroon nanaman ang mga magnanakaw, sa pagkakataong ito naman si Adalberto
na ang nagpaalis at magliligtas sa kanilang bayan, kusang umalis ang dekano at
naglaho ng parang bula, nagtaka si Adalberto kaya bumalik ito sa tahanan ng
dekano pero wala na ito, inisip na lamang niya nab aka bumalik na ito sa
unibersidad para magturo pa ng ibang estudyante na kailangan ng tulong. Taon
Taon bumabalik si Adalberto sa paaralan para magturo sa iba pang mga estudyante
at simula noon ay hindi na sila ginagambala ng mga magnanakaw at mananakop
dahil sa takot kay Adalberto. Malaking salamat ni Adalberto sa kanyang dekano at
natulungan niya itong makatulong sa kanyang isla.

You might also like