You are on page 1of 16

Yunit 4: Ako at ang Aking Kapaligiran

Panimula:
Sa yunit na ito, mapalalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral
tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo o
samahang kinabibilangan niya.
Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga
batayang konsepto sa heograpiya. Masisisyasat nila ang kapaligiran ng
kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilan
sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at pagggamit ng mapa
upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligid
ng kanilang tirahan at paaralan.
Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga magaaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupong
kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pagaasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan ang
kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
Mga Tema:
Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 4 ang mga sumusunod na tema:
1.
Tao, Kapaligiran, at Lipunan
2.
Panahon, pagpapatuloy at pagbabago
3.
Kultura at pagkakakilanlan
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4 gamit ang modyul na ito,
inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit at malayo.
2. naituturo ang direksyon tulad ng kanan at kaliwa, likod at harapan, at
iba pa.
3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng
pamilya at paaralan para sa kabutihan ng anak/mag-aaral.
4. napahahalagahan ang ugnayan at pagtutulungan ng pamilya at
paaralan.
Mga Kasanayang Malilinang
Komunikasyon
pagbabahahagi ng impormasyon
pagsasalaysay
pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay
pagsusulat ng impormasyon sa tsart
Mapanuring pag-iisip

pagsusuri
paghahambing
pagpapangkat ng mga impormasyon
pagsusuri ng mga larawan
pagbubuo ng hinuha

71

Pagpapahalaga

Paglahok

Malikhaing pag-iisip
paggawa ng mapa
pagguhit
pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan
paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa
pakikiisa sa mga pangkatang gawain
pagtapos sa gawain sa takdang oras
paglalaro
pakikilahok sa talakayan
pag-awit

Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 4


50 sesyon; 30 minuto araw-araw sa bawat pagkikita

Aralin 1: Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan


Panimula:

Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng Distansya


Pag-isipan:
Ano ang distansya? Paano ito maituturo sa mga mag-aaral?
Gawain 1
Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tatlong
kasapi. Magtakda ng titik sa bawat kasapi. Halimbawa, ang unang kasapi ay
titik A, ang ikalawa ay titik B at ang ikatlo ay titik C. Bigyan ng dalawang tali
ang kasapi A. Ang kasapi B at kasapi C naman ang hahawak sa dulo ng
magkabilang tali. Hawak ang dulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi C
na lumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ang tali.
Itanong sa mga mag-aarala ang mga sumusunod:
a. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng dalawang tali?
b. Aling tali ang hawak ng kasaping mas malayo?
c. Aling tali ang hawak ng kasaping mas malapit?

72

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang konsepto ng distansya: Ang lapit


o layo sa pagitan ng dalawang bagay ay tumutukoy sa distansya.
Maari pang mag-isip at magpagawa ng iba pang mga pagsasanay
upang lubusang maunawaan ng mga mag-aaral ang distansya.
Gawain 2
Ipasuri sa mga mga-aaral ang mga larawang nasa ibaba. Ipaguhit sa
kanilang kwaderno ang bagay na hinihingi sa
bawat bilang.
A. Mula sa pisara, aling bagay ang mas malapit?

B.

Mula sa bag, aling bagay ang mas malapit?

C.

Mula sa bola, aling bagay ang mas malapit?

D.

Mula sa t-shirt, aling bagay ang mas malapit?

73

Gawain 3
Subukang ipasukat sa mga mag-aaral ang distansya ng mga bagay
na nakatala sa ibaba. Isulat kung ilang *hakbang ang layo sa pagitan ng
dalawang bagay. Maaring ipasulat ang kanilang sagot sa activity sheet,
kwaderno o isang buong papel.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Aling mga bagay ang malapit sa pisara?
b. Aling mga bagay ang malayo sa pisara?
*Maari ring gumamit ng ruler o isang patpat sa pagsukat ng distansya.
Gabayan o i-scaffold ang mga mag-aaral sa gawaing ito.
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon.

Tandaan: Ang distansya ay nagpapakita ng lapit o layo sa


pagitan ng dalawang bagay.
Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng Direksyon
Pag-isipan:
Alam na ba ng iyong mga mag-aaral kung saan ang kanilang kanan,
kaliwa, likod at harapan?
Gawain 1
Upang lubusang matandaan ng mag-aaral kung alin ang kaliwa at
kanan, ituro at ipaawit ang awiting I have two hands. Ituro ang
karampatang mga aksyon ng nasabing awitin.
I have two hands, the left and the right
Hold them up high, so clean and bright
Clap them softly 1, 2, 3
Clean litte hands are god to see.
Ipataluntun ang kanilang kanan at kaliwang kamay sa kani-kanilang
kwaderno o sa kanilang sagutang papel. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagbakat ng kanilang kaliwang kamay
sa unang pahina at ang kanilang kanang kamay sa
kabilang pahina.

74

Gawain 2
Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan ng ibat ibang hayop na
nasa ibaba. Sabihin sa mga bata na bilugan ang mga hayop na nakaharap
sa kanan at ikahon ang mga hayop na nakaharap sa kaliwa sa kanikanilang sagutang papel.

3
.

2
.

1
.

4
.

6
.

5
.

7
.

8
.

Gawain 3
Ipaawit ang kantang pinamagatang Kumusta ka? Ipakita sa mga
mag-aaral ang kilos na akma sa mga titik ng awitin. Ipasunod sa mga magaaral ang iyong mga kilos habang masaya ninyong inaawit ito.
Kumusta ka?
Kumusta ka?
Halinat magsaya
Pumalakpak, pumalakpak
Ituro ang paa
Padyak sa kanan
Padyak sa kaliwa
Umikot nang umikot at humanap ng iba

75

Gawain 4
Ipasuri sa mga mga-aaral ang larawan. Itanong: Ano-ano ang mga
bagay na nasa harapan ng bata? Tukuyin ang mga ito. Ano-ano naman
ang mga bagay na makikita sa kanyang likuran. Tukuyin ang mga bagay na
ito.

Gawain 5
Hikayatin ang mga mag-aaral na maglaro.
Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng dalawang pangkat.
Bawat pangkat ay pipili ng kinatawan. Piringan ang mata ng kinatawan ng
bawat pangkat.
Ipaliwanag ang laro sa mga mag-aaral. Layunin ng laro na makuha
ng bawat nakapiring na kinatawan ng pangkat ang panyo na iyong inilagay
sa isang bahagi ng inyong silid aralan. Ang mga
natitirang kasapi ang magbibigay ng direksyon--kanan, kaliwa, harap at likod--- upang
mapuntahan ng kinatawan ang kinalalagyan ng
panyo. Ang grupong kinabibilangan ng kinatawan
na pinakamabilis na makakakuha ng panyo ang
siyang panalo.
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.
Tandaan: Mayroong ibat ibang direksyon tulad ng kanan, kaliwa,
harapan at likod na magagamit sa pagtukoy ng kinalalagyan ng mga
bagay.

76

Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa


Pag-isipan:
Ano ang mapa? Paano ipinakikita ang distansya at lokasyon ng
mapa?
Gawain 1
Pangkatin ang mga mag-aaral. Buuin ang bawat pangkat ng tiglimang kasapi. Sabihin sa mga mag-aaral:
Habang nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ng isang lapis, isang
aklat, isang pangkulay at isang pirasong papel sa mesa o sahig.
Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mga bagay na inyong
inilatag sa mesa o sahig. Ano ang inyong nakikita?
Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay. Subukang ilarawan sa
isang papel ang iyong napagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ng
mga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip na iguhit ang eksaktong
anyo ng mga bagay, gumamit ng ibat ibang hugis na kakatawan sa mga
ito.
Ipasuri sa mga mga-aaral ang halimbawa sa ibaba:

Pagkatapos maiguhit ng bawat grupo ang kanilang mapa, sabihin


ang mga sumusunod:
Ang inyong iginuhit ay isang halimbawa ng mapa. Ang mapa ay isang
larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Ipinapakita
nito ang anyo ng bagay o lugar kung titingnan ito mula sa itaas.
Itanong sa mga bata:
Sa inyong mapa alin ang mga bagay na magkakalapit? Alin naman
ang mga magkakalayo? Ano ang napapansin ninyo sa itsura ng inyong
mapa?
Ipadikit ang kanilang natapos na gawain sa isang bahagi ng inyong
silid-aralan.
Gawain 2
Ipasuri muli ang ipinakitang halimbawa ng mapa sa Gawain 1.
Matatandaang ipinakita rito ang ibat ibang bagay tulad ng papel, lapis,
aklat at pangkulay.

Pananda:
aklat
lapis

77

pambura
bag

Gamit ang ilustrasyon sa itaas [maari mong gayahin ito sa isang


malaking cartolina o manila paper o di kaya ay iguhit sa pisara], ipaliwanag
sa mga mag-aaral kung ano ang pananda.
Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapa na naglalaman ng hugis
na kumakatawan sa papel, lapis, aklat at pangkulay ay tinatawag na
pananda.
Ang pananda ang nagsasabi kung ano ang kinakatawang bagay o
lugar ng bawat hugis o kulay na ginamit sa mapa.
Balikan ang nagawang mapa ng mga bata sa gawain 1. Sabihin sa
mga bata na subukin nilang gumawa ng pananda sa kanilang mapa.
Gawain 3
Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tiglimang kasapi. Ipasiyasat sa kanila ang hitsura ng kanilang silid aralan at
magpagawa ng mapa nito. Palagyan din ito ng pananda.
Ipabahagi sa klase ang ginawang mapa ng bawat grupo. Itanong sa
mga mag-aaral kung magkakapareho ang mga ginawa nilang mapa.
Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag ang kanilang mga sagot.
Gawain 4
Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan. Itanong kung
anong bahagi ang paborito nila? Ipaguhit ito sa isang buong papel.

Itanong sa mga bata ang mga sumusunod:


1. Anu-ano ang mga malalapit sa iyong silid-aralan?
2. Anu-ano ang mga malalayo sa iyong silid-aralan?
Gawain 5
Ipakita ang mapa ng loob ng isang bahay kagaya ng nasa ibaba.
Ipasuri ito sa mga mag-aaral.

78

Itanong sa mga mag-aaral: Ano-ano ang iyong nakikita?


Ipaguhit sa bawat mag-aaral ang mapa ng loob ng kanilang bahay.
Paalalahanan ang mga mag-aaral na lagyan nila ng pananda ang kanilang
mapa.
Gawain 6
Itanong sa mga mag-aaral kung anong bahagi ng kanilang tahanan
ang paborito nila? Ipaguhit sa isang buong papelang paborito nilang
bahagi ng kanilang bahay. Tiyaking maipakikita ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. ang hugis ng bahagi ng bahay na paborito
2. ang pinto o bintana (kung mayroon)
3. mga kagamitang matatagpuan dito
4. iba pang mga detalye
Tulungan ang mga mag-aaral na kumpletuhin ang pangungusap:
Paborito ko ang bahaging ito ng aming bahay dahil
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Gabayan ang mga mag-aaral upang sagutin ang mga sumusunod
batay sa nagawang mapa:
1. Anu-ano ang mga bagay ang malapit sa pinto?
2. Anu-ano ang mga bagay ang malayo sa bintana (kung mayroon)?
3. Anu-ano ang mga bagay ang magkakalapit?
4. Anu-ano ang mga bagay ang magkakalayo?
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.
Tandaan:
Magagamit mo ang mapa sa paghahanap ng kinalalagyan ng isang
bagay o lugar. Makikita mo rin dito ang anyo ng bagay o lugar at
kung alin ang mga bagay na magkakalapit o magkakalayo.

79

Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay Patungong Paaralan


Pag-isipan:
Ano- ano ang mga nakikita ng mga mag-aaral mula sa kanilang
bahay patungong paaralan?
Gawain 1
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang mga nakikita sa paligid ng
kanilang tahanan sa kani-kanilang kwaderno o sa isang buong papel.
Palagyan ng border ng kagaya ng bintana sa ibaba. Palagyan ng kulay
ang kanilang ginawa.

Gawain 2
Itanong ang mga sumusunod:
a. Malayo ba ang inyong bahay sa iyong paaralan?
b. Paano ka nakakarating sa iyong paaralan?
Talakayon ang mga paraan ng mga mag-aaral upang makarating sa
paaralan.

80

Gawain 3
Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang mga nakikita
sa daan patungo sa kanilang paaralan?
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawang ng mga nakikita nila
sa kanilang dinadaanan tuwing papasok o pauwi sila mula sa paaralan.
Sabihin sa mag-aaral na kamuha ng kapareha o isang maliit na pangkat.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang magkuwento tungkol sa
mga nakikita nila sa kanilang dinadaanan.
Gawain 4
Ipasuri sa magaaral ang mapang
nasa larawan na
nagpapakita ng
lokasyon ng bahay ni
Mimi at ng kaniyang
paaralan. Itanong
kung ano-ano ang
mga nadadaanan ni
Mimi papunta at pauwi
sa kaniyang paaralan?

Pananda:
Bahay ni Mimi
Bahay ng
mga kaklase
ni Mimi
Simbahan
Puno

Gawain 5
Magpagawa ng mapa sa isang buong papel na nagpapakita ng
lokasyon ng bahay at paaralan ng mga mag-aaral. Tiyaking maiguhit din nila
ang mga nakikita sa dinaraanan nila papunta sa paaralan. Paalalahanin sila
na maglagay ng pananda. Ipakulay ang kanilang gawain.

Sabihin at itanong sa mga bata:


Tingnan ang ginawa mong mapa. Magpatulong sa magulang o guro
at sagutin ang mga sumusunod:
o Saan matatagpuan ang iyong paaralan, sa kaliwa o kanan ng inyong
bahay?
o Ano ang nasa harap at likuran ng iyong paaralan?
o Malayo ba ang iyong bahay sa iyong paaralan? Bakit mo nasabi ito?
o Madali bang puntahan ang iyong paaralan?

81

Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.


Tandaan: Nakatutulong ang mapa upang malaman mo ang
daan patungo sa iyong mga pinupuntahan. May ibat iba mga
paraan nang pagpunta mula sa isang lugar patungo sa iba pang
lokasyon.

Aralin 2: Pangangalaga ng Aking Kapaligiran


Panimula:

Aralin 2.1: Mga Paraan sa Pagpapanatili ng Kalinisan sa Aking Paaralan


Pag-isipan:
Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan sa aking paaralan?
Gawain 1
Hikayatin ang mag-aaral na pagmasdan
ang dalawang larawan ng isang paaralan sa
ibaba.
Itanong sa mga mag-aaral:
Aling paaralan ang nais mong
pasukan?
Ipaliwanag sa iyong mga kaklase ang
iyong sagot.
Maaring magkaroon ng pareha o mga maliliit na pangkat. Bigyan
ng oras ang mga bata upang magpaliwanag ng kanilang mga
sagot. Talakayin ang kanilang mga sagot.

82

Gawain 2
Basahin at talakayin ang mga
sumusunod na sitwasyon sa mga magaaral at pasagutan sa kanilang kwaderno
ang maaring mangyari sa bawat
sitwasyon.
Sa iyong palagay, bakit mahalaga
ang pagpapanatili ng kalinisan sa iyong
paaralan? Ano ang maaaring mangyari sa
hindi malinis na paaralan?
Gawain 3
Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa larawan sa gawain 3 ng
kanilang modyul. Talakayin ang mga gawain ng mga kasapi ng paaralan na
nagpapanatili ng kalinisan nito. Bigyang diin ang kahalagahan ng
pagtutulungan ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan.
Pasagutan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
gawaing nakapagpanatili ng kalinisan. Maaring tumawag ng ilang bata sa
harap upang ipaliwanag ang kanilang mga sagot.
Gawain 4
Paisipin ang mga mag-aaral ng tatlong pagkakataon na nagkaroon
ng sama-samang gawain ang mga kasapi ng iyong paaralan sa
pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran kagaya ng kanilang
paaralan. Maaaring ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno.
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.
Tandaan: Maraming paraan ng pagpapanatili ng kalinisan ng
paaralan. Mahalaga ang mga gawaing tumutulong sa pagpapanatili
ng kalinisan ng bawat isang mag-aaral.

83

Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa Pagpapanatili ng Kalinisan


ng Aking Paaralan
Pag-isipan:
Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa pagpapanatili
ng kalinisan ng iyong paaralan?
Gawain 1
Gabayan sa pagbasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang ibat ibang
sitwasyon sa ibaba at ipaguhit ang kanilang damdamin sa bawat sitwasyon.
Maaaring ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kwaderno o isang buong
papel.
Maaring pang-indibidwal o pangkatan ang gawaing ito.
Mga Sitwasyon:
Pag-usapan sa klase ang sagot ng mga mag-aaral.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang pamilya at paaralan
ang mga pangunahing samahang kinabibilangan nila. Ang mga kasapi ng
mga ito ay patuloy na nagtutulungan at nagkakaisa tungo sa iisang
hangarin --ang mapalaking mabuti ang mga kabataan.
Gawain 2
Gabayan ang mga mga-aaral sa
pagbasa sa panuto ng gawain sa ibaba.
Suriin ang mga larawan sa loob
tatlong unang kahon. Iguhit ang maaring
mangyari sa pinakahuling kahon sa iyong
kwaderno o isang papel.

1
.
2
.
3
.

Gawain 3
Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagbasa at pag-unawa ng panuto ng gawain sa ibaba.
Bilang isang mag-aaral, magsulat ng tatlong maaari mong gawin
upang makatulung sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong paaralan. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kwaderno o sa isang buong papel.
1._____________________________________________________________________.
2.______________________________________________________________________.
3._______________________________________________________________________.

84

Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.


Tandaan: Mahalagang gampanan mo ang iyong bahagi sa
pagpapanatili ng kalinisan ng iyong paaralan.

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan


Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek( ) ang angkop na
kahon sa iyong sagot.
Nagamit ko ang mga kasanayang ito:
Mag-aaral

1. Nasunod ko ang mga panuto.


2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa
sining.
3. Nakapaghambing ako ng ibat ibang
bagay.
4. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking
kamag-aral.
5. Tumulong ako sa pangkatang gawain.
6. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro.
7. Nakinig ako sa kuwento ng aking kamagaral.
8. Nasuri ko ang ibat ibang bagay
9. Nakapag-isip ako ng maaaring sumunod na
mangyayari sa isang sitwasyon.
10. Napahalagahan ko ang pagpapanatili ng
kalinisan sa aking paaralan.
11. Nasabi ko ang ibat ibang paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan sa aking
paaralan.
12. Natukoy ko ang ibat ibang gawaing
pakikipagtulungan tungo sa pagpapanatili
ng kalinisan ng aking paaralan.

85

Guro

Nagawa ko ang mga bagay na ito:


Mag-aaral

Guro

1. Naikumpara ko ang distansiyang malayo at


malapit.
2. Natukoy ko ang direksiyong kaliwa, kanan,
harap at likod.
3. Nakaguhit ako ng ibat ibang larawan.
4. Nakagawa ako ng mapa.
5. Naitala ko ang mga maaring mangyari kapag
napanatiling malinis ang aking paaralan.
Naipahahayag ko ang mga ito:
Mag-aaral

Guro

1. Natutuhan ko ang batayang konsepto ng


distansiya at direksiyon.
2. Natutuhan ko ang batayang konsepto ng
distansiya at direksiyon.
3. Natutuhan ko ang ibat ibang gawaing sa
pagpapanatili ng kalinisan sa aking paaralan.
4. Natutuhan ko ang bahaging dapat kong
gampanan upang mapanatili ang kalinisan sa
aking paaralan.
5. Natutuhan kong pahalagahan ang
pakikipagtulungan ng lahat sa pagpapanatili ng
kalinisan sa aking paaralan.
Komento ng iyong guro:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________.

86

You might also like