Professional Documents
Culture Documents
Bibeh !!!
Bibeh !!!
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit.
Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
Iba't ibang Sawikain
ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang
ahas.
anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit
walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam
naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitangkutsero.
balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si
Ginang Matutina.
buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na
tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon
sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak
ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at
malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay
ang nga ginagawa niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit
masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig
sabihin ay "mister o asawang lalaki")
Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng
mga anak nitong lalaki.
matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian
at Magnacum Laude.
mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi
manganib ang buhay.
malakas ang loob---matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob
ng pampasaherong dyip.
makapal ang bulsa---mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka
kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
makapal ang palad---masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang
milyonaryo.
magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka
sana.
pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak