You are on page 1of 6

Ang Matandang Lalaki sa Tulay

Dinampot ko ang mga natitirang papel sa kwarto at nagmadaling ilagay sa


folder dahil tinatawag na ko ni Lola Julian. "Jenny!!! Di ka pa ba aalis? Hindi
ba't ngayon mo pupuntahan ung iinterbyuhin mo?" wika ni Lola
Julian. "Opo. Inaayos ko na lang po ung gamit ko, pababa na po." Nang
matapos ko na ang paglagay ng papel ay kinuha ko na ang bag ko tska
dumiretso pababa sa sala "Manang-mana ka talaga sa nanay mo, ang
kupad kupad!" Napangiti na lang ako, Hindi makukumpleto ang araw
hangga't wala ang linyang yan. "Mag-ingat ka ha, umuwi ng
maaga" Tumango ako at Humalik sa pisngi ni Lola Julian at tuluyang umalis
ng bahay.
Ilangg linggo na rin akong pabalik-balik sa Morayta, para lang isagawa ung
research namin sa eskwelahan, at sa akin pa ang pinakamahirap, mag
interbyu ng 3 pulubi na nakatambay sa tulay, isang nanay, bata, at matanda.
Sa araw-araw na pagpunta ko ay natapos kong interbyuhin ang isang nanay
at bata, at ngayon ko iinterbyuhin ang panghuli, isang matandang lalaki sa
tulay.
Bumaba na ako ng jeep at umakyat sa footbridge na lagi kong dinadaanan, at
doon ko nakita ang matandang lalaking iinterbyuhin ko, buhok na kulay puti
natila'y papaubos na, nakasuot siya ang puting damit na halos magkulay itim
na sa karumihan at nakasuot ng simpleng shorts. Sa kalagitnaan ng hagdan
ay nakaupo siya sa kanang bahagi nito, yakap yakap ang bag niya habang
hawak niya sa kabilang kamay ang lata at patuloy niya itong inaalog.
Agad ko siyang nilapitan, upang masimulan ang research na ginawa ko "Lolo,
Magandang umaga po" bati kong pagkasaya saya.
Nakasuot siya ng salamin, Ngunit mas kapansin pansin ang mapait na ngiting
namuo sa kanyang mga labi. "Magandang umaga din sayo hija, pasensya
ka na't di kita nakikita" Di ko malaman saan galing ang mapait niyang ngiti

pero gusto ko munang alisin yun sa kanya. "Okay lang po yun, boses ko pa
lang po maganda na, pano pa po kaya kung makita niyo ko?" At doon ko
nakita ang masayang ngiti mula sa kanya.
"Para po kasi ito sa research namin, may konting tanong lang po ako,
parang kwentuhan lang, Ako po pala si Jenny ang pinakamagandang
journalist na makikilala niyo" pabiro kong sabi, at muli siyang natawa sa
sinabi ko "Ah ganun ba? Jenny, napakagandang pangalan, jenny nga
ba??" sabi ng matandang lalaki.
Agad ko siyang sinagot "Opo, Jenny Garvez po, gusto niyo po bang
kumain po muna kayo bago po tayo magsimula?" Lahat ng napapadaan
ay lumilingon sa amin at nagbubulungan, wala namang masama sa pakikipag
kwentuhan, hindi ba? "Ok lang ako hija, nakakahiya naman kung gagastos
ka pa"
Dun ko nakita ang bukal na puso ng matandang lalaki, kung ibang pulubi
siguro to ay napagastos na ko tulad na lamang nung batang lalaki na
ininterbyu ko. Labag man sa kalooban niya, ay inabutan ko siya ng tinapay at
bote ng tubig bago ako magsimulang magtanong. "Ano pong buong
pangalan niyo? At paano po kayo napunta sa tulay na ito?" Huminga siya
ng malalim at hinigpitan niya ang yakap niyang bag.
"Ang buong pangalan ko ay Marcelo Simon Buenaventura, noong
kapanahunan ko, ako'y isang disenteng estudyante na nag-aaral ng Medisina,
sa isang sikat na unebersidad.
Ako'y matipuno at matalinong lalaki na habulin ng mga babae, at laging
nangunguna sa klase. Ang pamilya ko ay lahi ng mga doktor at bihasa pag
dating sa medisina. Maliban na lang kay tito Albert nagmamay-ari ng hacienda
sa probinsya na itinakwil ng aming lolo dahil sa hindi niya pagkuha ng
Medisina.

Dahil kami'y lahi ng mga doktor, di maikakaila na ako'y laki sa luho, malaking
bahay, nakapilang mga sasakyan, at hinahainan ng iba't ibang klase ng
putahe sa isang araw, at lahat ng gusto ko, napapasaakin.
Nang ako'y nasa huling taon na sa pag-aaral ng medisina ay may nakilala
akong babae, siya'y isang napakaganda at napakatalinong babae,
nagngangalang Elizabeth, sa sobrang galing niya ay nahigitan niya ako nung
kami ay nagtapos ng Medisina. Ilang beses din kami nagkatrabaho at
masasabi kong tunay nga siyang magaling. Noong una'y akala ko'y galing din
siya sa lahi ng mga doktor ngunit laking gulat ko nang malaman kong siya
lang ang nagpaaral sa kanyang sarili upang makapagtapos ng kolehiyo at
upang mapagaral sa kanyang kapatid na si Carla.
Matagal ko siyang hinangaan at di ko namalayan na hindi na lang ang
kagalingan niya ang aking hinahangaan, di ko napansin na nahulog na pala
ang loob ko sa kanya. Niligawan ko siya, at ilang beses akong nabigo bago ko
pa man siya napasagot. Isang buwan na lang ay ikakasal na kami, at napaka
engrande ng kasalan na aking pinagplanuhan para sa amin ni Elizabeth, gaya
nga ng aking sinabi, mayaman kami. Kasabay ng aming pagpaplano tungkol
sa kasal ay nagsimula na ring malugi ang hacienda ng aking tito." wika ni Lolo
Marcelo.
Di ako makapaniwala na ang katabi ko ngayon ay isang lisensyadong doktor
na mayaman. Naalala ko tuloy sa teleserye kung saan ang mga mayayaman
na biglang humihirap, nangyayari pala iyon sa totoong buhay. Nagpatuloy si
Lolo Marcelo at ganun din ang pagsulat ko ng impormasyon.
"Dumating ang araw ng aming kasal, lahat kami'y sabik na sa gagawing
seremonya ngayong araw, tulad nga nang nakasanayan ay mauunang
dumating ang "groom" bago ang "bride". Halos lahat ng aming panauhin ay
kapwa naming katrabaho sa hospital na espesyalista sa iba't ibang larangan
ng medisina, at ang iba nama'y kamag-anak ng aking magiging asawa.
Parami ng parami ang dumadating sa simbahan hanggang sa napuno na ito,

sa bawat segundong pumapatak ay kasabay nito ang patuloy na pagtibok ng


aking puso sa nalalapit na oras ng kanyang pagdating.
Tinawagan ko ang kapatid ng pinakamagandang babae sa aking buhay, at
kinumusta si Elizabeth "Asan na kayo? Parating na ba ang asawa
ko?" wika ko sa kanya, "Oo malapit na kami, isang kalye na lang... Excited na
rin tong-" narinig kong sumingit ang boses ng aking asawa na tumawa sa
telepono "OO, parating na ang asawa mong maganda" nagtatawanan na
kaming tatlo sa phone nang biglang narinig kong sumigaw si
Carla, "Bubunggo tayo!!!" narinig ko ang isang pamilyar na boses
"Kung magpapakamatay ako, isasama ko na kayo, kasalanan niyo!!
Kasalanan niyo kung bakit ako nagkaganito!!" nanghina ako sa narinig ko
at hindi ko alam paano ko sila maililigtas sa aking tito na kasalukuyang
nagmamaneho ng sasakyan nila. Nabitawan ko ang teleponong hawak ko ng
marinig ko ang pagbunggo ng sasakyan nila kasabay ang pagsigaw niya.
Sinugod si Elizabeth at ang kanyang kapatid sa ospital at nasa ICU, si tito
naman ay tuluyan nang binawian ng buhay. Matapos ang pag gamot sa
kanilang sugat ay napag alaman ko rin ang mataas na tiyansang
magkakaroon daw ng Traumatic Amnesia si Elizabeth bunga ng malakas na
pagkakauntog. Ang kanyang kapatid naman ay hindi na rin kinaya at sunod na
binawian ng buhay.
6 Buwan na ang lumipas simula nang siya ay macomatose, araw araw ko
siyang binibisita at hinahalikan sa noo habang ipinagdadasal na sana'y
gumising na siya. Araw-araw ko rin siyang binibigyan ng rosas para kung
sakali'y siya'y magising makikita niya ang paborito niyang bulaklak na rosas.
Matapos ang insidente na nangyari kay Elizabeth ay sunod-sunod na ang
hinarap na problema ng aming pamilya, si Lolo ay nagkaroon ng Cancer, at
nalaman ko rin na nagpakamatay si Tito Lucio sa lungkot dahil namatay ang
batang kanyang inoperahan nung isang buwan. Ang tanging inaasahan na
lang ni lolo ay ako at aking ama na sa States nagtatrabaho bilang doktor.

Naramdaman ko noon na unti-unti nang kinukuha ang kayamanan namin,


pero hindi yun naging hadlang upang ipatigil ang pagpapachemo ni Lolo at
pag antay ko sa pagkagising ni Elizabeth. Makaraan ang ilang lingo ay
namatay si Lolo at nawala ang aking ama, upang masagot ang gastusin sa
ospital ay binenta ko ang bahay at pinambayad ang natitirang pera para sa
gastusin sa pampaospital kay Elizabeth.
Nasa trabaho ako ng matanggap ko ang tawag mula sa ospital, na nagising
na si Elizabeth, sa sobrang tuwa ay din a ko nag atubili na pumunta sa ospital,
nang papalapit na ko sa kanyang kwarto ay naririnig ko ang walang tigil na
pag sigaw at pag-iyak niya. "Wala akong makita!! Bakit wala akong
makita? Asan ang kapatid ko?" Pumasok ako sa kwarto at niyakap siya,
hinalikan ko ang kanyang noo habang dahan-dahang tumutulo ang luha ko sa
aking pisngi, dahil naintindihan kong hindi niya ko naaalala, patuloy kong
binubulog sa kanya na magiging ok ang lahat at doon siya dahan-dahang
huminahon. Lumuhod ako sa may ulunan niya at ipinagdasal ang aking
gagawing desisyon. Tinitigan ko si Elizabeth, napaka kalma ng kanyang
mukha, at parang walang pinagbago simula nung una kaming nagkita,
minemorya ko ang hugis ng kanyang mukha ang pwesto ng kanyang mga
mata at labi "Kailan ba uli tayo magpapakasal ha Elizabeth? Sabik na
kong makita muli ang ngiti mo, marinig ang tawa mo, sayang dahil di ko
na yun makikita pa muli. Ang tanging dasal ko lang ay sana sa sandali
na imulat mo ang iyong mga mata ay maalala mo ako. Mahal na mahal
kita, Elizabeth Mercado" matapos kong sabihin iyon ay lumuha ako at
dinama ang patak ng luha na kailanman ay hindi ko na uli pa mararamdaman.
Naubos ang perang iniipon ko para sa plano kong ituloy ang aming
pagpapakasal sa ginawang operasyon, dahil nga binigay ko na sa kanya ang
aking mata, hindi na ko nakapagtrabaho at doon na nagsimulang maubos ang
aking pera, Nang mabalitaan kong magaling na si Elizabeth ay agad akong
nagpahatid sa kwarto niya, narinig ko muli ang tawa niya at nakaramdam ng
kirot ang aking puso dahil sa imahinasyon ko na lang makikita ang ngiti sa
kanyang labi, Matapos ang 2 araw ay umalis siya at nagsimula ng bagong

buhay nang hindi man lang ako naaalala o namumukhaan, masakit pero
tinanggap ko ito, ginawa ko naman yun para sa ikaliligaya niya, malaman ko
lang na masaya siya ay masaya na rin ako." Pagtatapos na kwento ni Lolo
Marcelo na tila nasaktan sa pagsasaad ng kwento ng kanyang buhay.
"Ang sweet niyo naman po pala! Kaso nakakalungkot naman po
nagkahiwalay kayo ni Lola. Naalala ko tuloy si Lola, magagalit nanaman
yun pag nalate ako umuwi. Maiba po ako, Pano po pala kayo napunta
dito? " interesadong tanong ko sa kanya. "Kahit na bulag ako ay
napagisipan kong dito na pumunta dahil umaasa ako na sana kahit di
niya ko naaalala ay naaalala niya ang lugar kung saan kami unang
nagkakilala, hanggang ngayon ay inaantay ko ang araw na dadaan siya
rito, sa pwesto kung saan kami nagkabungguan." Mahinang sagot ni Lolo
Marcelo "Ay nako, basta ang swerte swerte ni lola E-e?, ano po uli
pangalan niya?" Napangiti si lolo Marcelo sa sinabi ko. "Elizabeth.. Julian
Elizabeth Mercado ang buong pangalan niya."

You might also like