You are on page 1of 2

6 pusher patay sa Quezon City

drug bust
Ni Ricky Tulipat (Philippine Star: Pang-Masa) | Updated July 12, 2016 - 12:00am
Retrieved at http://www.philstar.com/police-metro/2016/07/12/1601827/6-pusher-patay-sa-quezon-city-drug-bust

MANILA, PhilippinesNapatay rin ang suspek na si PO3 Ariel Arnaiz, 50, isang
AWOL (absent without leave) na pulis-Caloocan, may-asawa ng no. 5 Virginia St.,
Jordan Subdivision ng nasabing barangay. Ayon kay Supt. Victor Pagulayan,
station commander sa Talipapa, Quezon City, nakatanggap sila ng tip sa umanoy
bentahan ng droga sa bahay ni Arnaiz dakong alas 8:30 ng gabi kamakalawa.
Pagdating sa lugar ay nakatunog si Arnaiz at nagtatakbo ito saka nagbunot ng baril
at pinaputukan ang mga otoridad na napilitang gumanti ng putok at napatay ito.
Aminado ang mga anak ng biktima na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si
Arnaiz. Pero giit nila, hindi makatarungan ang pagpatay sa kanilang ama, na
umanoy handang sumuko nang dumating ang mga pulis.

MAYNILA - Patay ang isang dating pulis na umano'y tulak ng droga sa


isinagawang raid sa Baesa, Quezon City, Linggo ng gabi. Kinilala ang biktima na
si PO3 Ariel Arnaiz, isang AWOL (absent without leave) na pulis-Caloocan.
Ayon kay Supt. Victor Pagulayan, station commander sa Talipapa, Quezon City,
nakatanggap sila ng tip sa umano'y bentahan ng droga sa bahay ni Arnaiz.
Paliwanag ng pulisya, dumaan sa proseso ang kanilang operasyon at nagkaroon
lang ng banta sa kanilang buhay kaya sila nagpaputok.

Aminado ang mga anak ng biktima na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si


Arnaiz. Pero giit nila, hindi makatarungan ang patay sa kanilang ama, na umano'y
handang sumuko nang dumating ang mga pulis.
"Lahat sila may baril. Pero nakasibilyan sila. Sabi ng tatay ko, 'Ano'ng problema?
Pag-usapan natin ito.' Pero pinaputukan nila," kuwento ng isang anak ni Arnaiz.
"Tapos tumakbo tatay ko para kunin ang baril para lumaban kasi kahit anong
pakiusap niya, di siya pinapakinggan," dagdag pa nito.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo, mukha, at sa tagiliran ang pulis.


-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN Online News| July 11, 2016
Retrieved: http://news.abs-cbn.com/news/07/11/16/ex-pulis-na-hinihinalang-pusher-binaril-sa-bahay

You might also like