You are on page 1of 21

SA KUBYERTA

Donya Victorina: buenos das a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan, Bakit
hindi natin bilisan?
Kapitan: Kapag bumilis pay maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doa
Victorina)
Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginan ang
mga prayle)
Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni
sinuman ang nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng
mga mata nang mga naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog
hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila; alalaong bagay magbukas ng isang bagong ilog sa
pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig.
Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa?
Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagkat mga bilanggo ang gagawa.
Don Custodio: Walang sapat na bilanggo!
Simoun: Kung gayoy piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda!
Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!
Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Nagalsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala koy lalo kayong
nakauunawa sa kasaysayan!
Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito ay
hindi miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakot ng
malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pari...
Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling
maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong mataas
na buwis.
Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!
Ben Zayb: Indiong Ingles!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
SA ILALIM NG KUBYERTA
Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago?
Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akong pumunta sa
San Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito.
Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang
droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang
gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong
kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit itoy hindi

gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang
itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin
Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.
Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita
ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at
nangakong tutulungan niya kami.
Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera?
Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan
naman ay handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay.
Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na
ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.
Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita...?
(napangiti lamang si Isagani)
Basilio: Teka, kaibigan... (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong
kasintahan! Ang umiibig nga naman!!! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyong kasintahan,
maganda nay mayaman pa. Kaya lang ay...
Isagani: Kaya lang ay ano? (kinakabahan at umarko ang kilay)
Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama
ang tiya niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasay matanda na!
Basilio & Isagani: Hahahahaha!!!!
(dumating ng mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayoy
nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.
Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba
kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan.
(ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyanggalit)
Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa
Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak
Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.
(gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani)
Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig.
Isagani: Di tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay
nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay
pinainit at naging singaw ay handang tumunaw.
(natigilan si Simoun at halatang namangha)
(tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking
kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap!
Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun.
Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko!
Basilio: Siya ang tinatawag na Kayumangging Kardinal!
Isagani: Kardinal?
Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan
Heneral!
(Sa kabilang banda)
Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi!
Padre Florentino: Salamat Kapitan, subalit..
Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong
makisalamuha sa kanila
Padre Florentino: Akoy susunod na lamang.. Kakausapin ko lamang muna ang aking pamangkin na
si Isagani. (lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habang akoy naroroon,
baka magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan!
Isagani: Opo! (pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totooy ayaw niyang
makausap ko si Donya Victorina!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
SA KUBYERTA
(sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan)
Don Custodio: (pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang
bahaging pinakamainam sa paglalakbay.
Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may kabuluhan
lamang sa akin ay yaong may mga alamat!
Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig.
Nariyan ang malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila at
pinagtitirahan ng mga espiritu. May isang alamat, ang alamat ni Doa Geromina na... na...
(naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni Padre Florentino.
Padre Sibyla: (nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan!
Doa Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon?
Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre?
Padre Sibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari) Sabi nila
may isang estudyante...
Ben Zayb: Mawalang galang. ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang
isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?
Doa Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben Zayb).
Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?
(natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya)
(sound effects: kagimbal-gimbal )

Kapitan: (itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya!
Doontumingin kayo sa malayo(sabay tingin ng lahat sa malayo) Ayon sa kabo ng mga kawal na
tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga
dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng
bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon
ay nagkulay-dugo. Ngayoy hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay
mangyari.
Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay...
Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!
Padre Salvi: Hindi bat isa rin siyang filibustero?
Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi
maaasahang magkaroon ng maringal na libing.
Ben Zayb: (nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun?
Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos
patak lang ng tubig ang laman?
Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig ang lakbaying
ito. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa Suisa o lahat ng lawa sa Espaa
pagsama-samahin man. Nakakita na ako ng mgasanay na mandaragat na nangahilo rito.
Doa Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pay bibigyan ko kayo ng eficasent oil. Paulita Paki abot mo
nga sakin ang eficasent oil.
Paulita: Tiya hindi niyo po nadala.
Doa Victorina: (hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroon akong
Bonamine sa aking bagahe.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
TAHANAN NI KABESANG TALES
Huli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kayay makakapag-aral din sa Maynila tulad mo?
Tano: Aba oo naman.
(lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)
(lumapit si Huli at Tano kay Tales)
Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?
Huli: Kuya...
Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynilakatulad ng
mga dalaga sa bayan.
Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)
Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na
pakasal sa kanya...
Huli: (sinisiko-siko si Tano) Kuya naman...
(hinabol si Tano)
Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?

Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal
ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.
Kabesang Tales: Ngunit ama sila ay umaabuso na!
Tata Selo: Magpaumanhin ka!
(dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)
Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!
Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo?
Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!
Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.
Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!
Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking
kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.
Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko
upang maiahon sa hirap ang pamilya ko.
Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!
Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.
Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??
Padre Camorra: Meron!!
Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?
Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?
Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang
katibayan na inyo nga ang lupang ito.
Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...
Padre Camorra: Hindi bat tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang
mag-mamatigas.
Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!!
(bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle)
(pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riffle)
Padre Camorra: Qu barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil
(pinalo ng riffle ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano)
Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!!
Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!!
Tano: Ama!!! Huli!!! Aaahhh!!!!
(pag alis ay babalik ang mga guwardiya sibil)
Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindiy mamamatay ang
iyong ama, binibini.
Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog
ito sa akin ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Agnos) Ngunit itoy hindi sapat. Tama!
Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)

(nagdadasal si Hermana Penchang at Huli)


Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor
de la peste Y de todo mal.
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: (binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa
iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte
Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Huli: Pasensya na po.
Hermana Penchang: Paensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo
inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Huli)
Huli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la
peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis na dinadasal)
Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa
iyong mga kasalanan. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor
de la peste Y de todo mal.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Sa SEMENTERYO
Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta ko rito.
Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang
mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na malapit) ano yon...? Si Ginoong
Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang
pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may
labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutan niya
sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya
kilalang lalaki.)
Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa..)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong
taon na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay,
ikaliligaya ko kung akoy makatutulong naman sa inyo.
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: At sa tingin moy sino ako? (humakbang paurong)
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban
sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak.
Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong akoy naparito

may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay
para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayoy nagbalik ako
upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng
kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi
pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi
tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang
wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga
pagkatao!
Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang
iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang
iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong
pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin
ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang
kung sino-sinong kastila.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya)
Simoun: (kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay Cleopatra.
Natagpuan ito sa mga pirmide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga
mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago
Kapitan Basilio: (humakbang at parang nangangarap) Marahil yaong ipinadala ni Hannibal matapos
ang digmaang Cannes.
Simoun: (binalik ang kwintas at kinuha ang isang maliit na kahon) Nagdala rin ako ng mga
mamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa bahay liwaliwan ni
Annio Mucio Papilino sa Pompeya. (ipinakita niya iyon kay Kapitan Basilio)
Kapitana Tika: Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyunan ng Papa?
Hermana Penchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyon?
Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal!
Kapitana Tika: (kinurot ang tumatawang si Sinang) Sinang!! Ano ka ba ? parang hindi ka dalaga!
Sinang: Inay naman... masakit yun...
Simoun: Aaahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (binuksan ang isang kahon) Hayan ang
mga antigong alahas. Ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at ang mga hikaw
sa dama ni Maria Antoinette.
Sinang: Aayyy! Ang gaganda! (kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman

(Sa kalayuan ay nakatanaw si Kabesang Tales)


Simoun: Tignan ninyo, (pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales) ang isa lamang sa mga asul
na batong ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila bituing nagmumula sa
kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na
ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng
lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito, mapula, simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa
paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, muling natamo ang kalayaan, naibalik ang ama sa
tahanan, ang ama sa mga anak, at sa kanyang asawa at ang buong pamilyay nailigtas sa
miserableng hinaharap. (tinapik tapik ang kahon) Mayroon akong isang kahong katulad ng sa
manggagamot na kinatataguan ng buhay at kamatayan, ng lason at ng lunas, at sa pamamagitan ng
isang dakot nito ay mangyayari kong paluhain lahat ng mamamayan sa Pilipinas! (lumapit kay
Kabesang tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?
Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang
gaanong halaga.
Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?
Kabesang Tales: Tama!
Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong kaibigan
bago siya nagmongha.
(sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales)
Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (hindi umimik si Kabesang Tales) Nagustuhan
ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibang hiyas? Pumili ka....
(tahimik parin) Limandaang piso? Limandaan!
(kinuha ni Kabesang Tales ang laket at tinignan)
(sumesenyas ang mga kababaihan na ipagbili na niya ito maliban kay Hermana Penchang)
Hermana Penchang: (lumapit upang tignan ang kwintas) Kung akoy itatago ko na lang iyang parang
relikya. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siyay payat na payat na,
mahina at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siyay mamamatay na
Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyon
ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili.
Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni sa
aking anak . Babalik ako bago dumilim.
(nagsialisan na rin ang mga tao)
(naupo si Simoun at naghintay)
(close lights for 5 secs)
(open lights)
(kinuha niya ang lalagyanan ng rebolber niya ngunit isang sulat na lamang ang nakita niya at ang
agnos ni Maria Clara)
(dim lights)
(Voice Over: Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo, ngunit
pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na
pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat akoy sasama sa mga tulisan. Ipinapayo
ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayoy mahulog sa aming kamay, sa dahilang
wala na kayo sa aking tahanan, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de

Dios)
Simoun: (tumatawa) At sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan. Haha haha!!!
(nagmamadaling nagligpit at umalis)
(magdadatingan ang mga estudyante at uupo)
(nagtatawanan ang mga estudyante habang pumapasok si Placido)
(uupo si Placido sa bakanteng upuan)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(sound effects: putok)
Placido: (mapapasigaw) Ano ba?!! Hindi yon nakakatawa
(nagtawanan ang mga estudyante)
Juanito: (nagpapanggap na si Padre Millon: may salamin at unan sa tiyan) Anong ipinagsisigaw mo
diyan na parang babae??!!
Placido: (nagulat kaya pasigaw na nakasagot) Magandang araw po Padre Millon!!!
Juanito: Galit ka ba?! Bakit ka sumisigaw! Hindi pa naman ako bingi!
Placido: Hindi naman ako galit ah!!! (pasigaw)
Juanito: Hindi galit??? Eh bakit sinisigawan mo ako??!! Falta de respeto!!
Placido: Respeto?? Hindi niyo kailangan ng respeto!!! Ang respeto ay hindi hinihingi kundi
pinaghihirapan... kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto kayong respetuhin ang ibang tao!!!
Juanito: Pangahas ka!! Anong pangalan mo ha!?
Placido: Placido! Placido Penitente!
Juanito: Placido Penitente? Mas mabuting Placido Disparate!!
Placido: Tama na Padre! Wala kayong karapatang umalispusta ng kapwa!!
(tatalikod at aalis kaya hindi mapapansin ang pag-alis ng balatkayo ni Juanito bilang Padre Millon)
(dadating si Padre Millon)
Juanito: Whooo!!! Bakla ka yata eh!!!
Mga Estudyante: Hahahahahahahaha
Padre Millon: Magandang umaga. (hindi narinig kaya nilakasan) MAGANDANG UMAGA!!
Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!!
Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!!
Mga Estudyante: (nagtawanan dahil gayang gaya ni Juanito kanina si Padre Millon) Hahahahahaha
Padre Millon: Hala! Humanda sa isang talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa
elementong bumubuo sa salamin. Sinong maaring makapagsabi ng komposisyon nito? (nakita ang
natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!! Masyado kang tamad! Alam mo ba ang leksyon at ikay
natutulog na??!!
Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo??
Padre Millon: Tonto!! Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat)
Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!!
Padre Millon: Huh?? Saan?? (umalis)
Macaraig: (tumayo at pumunta sa unahan) Sasamantalahin ko na ang pag-kakataong ito upang
tayoy makapag-usap. Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa

akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila
na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niyay si Don Custodio, isang
sangguni ng lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?
Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganito, Malaki na ang atin
tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan. Sinabi ni
Padre Irene na kung tayoy makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang
kanyang pagsang-ayon.
Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: (hihilain ang gilid ng mata) Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: (gigiling) Ang mananayaw na si (sabay sabay sasabihin ang pangalan) Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari namang si Ginoong Pasta ang ating lapitan.
Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung papaano
natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.
Macaraig: Hindi bat si Ginoong Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Juanito: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon. Kilala
ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi mahalay
tignan. Kakausapin ko si Ginoong Pasta. Kung akoy hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang
ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap
niya kay Ginoong Pasta.
Tadeo: (ituturo ang ngipin) Ginoong Pasta? Pasta!!!
Mga Estudyante: Hahahahahahahaha
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)
(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa)
Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan ka ba?
Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali)
Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka...
Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante na magpatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila.
Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!
Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.
Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibig sa
tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganun-ganon na

lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayang maselan; marami
akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-iingat,,,
Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit napaka-kaunti
ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang hari, mga lathala at mga kapasyahang umiiral
sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan ang makitulong sa mga adhikain ng
pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin at sa paraan lamang kami nagkakaiba.
Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isang bagay
na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.
Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.
Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi ang mga
hakbang na iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.
Isagani: Paumanhin! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin...
(may kung anong hinahanap si Ginoong Pasta)
Isagani: Kung gayon... (tumindig na) Mauuna na po ako!
Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ng ganoong
kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawat bansa ay may
sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit. Kaawa-awang binata!
Kung lahat ay nag-iisip na gaya niya, ay hindi ko sasabihing hindi... Kaawa-awang binata! Kaawaawan g Florentino!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(nakaupo si Don Custodio at naghihintay)
(sound effects: gabi)
Don Custodio: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman... may meeting pa ako...
(sasayaw si Pepay sa gilid)
(mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan)
Pepay: (seductive na lalapit kay Don Custodio) Custodoni..... Custodoni...!!! (ihihipan ang tenga ni
Don Custodio)
Don Custodio: Pumunta lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita... nagkakagulo
ang mga estudyante ngayon at baka akoy paman-manan.
Pepay: Custodoni my labsss.... ikaw naman eh...
(naka upo sila: lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at mahulog si
Pepay sa upuan)
Pepay: (tatayo agad) Custodoni naman eh... pa kiss nga... sige na.....!!! (hinila si Don Custodio at
kumandong)
Don Custodio: Ano ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin din si
Pepay)
Pepay: Custodoni... alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ng pampalibing....
Don Custodio: Tiyahin? Hindi bat tatlong taon nang patay ang tiyahin mo?
Pepay: Ayyy!! Yung kapatid pala nang tiyahin ko.... Sige na kahit 500 lang...
Don Custodio: Oh heto! Sanlibo wala akong barya eh...
Pepay: Salamat Custodio (hahalik kahit beso beso lang at biglang aalis)

Don Custodio: Pepay!!! Tignan mo iyon pera lang yata ang ipinunta sa akin... tsk tsk tsk paano na
ako ngayon? (yuyuko at kukunin ang cellphone) Haha may reserba pa nga pala ako... si Matea! Matext nga iyon
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
SA TAHANAN NG HENERAL
Padre Camorra: Heneral! Ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay bumalik dito at hiniling ang
paglaya ng kanyang nunong may sakit! Ikatlong araw na siyang naparirito, siyay isang kahabag
habag na dalaga!
Heneral: Hala! Sulatan mo ang tenyente ng guwardiya sibil upang palayain ang nuno ng dalaga!
Hindi na nila masasabing tayoy walang habag!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
PATUNGONG UNIBERSIDAD
Juanito Pelaez: Kamusta ang bakasyon, Placcido? Paano ka nag-aliw?
Placido Penitente: Ganoon, Ganito! Heheh at Ikaw?
Napakabuti! Inanyayahan ako ni Padre Camorra ang kura ng Tianni ng siang hapunan. Ang daming
magagandang dalaga roon! Nakilala ko roon ang katipan ng estudyanteng si Basilio! Ang pangalan
niya ay Juli at napakaganda! Ngunit masungit din naman.
Juanito Pelaez: Oh kamusta ang bakasyon Isagani!
Isagani: Mabuti! Mabuti!
( Bababa sa karuwahe si Donya Victorina at Paulita) (Ngingitian ni Paulita si Isagani)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA
Simoun: Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?
Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!
Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo ng
pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin!
Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala din migay
sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.
Simoun: Kung gayoy ilapit mo na lang sila sa akin. Halikat sa silid tayo magusap. Kailangan kong
maipasok ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!
Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun!
Simoun: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago sa mga
bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sa
bilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na mapalaya ang mga
bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga?
Quiroga: Siya siya.. Basta huli malami tao, hah, sinyo Simoun.. Utos Lekisa; hah?
(close curtain)

Scene:
(open curtain)
(Inaya ni Simoun sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Quiroga, DOnya Victorina, Don
Custodio at Paulita na pumunta sa piyesta ng Quiapo)
Placido Penitente: Pelaez, Sino ang magandang dalagang iyon na kasama ni Donya Victorina?
Juanito Pelaez: Iyon si Paulita Gomez na kanyang pamangkin.
(Magkasama si Isagani at Paulita sa likod si Victorina)
Padre Camorra: Napakagandang dalaga! At kasintahan pala niyay aking estudyante!
Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayoy halina
kayo sa loob!
Ang kahong ito ay galling sa piramide ni khufu! Noong una ko itong nakita ay may lamang abo at
isang putol na papel, at doon sa papel na iyon ay natuklasan ko ang katagang lubos na
makapangyarihan! Sa isang kataga ay bubuhayin ko ngayon ang alabok na laman ng kahon
DEMEROF!
Imuthis: Ako si Imuthis! Isinilang ako nuong panahon ng Ameses at namatay noong pananakop ng
mga Persia ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia ay natuklasan ko ang lihim
ng mapagpanggap na haring si SMerdis Sa takot niyang ipamalita ko ang kanyang lihaim.
Ipinanganyay niya ako sa sa pamamagitan ng tulong ng mga paring ehipsiyo! Noong panahong iyon,
ang mga pariy makapangyarihan at siyang namamahala! Umibig ako noon sa isang dalagang anak
ng pari! Siyay minimithi rin ng pari ng Abydos at ang ginaway lumalang ng kaguluhan at
sinangkalan ang pangalan ko! Akoy nasakdal sa salang paghihimagsik! Sa pagtakas ko akoy
hinabol at pinaguusig hanggang akoy mapatay ssa lawa! Buhat sa kabilang buhay ay nakita ko ang
tagumpay ng pagparayat panlilinlang! Nakita kong pinaguusig gabit araw ang dalaga kong iniibig sa
templo ni isis, SI Philae! Tinutugis siya ng pari ng Abydos na walang tigil(Tititig kay Padre Salvi) Ang
tumutugis ay parang malaking bayakang humahabol sa isang munting kalapati! Baliw sa takot at
pagtitiis ang kaawa-awang dalaga! Ah, Pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang
iyong kabuktutan! PARI NG ABYDOS! MAMAMATAY! KAPASTANGAN SA KABANALAN!
MAPANIRANG PURI! HAHAHA!! MAMAMATAY!!! MAPANIRANG PURI! ISINASAKDAL KITA
LAPASTANGAN SA KABANALAN!! HAHAHAH!!!
(Mahihimatay si Padre Salvi)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa kanyang
katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa
ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan. Sa loob lamang ng isang oras,
magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ng mga mag-aaral at
magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan.
Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa pagkakagulo.

Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang isang hukbo at


lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala
bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na kayo!
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita
nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay Padre Salvi na ipinaaabot
kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kayat nanangis ang
Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya ngayon!
Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang akoy buhay! Namatay siya nang hindi
nalalaman na akoy nagbalik para sa kanya!
(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)(MAglalakad si Maria Clara)
Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahon para sa
kanyang iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina nang damdamin.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(nakaupo si Isagani sa isang medyo tagong bangko)
(dumaan sina Paulita, Juanito at Doa Victorina)
Doa Victorina: (nakakapit kay Juanito at feel na feel ang date nila) kay ganda ng gabi... hindi ba
Juanito... kay sarap maglakd sa ilalim ng buwan. Kung sanay... (lumapit kay Isagani at pinalo ng
pamaypay) Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod! Hindi bat ikaw ang
nahilingan kong humanap sa kanya. Baka alam ng tiyuhin mo kung nasaan ito! Abay sabihin niyo na
kung buhay pa siya o patay na... nang makapag asawa na muli ako (titingin kay Juanito at hihigpit
ang hawak) (mukha namang naasiwa si Juanito sa sinabi ngunit ngumiti na rin ito)
(lihim na hinahawakan ni Juanito ang kamay ni Paulita ngunit itoy pumipiglas)
Isagani: Paumanhin seora ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa inyong asawa (galit na
nakatingin kay Juanito at Paulita)
Paulita: Siya nga naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayoy matulungan. Siya nga pala
tiya mauna na kayo ni Juanito kung maaari sapagkat nahulog ko yata ang aking abaniko (tinatago
lang sa likod)
Doa Victorina: (pilit na sinisilip kung ano ang nasa likod ni Paulita) Mabuti pa siguro at mauna na
nga kami ng mucho gwapitong binatang ito at magkasarilinan! Juanito!!! Come on baby!! Come to
mama!! (hihlain si Juanito papalayo) Halika na nga kasi at baka magbago pa ang isip ng pamangkin
ko at hindi kita masolo.
Isagani: At bakit kasama mo na naman ang binatang iyon? Napapansin kong madalas kayong
lumabas ng magkasama, tila may hindi ka sinasabi sa akin. (tatalikod sa kasintahan at uupo sa
bench)

Paulita: (aamuhin ang nobyo) Nagseselos ka ba mahal ko? Hindi ko naman nais na lagi siyang
makasama. Ngunit si lagi siyang iniimbitahan ni Tiya Torina sa tuwing kamiy lalabas. (uupo sa tabi
ni Isagani) Huwag ka nang magtampo sige na.... Gumawa naman ako nang paraan para tayoy
mapag-isa hindi ba? Upang makasama ka kahit saglit lang ay nagawa kong magsinungaling kay
Tiya Torina.
(tatayo si Isagani ngunit nakatalikod pa rin kay Paulita)
Paulita: (siya naman ang tatayo at nakatalikod sa nobyo) Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupuna na
pinag-mamasdan mo ang isang dalagang Pranses.
(lalapit si Isagani na akmang magsasalita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang
kasintahan)
Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi... at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa Pranses
na dalaga.
(lumingon si Paulita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)
Paulita: Kung gayon ay ako pala ang mali...
Isagani: (lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo namang para sa iyo lamang ang aking
mga mata. (haharap si Paulita holding hands at eye to eye) Ikaw lamang ang pinakananais nitong
masdan at titigan. Alam mo namang simula ng makilala kita ay ikaw na ang pinakamaganda sa
aking paningin na noon ay sa bayan ko lang inuukol. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda
ng aking bayan kung wala ang iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya na ang
Pilipinas at pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at mga
pangarap.
Paulita: (pipiglas sa holding hands) Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi raw alipin ang
bayang ito.
(bumalik na si Juanito at Doa Victorina)
Doa Victorina: (nakakapit kay Juanito at may hawak na barbecue) Sige na Juanito hijo... kahit isang
kagat lamang...
Juanito: Hindi na po senyora. Wala po akong gana...
Doa Victorina: Walang gana?! Lagi na lang walang gana!! (lumapit kay Pauilta at hinila ito) Halika
na Paulita at umuwi baka masyado ka nang nahamugan!
Paulita: Dahan dahan Tiya Torina! Magandang gabi at paalam Isagani... (sabay hawaak sa
naghihintay na braso ni Juanito)
Isagani: Amor, que astro eres? Kay hirap mo nang abutin.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga estudyante
ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat silay nabigo sa kanilang
panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.)
Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga
binatang may magagandang kalooban!
Sandoval: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang nakakaalam niyan.

Juanito: Dibat marami na siyang tagumpay? Bakit tayoy hindi man lamang niya hinayaang
magtagumpay? Mabuti naman an gating layunin.
(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)
Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga tao. At
ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan, mga prayle
daw ang may kagagawan.
Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walng ibang nais
kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain.
(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)
Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sanay si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang wala itong
balak pumunta.
Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye
tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.
(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya minabuti na
nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)
Tadeo: Para kay Don Custodio ang panukalang sopas.
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga
prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo ang
tumatangkilik pero sila ng nakikinabang. Tulad n gating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa Pilinas!
Sandoval: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!
(Nagpatuloy ang kasiyahan nila nang biglang)
Tadeo: Tignan ninyo! Hindi bat iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?
Isagani: Masdan ninyot sa karwahe ni Simoun ito sumakay!
Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
BAHAY NI KAPITAN TIYAGO
Kapitan TIyago: Diyatat si Basilio dinakip, Padre Irene?
Padre Irene: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makasasama sa inyo! (Pipilitin
tumayo ni kapitan tiyago)
Kapitan TIyago Huwag! Patay na siya! Pagpalain nawa ang kanyang kaluluwa!
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?
Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay pata na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio? Sino!
Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?

Hingan mo siyang muli ng tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!


Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!
Padre Camorra: Juli!
Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol poi to kay Basilio!
Padre Camorra: Aking tutuparin kung akoy iyong pagbibigyan.
(Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si
Juli paakyat sa kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento)
(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si Basilio.
Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)
Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piata ang aking
kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayoy pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong
nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kimubo si Simoun.)
Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at akoy nakulang kahit wala
akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa
na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil
umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras. Pareho na
tayo ngayon. At sa tulong mo akoy magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng
bango at rangya, ikaw namay gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang mga
gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lampara na may
kakaibang hugis.)
Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo.
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang
pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga
kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas
at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan.
Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. pagkaraan ng
dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang
bomba!
Basilio: Kung gayoy hindi na pala ninyo ako kailangan.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa.
Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring
lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak
ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay.
Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?


Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli.
Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay
hindi na magpapa-api!
Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!
Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o
hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)
Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa
Daann Analogue sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayoy magkita na lamang tayo mamaya.
(At tuluyan nang umalis si Basilio.)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Doa Victorina: Napaka ganda mo ngayon hija!!! Magnifico!! Bonito! Bonito! Hija!! Kamukha na kita
ngayon. Maganda. Iba na talaga pag lahi ng magaganda!!!
Paulita: Salamat Tiya.
(maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)
Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at espirito santo. (magdarasal na parang may ginagawang
ritwal o pray over) Juanito, tinatanggap mo ba bilang asawa ang babaeng ito, magsasama ng tapat
sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?
Juanito: Opo Padre.
Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asawa ang lalaking ito, magsasama ng tapat sa hirap
at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?
Paulita: Opo Padre.
Padre Irene: Ngayon... kayong dalawa ay kasal na.
EXTRA: Wala ba kayong mga kamay?!
Juanito: (itataas ang belo ni Paulita) (hahawakan ang pisngi ni Paulita) (daha dahang ilalapit ang
mukha) May dumi ka sa mukha. (papagpagin ang dumi at ibababa ulit ang belo)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na

pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang
hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.)
Simoun: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani!
Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.
Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang
pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay! Sinubukan
kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si
Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong mangha
sa liwanag na binibigay ng lampara.)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!
Paulita Gomez: Napakagandang ilawan!
Juanito Pelaez: Maraming Salamat Don Simoun.
Paulita Gomez: Maaari nab a naming itong magamit?
Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan.
(aalis si SImoun)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Basilio: Hindi sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nangnumalis si Simoun)
Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa
pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya.

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.


(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na ang
mga bisita nang may nakita silang papel.)
Kapitan Heneral: Nakasulat dito, Mane thecel, pares Crisostomo Ibarra.
Ben Zayb: Isang biro lang iyan!
Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang
saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay
at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang
magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang
mangumpisal.)
Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay
tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim.
Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon
nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito
upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit itoy hindi natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay
nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang
natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot
kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun ang
kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak.
Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre
Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.
(close curtain)
Scene:
(open curtain)
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung kakailanganin ka ng tao
para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon.
Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.
Turtle: Kakanta ulit
(Magsasagwan lahat at si SImoun ang maglalayag ng BAPOR.)
***WAKAS***

You might also like