Malamig na daloy,puno rin ng alab Malinaw ang tubig,amihang maginaw Sa dulo ng batis may pusong busilak Bumugso ang ulan,agos ay ragasa Maitim na patak sa mata'y nagmula Tinahak ang daan sa batuha'y bumangga Pahidin mong marahan ang pumatak na luha Natapos ang bagyo,sumikat din ang araw Maitim na tubig unting naglilinaw Kasunod ng ulan bahaghari'y nasilayan Pait ng kahapon,agos ang tumangay Ulang malakas,dagling titila Malinaw na batis,hiyas ang isda Sa ikabuturan ng pusong dalita Tagaktak na tulo'y maganda ang bunga Makipot ang daan,mahaba pa ang lakbayin Kayamanan mong hirang,malalim pang sisirin Perlas na ngiting yaong susuotin Sa malawak na dagat,mapapawi ang agam-agam