You are on page 1of 1

PARANG MAGHAPON LAMANG"

(Kundiman)
Dahil sa pagsinta na di ko matanto
Nasasayanag na Araw, nawawalang ginto
Nasilaw sa ganda, Naakit ng samyo;
Nangarap-ngarap lang ang kawawang puso!
Ang aking sarili ay di na tutong masyahan;
Ang di nangyayari ay lagi ng inaasam!
Ngunit sa buhay koy ngayon ko lang naramdamang
Katulad koy liwanag na dagling napaparam!(Koro)
Ang buhay koy maghapon lang pala
Tila isang saglit sa akin ang ngumingiting umaga!
May awit ang ibong tanda ng pagasa!
Pagsapit ng hapon, ay!, kay lungkot sa puso kong nagdurusa!
Kung katotohanan ay ganyan,
Bakit sinayang ko yaong unang sigla ng aking buhay!
Di na magbabalik kahit na kaylan man
O! ang buhay pala ay parang maghapon lamang!
Aha! ang buhay koy maghapon lang pala!
Saglit sa akin ang ngumingiting sigla!
Tanawing kay ganda, tanda ng pagasa
Unti-unting dumidilim sa puso kong nagdurusa
Kung katotohanan ay ganyan,
Bakit sinayang ko yaong unang sigla ng aking buhay!
Di na magbabalik kahit na kaylan man
O! Ang buhay pala ay Parang Maghapon lamang

You might also like