You are on page 1of 5

Pangkatang Paguulat

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa : Panahon ng mga Kastila
B. Kagamitan: Larawan, Yeso, Pisara
C. Sanggunian: Libro, Saliksikang Pandaigdig
D. May Akda : Amelia V. Bucu

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na gawain:
1. Pagbati:
Isang magandang umaga sa inyong lahat.
Sa pangunguna ni G. Aldwin Cabanban
2. Pagdarasal:
Sa pangunguna ni Bb. Sophia Isabelle Laguio
3. Pagsisiyasat sa liban:
Sa pangunguna

ni G. Michael Vincent Quine

4. Pagsisiyasat sa kalinisan at kaayusan:


Sa pangunguna ni Bb. Mariza Arevalo

B. Pangganyak:
1. Kastila , Pilipino , Hapon, Amerikano (Hep-hep, Hooray) :
Sa pangunguna nina G. Keith Bryan Perez at G. Rjhay Eligio

C. Pagtakalay sa Aralin:
Sa Pangunguna nina G.Aldwin Cabanban at G. John Stanley Lota
Ang aming paksang tatalakayin ay tungkol sa Kasaysayan ng Wikang
Pambansa noong Panahon ng mga Kastila na sasalamin rin sa lagay ng mga
Pilipino at sa mga suliraning kinaharap ng Pilipinas sa nasabing
pananakop.

Bago natin simulan ang pinapaksa ng talakayan na ito , halina't


ating balikan ang ilang tanong na atin ng nasagot mula sa mga
nakaraang aralin.

(Pagtatanong sa Klase)
Ano ang wika?

Pagbabahagi ng Kaalaman sa klase :


"Ang hindi magmahal sa sariling ay higit pa sa isang hayop at
malansang isda" kataga mula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose
Rizal na nagpapahiwatig na ang ating sariling wika ay marapat lamang
mahalin at tangkilikin, suportahan at ipagmalaki .

Gaano kahalaga ang wika sa isang bansa?


Itoy napakahalaga sapagkat nagsisilbi itong pagkakakilanlan ng
isang bansa at ito ang dahilan ng pagkakaroon ng komunikasyon at
pagkakaintindihan.

Sino ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa?"


Manuel L. Quezon

Ano ang ating wikang Pambansa?


Wikang Filipino
Halina't kilalanin rin natin ang mga Kastila.
Kastila ang tawag sa mga taong nakatira sa Espanya at Espanya
naman ang tawag sa bansang tinitirahan ng mga Kastila na matatagpuan
sa tangway ng Iberya sa Timog Kanlurang Europa.

Pagsisimula ng Talakayan sa Paksa:

(Pagtatanong sa Klase)
Ano ang Baybayin?

(Pagbabahagi ng kaalaman)

Baybayin ang tawag sa katutubong pamamaraan ng pagsulat ng mga


sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito'y hango
sa salitang Kavi, na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito'y bahagi
ng sistemang Brahmic, na nagsimula sa eskriptong Sanskrit. At
pinaniwalaang ginamit noong Ika-4 na siglo hanggang sa Ika-19 siglo.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, mayroong apat na grupo ng
tao ang sinasabing nauna. Una, ang grupo ng mga Negrito na walang
kamalayan sa pagsulat. Ikalawa, ang grupo ng mga Indones, na nagdala
sa Pilipinas ng mga kaalaman tungkol sa alamat, epiko at iba pang
kwentong bayan. Ikatlo, ang grupo ng mga Malay, na sakay ng isang
balangay (dito nanggaling ang salitang baranggay na sistema ng
pamamahala sa komunidad sa kasalukuyan) at sinasabi rin na mga Malay
ang nagdala ng alibata. Ikaapat, ang mga Intsik, na nagturo sa mga
Pilipinong makipagpalitan ng kalakal (Barter) at nakaimpluwensya sa
wika ng mga Pilipino :

Halimbawa:
Susi na nagmula sa salitang Sosi
Toyo na nagmula sa Tauiu
Bago pa man dumating ang mga Kastila ang mga Katutubong Pilipino
ay paraan na ng pagsusulat, pananampalataya at paraan kung paano
mamuhay, ilan sa halimbawa niyan ay ang paniniwala at pagsamba sa mga
anito at ibat ibang espirito ng kapaligiran

Sinasabing may dalawang taong nanguna sa pagtuklas at


Pilipinas, ito'y sina Magellan at Miguel Lopez De Legazpi.
nila na ang Pilipinas ay watak watak kayat binalak nila na
sakupin. Hindi nila itinuro ang Kastila sa mga Pilipino sa
ang nagaral ng Wika ng mga katutubo .

pagpunta ng
Nalaman
ito'y
halip sila

Dagdag sa inyong kaalaman: Pinangalanan ni Miguel Lopez de


Legazpi ang bansang ito na "Filipinas" na hango sa pangalan ng kanyang
hari na si Felipe II.
Sa pagdating ng mga Kastila, maraming nabago sa Pilipinas at sa
mga katutubong Pilipino . Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang
layunin ng mga Kastila. Sa pananakop ng mga Kastila , nagkaroon ng
suliranin sa komunikasyon kaya't iniutos ng Hari ng Espanya na magtayo
ng paaralan at ituro sa mga Pilipino ang wikang Espaol subalit ito'y
hindi pinahintulutan ng mga Prayle na noon ay sakop ang kapangyarihan
sa pamamahala sa paaralan. Kaya't bilang sagot sa kanilang problema ,
ang mga misyonerong Kastila na lamang ang nagaral ng katutubong wika .
Ito'y sa kadahilanang mas madaling matuto ng Wika kaysa magturo ng

wikang kastila at higit na mas magiging kapani-paniwala kung marunong


magsalita ng wika sa Pilipinas ang mga banyaga. Sa panahon ng Kastila
ang dating baybayin na mayroong labing-pitong titik ay napalitan ng
dalawampung titik . (a,b,k,d,e,g,h,i,l,m,n,ng,o,p,r,s,t,u,w,y)
Ang edukasyon noon ay dinidiktahan din ng mga paring Kastila . At
tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagaral. Ngunit matapos ang
labing siyam na taon ay nagkaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad ng
Espanya. Nabigyan ng pagkakataon ang mga mayayamang Pilipino na
makapag-aral sa Europa at ito ay nagdulot ng liberalismo. Doon sa
Europa ay namulat ang mga Pilipino sa modernong ideya nina Locke at
Rosseau. Tinawag ang mga nakapagaral sa ibang bansa na Ilustrado.
Kabilang rito sina Rizal, Lopez Jaena at Del Pilar at marami pang iba.
At nagtatag ng Kilusang Propaganda . Kasunod nito ang pagkakatatag ng
isang pahayagan na tinawag na La Solidaridad, upang tumalakay sa mga
platapormang pagbabago sa Pilipinas.

Matapos sa panahon ng mga Kastila, nagkaroon ng iba't ibang ambag


at impluwensya ang mga Kastila na hanggang sa kasalukuyan ay makikita.
Nagiwan sila ng ilang kaalaman sa pilipino , sa larangan ng
edukasyon , pananampalataya at pamamahala . Sa edukasyon, nagsimula
ang pagtatatag ng mga paaralan at iba't ibang gusali. Sa
pananampalataya ay nagkaroon ng Kristiyanismo na hanggang sa
kasalukuyan ay nagagamit. At sa pamamahala, matapos ang pananakop ay
naitatag ang kauna-unahanh Republika ng Pilipinas. Bilang patunay na
ang wika at salita sa Pilipinas ay naapektuhan ng pananakop ng mga
Kastila. Mayroong ilang salita na naapektuhan o iniwan ng mga kastila
na hanggang ngayon ay nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

You might also like