You are on page 1of 3

Ang Doktor at ang Matalinong Drayber

Sa bayan ng Quezon ay mayroong isang tanyag na doctor na nagngangalang Dr.


Maglonzo. Saan man magpunta ang doctor ay lagi niyang kasama ang kanyang
matalinong drayber na si Ruben.
Minsan habang naghahanda ang doctor sa kanyang speech sa gaganaping
oathtaking ng mga bagong pasang doctor ay di sinasadyang nakita siya ni Ruben.
Habang pinapanood ng drayber ang kanyang amo, nasabi niya sa kanyang sarili na
kaya niya din niya ang ginagawa nito. Kayat lumipas ang mga araw, naging libangan ni
Ruben ang gayahin ang kanyang amo kapag nakatalikod ito.
At isang araw habang nagpapraktis ang doctor ay hindi sinasadyang nakita siya
nito na gnagaya ang bawat kilos, pananalita at galaw. Tila nabigla ang doktor sa inasal
ng kanyang drayber.
Ruben! Anong ginagawa mo? Anong naisip mot ginagaya mo ako? ang wika
ng doctor. Tinitignan ko lang po kung kaya ko ang ginagawa ninyo, ang sagot ng
drayber. Napangiti ang doktor sa sinabi ng drayber. Alam mo Ruben, inabot ako ng
halos sampung taon para lamang sa kung anong mayroon ako ngayon, kayat anong
nakain mo at naisipan mong kaya mo ang ginagawa ko? Sa sinabi ng doktor ay di
naiwasang sumagot ang kanyang drayber; E sir, kayang kaya ko naman talaga yang
ginagawa ninyo. Halos mainsulto ang doktor sa sinabing ito ng kanyang drayber kayat
nagdesisyon ito na makipagpalit ng posisyon sa kanya sa darating na araw ng
oathtaking. Kung gayon Ruben, sa araw ng Martes, ako ang magsisilbing drayber mo
at ikaw ang doktor na magsasalita sa araw na iyon sa harap ng madla, ang wika nito.
Nagulat si Ruben sa sinabi nito at hindi na nagawa pang tumanggi sa takot dahil sa
pagtaas ng boses ng kanyang amo. Sige po kung iyon ang gusto niyo. ang wika ni
Ruben.
At dumating na nga ang araw ng Martes, habang naghihintay ang lahat sa
pagpanik ng doktor ay nagusap ang dalawa sa paghalinhin ng kanilang posisyon.

Ngayong araw na ito ay ikaw ang doctor at ako ang magsisilbi mong drayber. ang wika
ng doctor.
Umakyat si Ruben sa entablado upang simulan ang kanyang speech. Habang
nagsasalita si Ruben ay lumabas ang angking galing nito na halos bumilib si Dr.
Maglonzo nang makitang nakuha niya ang puso ng kanyang manunuod.
Dumako ang programa sa panahon kung saan binibigyan ng pagkakataong
magtanong ang mga manunuod sa nagsasalita. Kinabahan si Dr. Maglonzo dahil
pangalan niya ang nakataya kung sakaling sasablay sa pagsagot si Ruben. Tumayo
ang isa sa nasa harap at nagtanong ng isang importanteng bagay tungkol sa kanilang
propesyon. Batid ni Dr. Maglonzo na siguradong hindi ito masasagot ni Ruben kaya
halos nanginginig na ang tuhod nito nang biglang sumagot si Ruben; Alam niyo?
Nadidismaya ako sa mga bagong doktor ngayon.. Ang simpleng bagay, hindi niyo
alam? Sa sobrang dali ng tanong niyo, alam niyo bang kayang sagutin yan ng aking
drayber? At tinawag nga nito ang tunay na doctor,Ruben! Pumanhik ka nga dito at
sagutin mo ang walang kakwenta kwentang tanong ng mga yan. Dali-dali itong
umakyat at nasagot lahat ng tanong ng manunuod.
Doon napatunayan ng doktor kung gaano katalino ang kanyang drayber, kulang
man ito sa edukasyon, ginamit nito ang kanyang diskarte sa panahon ng kagipitan.

Bataan Peninsula State University


Main Campus
College of Engineering and Architecture

In partial fulfillment of the requirements in Filipino 104 for the degree


of Bachelor of Science in Architecture

Maikling Kwento

Submitted by:
Oliver D. Basco
BSAR 5/2A

Submitted to:

You might also like