You are on page 1of 2

Biag ni Lam-Ang

Biag ni Lam-ang (Tagalog: "Buhay ni Lam-ang") ay isang epikong tula ng mga Ilokano mula sa
rehiyon ng Ilokos sa Pilipinas. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilokano, pinapaniwalaang
na pinaghalong gawa ito ng iba't ibang mga lumilikha ng tula na pinasa sa pamamagitan ng mga
salinlahi, at unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunula na si Pedro Bucaneg.

Siyam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang familia, namundok ang
kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga Igorot. Sa
kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna
ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang
dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agadagadnagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na
mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kasama
ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at
natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa ng mga
masamang Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.
Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog
Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas
mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sailog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba
pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.
Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya
ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay
si Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon
nang nadaanan niya ang isang batong dambuhala (stone giant ) na sumisira
sa palay at tobacosa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak (silver shield ) na minana
saama, nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.
Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na
lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan
ni Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa
isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang matindi si Ines sa
lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad na maging asawa nito.
Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ngbigaykaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.
Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama
ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at
naghanda ng isang bangka na balot ngginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto,
mga alahas,
mga estatua at
iba
pang mamahaling bagay.
Pagbalik
niya
sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami

ngkayamanang dala. Nuong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan
ng 3 taon, nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.
Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang
anak, at sa kanyang mga ninuno (antepasados, ancestors), kailangan niyang
pagdaanan ang makalumang gawi ngpahirap (ancient ritual of sacrifice). Ayon
masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sa sahig ng dagat (sea floor)
upang hanapin ang gintong kabibi ( gold seashell ). Batid ni Lam-Ang na ikamamatay
niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya
at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susuungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pagasa na sagot sa kanya ng mga diyos.
Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit
sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sagintong kabibi sa ilalim ng dagat.
Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan,
ang dambuhalang halimaw na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita
ni Ineslahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan(estufa,
stove), umuga ang hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak na lalaki.
Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.
Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang
mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na inanod ng
dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang
mga buto sa pulang sutla (seda rojo, red silk), tumalikod at nagdasal nang nagdasal.
Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo
uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si LamAng na buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang
anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa
sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.

You might also like