You are on page 1of 3

TAMANG NUTRISYON

TAMANG
T- Tunay ngang ang pagkain ng masustansya
ay sadyang mahalaga
upang ang batang matamlay ay maging masigla
A- Ang batang malusog ay batang masaya
Kataway malakas at laging masigla
M Malinis na lagi ang buong katawan
Sa pananamit at sa paligid man.
A- Ang Pagkain ng sapat
Sa batang payat ay sadyang nararapat.
N- nutrisyon ang tamang sandata
Sa malnutrisyong namiminsala.
G- Gobyerno at mamamayan Magkaisa sa mahalagang
misyon,
Ating kamtin magandang nutrisyon!
NUTRISYON
N - Noon pa man ito na ang ating
pinapangarap.
Malusog na katawan, ating hanaphanap.
Paano kaya natin ito makakamtan?
Halina't pakinggan ang aking mga
kaibigan.
U - Unahin na natin ang pagkain ng
prutas at gulay.

Upang maging masigla ang araw-araw


nating buhay.
Nagbibigay ito nang sigla at lakas sa
ating katawan.
Kaya halina't sabay-sabay natin itong
tikman.
T - Tayo'y kumain din ng karne, isda at iba
pa.
Pandagdag resistensya sa katawan
nating maganda.
Sana lahat tayo'y maging ganito kagana.
Sa pagkain nang tama, balanse at
masustansya.
R - Resistensyang dulot ng gatas ating
kailangan.
Pampahimbing ng tulog at pampalakas
din naman.
Ito'y ating ugaliin sa tuwi-tuwina.
Upang katawa'y palaging masigla.
I - Ikaw ba'y marunong ding magehersisyo?
Kailangan mo ito, pampalakas ng ating
mga buto.
Ugaliin ito sa araw-araw.
Sa paaralan man o sa inyong bahay.
S - Sapat na tulog at pahinga atin ding
kailangan.
Upang trabaho natin ay maging
magaan.
Huwag abusuhin ang ating katawan.
Sapagka't kailangan tayo ng bayan.
Y - Yaman itong maituturing.

Kaya kalusugan ay ating intindihin.


Kaya't tayo na, ating pagyamanin.
Tuwing Hulyo, ito'y ating alalahanin.
O - Oo nararapat din nating pakinggan.
Payo ng ating mga magulang.
Ingatan ang ating katawan.
Palagi natin itong aalagaan.
N - Ngayon na, Ngayon na, Ipagsigawan na!
Para sa katawang masigla,
At para sa bayang masagana.
Tamang nutrisyon ipatupad na!

You might also like