You are on page 1of 1

Tumahimik po tayong lahat ant damhin ang presensya ng ating Panginoon.

Ama namin sa langit, Maraming salamat po sa araw na ito na ibinigay ninyo sa amin.
Itinataas po namin a iyo ang aming palutuntunan sa araw na ito. Naway mapaluguran
ka namin sa munting pagtatanghal na inihanda ng mga mag-aaral at mga guro bilang
pagdiring at pagpahalaga sa wikang Filipino. Ang Wikang Kaloob mo sa amin. Ang
aming sandata tungo sa pagkakaunawaan.Sana po ay maging matagumpay ang aming
palutuntunang ito. Sa paghahatid hindi lamang ng tuwa at aliw , kundi lalot higit ay
magdulot ng pagpapahalaga sa sariling wika. Gabayan naman po ninyo kami upang
makita ng aming mga mata at marinig ngaming mga tenga ang mga aral na ibinibigay
ng aming mga tagapagsalita. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip upang matalos ang
mga bagay na kailangan naming malaman. Patnubayan mo po kami sa aming landas
na piniling lakarin. Sa iyo ang kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon naming
Diyos sa pangalan ng iyong Anak na aming Tagapagligtas. Amen.

You might also like