You are on page 1of 2

Ayon sa aking nakuhang mga sagot sa aking ginawang survey na tungkol

sa paggamit ng social media na application na Facebook na usong-uso


ngayon sa mga kabataan at pati na rin sa mga matatanda, at karamihan sa
kanila Ingles at Tagalog ang gamit nilang wika kapag gumagamit ng
Facebook pero mayroong iba na ang ginagamit nilang wika ay Korean at
Japanese, kaya sila gumagamit ng wika ng ibang lahi ay gusto lamang nilang
pag-aralan ito para maintindihan nila ang mga sinasabi ng kanilang mga
iniidolo sa bansang iyon, gusto nila ang kanilang kultura at maari kapag sila
ay nakapunta sa bansa na iyon ay maiintindihan nila ang mga sinasabi ng
mga tao roon para hindi na sila mahirapan, ang iba naman ay kasama nila
sakanilang trabaho para narin maintindihan nila ang kanilang mga amo o
kliente. Marami talagang tao ang gumagamit ng Ingles sa ating lipunan kahit
nasaan ka ay may mga nag-iingles kahit mahirap o mayaman ay marunong
mag-ingles, ang iba ay nakikiuso lamang kaya natutututong mag salita ng
wikang ingles at kahit na sila ay nakikiuso lamang ay natututo naman sila
kaya maganda na rin ito para sakanilang kinabukasan ngunit kailangan pa
rin nilang pag-aralan ang wikang ingles para maging propesyunal sila o
maayos ang kanilang pag-bigkas sa mga salita. Marami din nagsabi na
nagpapasusyal lamang ang iba sa Facebook kahit ang kanilang nakasanayan
ay Tagalog. Napapansin ko rin ngayon sa kabataan ay ginagamit nila ang
impormal kahit kausap nila ay mas matanda sakanila, mga namimilosopo sila
kahit hindi naman sila mga Philosopher, parang nawawalan na sila ng
galang sa mga nakakatanda sakanila, gumagamit ng salitang balbal, pero

marami pa rin ang mga taong pormal at magalang magkipagusap sa mga


matatanda syempre hindi naman iyon mawawala.

You might also like