You are on page 1of 2

Rosales Christian Dave C.

TH10

12-55541

Reaction Paper
Ito kauna unahang beses kong makaranas na dumalo sa isang seminar tungkol sa
pag nenegosyo at malaman ang ibat ibang uri ng negosyo. Nung una natutuwa ako
kasi makakatulog na ulit ako ng mahimbing kasi komportable at malamig sa silid na
gaganapan ng nasabing seminar. Nag umpisa ang tension ng dumating ang una
naming tagapagsalita sa nasabing seminar si maam Rebecca Catapang. Pakiramdam
ko strikto siya at masungit. Pero hindi pala, mabait, kwela at maaasahan si Mrs.
Catapang sa mga ganung usapin.
Akala ko nung una maliit lang ang kanilang negosyo sa may San Pascual. Maliit lang
kasi ang pwesto at medyo luma na ang mga signboard pero hindi pala madame pala
silang kompanya na natutulungan, mga residente na napaglilingkudan at mga
trabahador na natuturuan at nababahagihan nila ng kaaalaman. Natuwa ako kasi
nalaman ko na kapartner niya sa negosyo ang kanyang asawa. Siguro isang advantage
din un na kakilala mo mismo ang kasama mo sa pagnenegosyo. Mabubuti ang trato nila
sa trabahador nila. Itinuturing na nila na kapamilya ang mga trabahador. Isang mabuting
ugali ng manager na dapat tularan at saluduhan.
Ipinakita niya sa amin kung paano maging isang magaling at madiskarteng
negosyante. At hindi mahalaga kung ano ang wala ka, kundi pagyamanin kung anong
meron ka. Natutunan k okay Mrs. Catapang na always grab the opportunity. Kahit na
malaki o maliit man, ang mahalaga ay napapaglingkudan nila ng maaayos at tama ang
mga kustumer nila. Itinuro nila na ang lahat ng bagay na nagagawa nila sa kapwa nila
ay bumabalik sa kanila. At dapat kahit anong stado mo sa buhay ay stay humble at
keep feet on the ground hindi dapat tayo nanlalamang sa kapwa at dapat tayo ay
tumutulong kung may nangangailangan.
Nakita kong bago palang si Mrs. Aurora Mendoza sa pagdalo sa ganung seminar,
nahihiya pa siya at kinakabahan. Pero ibinahagi niya sa amin ang karanasan nila ng
kanyang asawa sa pag nenegosyo at ang natutunan nila sa kanilang kumpanya dati na
pinagkuhanan nila ng magiging puhunan sa kanilang business na itatayo. Nagumpisa
sila sa konti, natutuhan nilang magtiis at magtyaga. Katulad ni Ms. Catapang dumaan
din ang business nila sa problema at halos muntik na silang sumuko pero hindi nila
ginawa un. Nagsumikap sila, nagsimula ulit sa pag sub-con. At sa kabutihang palad
napalago pa nila ng maayos ang kanilang business. Sa ngayon malaki na ang kanilang
Trucking na business. Dati silang sub con pero ngayon meron na silang ilang kamag
anak nila ang sub con.
At bilang isang accountant magaling siyang magbigay ng benefits sa kanilang
empleyado at natuturuan pa ng kaniyang asawa na mag mekaniko ang kanilang mga
trabahador. At talagang focus sila ng Mister niya sa kanilang business, kahit na anong
mangyari sila padin ng asawa niya ang magtutulungan sa pagpapalago at pagdami ng
natutulungan nilang trabahador sa kanilang business na trucking. At dapat inaapply
naten sa ating buhay ang mga bagay na natututunan naten sa iba gaya ng ginawa
nilang ideya kung paano magtayo at magpalago ng isang business.

Si Ms. Bernice Gonzales ay nagmula na sa pamilya ng businessman. Bata palang siya


ay nakita na niyang magpatakbo ng sariling business ang kaniyang mga magulang. At
pinipilit ng magulang nila na ipasa sa kanya ang nasimulang business na ipagpatuloy at
siya ang mamuno ditto. Bagamat pangarap talaga niya maging isang doctor un ang
kanyang pinag aralan sa kolehiyo. Pero hindi nagtagal tinanggap na niya ang binibigay
na business ng kanyang mga magulang sa kanya. Nag aral siya kung paano
patakbuhin at mga diskarte para hindi malugi at mga bagay na dapat isinasang alang
alang sa pagpapatakbo ng isang business. Sa kanyang batang edad may lima siyang
business na pinapamahalaan ang rental space, dormitory, pawnshop, water refilling
station at isa din siyang myembro ng networking.
Dumalo siya sa ibat ibang seminar at pinag aralan niya lahat ng bagay na sa tingin niya
ay makakatulong sa kanya sa pagpapalago at pagpapalawak ng kanilang mga business
At sabe nila na walang empleyado ang yumayaman. Tama sila, dahil sa konting kita
ditto sa Pilipinas, daming bayadang taxes at mahal ng bilihin. Pag hindi ka talaga
maalam maghawak at mag ipon ng pera mauubos lahat ng pinagtrabahuhan mo.
At dahil sa seminar na ito lalo kong itutuloy ang mga pinapangarap kong business,
nabuhayan ako ng loob at mas lalo ko pang pagsisikapan ang aking pag aaral at
pagyamanin ang kaalaman.kelangang madiskarte sa buhay at think positive palagi.
Walang yumayaman ang takot sumubok sa mga bagay na dapat subukan.

This seminar helps me to see what real world is. Lahat ng bagay nguumpisa sa maliit,
walang magandang bagay na mangyayari kung hindi pinaghihirapan always be thankful
sa mga biyaya na natatanggap at palaging humungi ng gabay sa panginoon sa lahat ng
gagawen. Job well done . Lalo akong magsusumikap para sa aking pangarap,
pangarap ko sa buhay at sa pamilya ko. Let me finished this research paper with a bible
verse. 1 Samuel 18:14 And David had success in all his undertakings, for the lord was
with him. Walang ibinagay ang dyos na pagsubok na hindi naten kayang lampasan,
basta kasama palagi naten siya at palagi tayong magpasalamat sa mga blessings na
dumating saten and God is always here in our sides to teach the right path for us .
thank you.

You might also like