You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PARTIDO STATE UNIVERSITY


College of Education
Goa, Camarines Sur
CELETARIA, MARY JOY C. BSED 2B
WALA NA NGA BA TALAGA?
(Sanaysay ni. Mary Joy Celetaria)
Sabi nga ni Francis Bacon, it is impossible to love and be wise. Tama nga
naman, kasi ako mag iisang taon nang nagpapakatanga para sa isang taong
kailanman ay hindi ko naramdaman ang salitang pagmamahal. Tinatawag ito sa
salitang Ingles na unrequited love. Pero ako, tatawagin ko itong katangahan. Hindi
ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit siya pa, at kung bakit kailangan
itong mangyari sa akin.
Unang araw noon ng iskwela sa kolehiyo. Kamag-aral ko siya at kapareho ko
ring isang normal na estudyante lamang. Kagaya ng isang tipikal na unang araw ng
iskwela, pakilala dito, pakilala doon. Pagpunta niya pa lamang sa unahan upang
ipakilala ang kanyang sarili, napukaw na agad ang atensyon ko para sa kanya.
Kakaiba siya sa ibang mga lalaking kamag-aral ko. Bawat salitang lumalabas sa
bibig niya, alam kong marami itong kahulugan. Umpisa pa lang, alam ko na sa sarili
ko, gusto ko na siya.
Lumipas ang ilang araw, magkakilala na kaming mga magkaklase. Usap dito,
usap doon. Tawanan dito, tawanan doon. Gusto ko sanang makuha ang cellphone
number niya, kaso nagsalita ang konsensya ko wag! Ikaw ang babae!. Nagising
ako sa mga salitang yon. Naisip kong tama nga ang konsensya ko, ako ang babae
kaya magpakababae ako. Nakaisip ako ng magandang paraan para makuha ang
number niya. Hiningi ko lahat ng numero ng kaklase ko sa isa kong kaklase na
naging kaibigan ko na rin. Binigay niya nga sa akin lahat. Sabi ko sa isip ko kung
alam mo lang, isa lang naman ang kailangan ko dito. Ang numero ng taong gusto
ko. Nang gabing iyon, nag group message agad ako sa lahat ng kaklase ko,
siyempre lalong lalo na sa kanya at nagpakilala ako para naman hindi ako ma who
you.
Makalipas ang ilang minute, nagreply agad siya. Magmula nang gabing iyon,
lagi ko na siyang nakakausap sa text. Magaan agad ang loob ko sa kanya. Nagging
malapit kami sa isat isa ngunit lahat ng iyon ay sa text lamang. Hindi nga kami nag
uusap sa personal. Hindi ko kasi siya kayang kausapin, nanginginig ako pag
nandiyan siya. Hindi niya rin ako kinakausap, at hindi ko din alam kung bakit. Dahil
sa kanya, nagawa kong magpaload para sa isang buwan. Dahil siya na lamang ang
taong nagpapasaya sa akin sa araw-araw. Mag isa lamang ako sa boarding house,
at wala akong kausap. Ibinuhos ko sa kanya ang atensyon ko. Naging ganoon
lamang kami ng ilang buwan hanggang sa dumating ang pagkakataon na kinukulit
niya ako kung sino ba ang tinutukoy ko sa mga group message ko. Sino raw ba ang
lalaking gusto ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko hanggang sa ang naireply ko na
laman ay ikaw. Isang salita, isang pagkakamali na siyang mananakit sa puso ko
nang gabing iyon. Hindi ko alam na dahil sa pag-amin ko, madudurog ang puso ko
nang sobra sa sagot niya sorry. Ang salitang sorry ay karaniwang nagpapagaan
ng loob, pero sa mga sandaling iyon, ito ang nagpabigat sa damdamin ko. Alam ko
na ang ibig sabihin, wala siyang nararamdaman sa akin. Hindi ko na siya tineks ng
mga sumunod na araw.
Masakit para sa akin ang pangyayaring iyon. Akala ko may aasahan ako,
akala ko may nararamdaman din siya para sa akin. Balat kayo lamang pala ang
pinapakita niya sa akin. Sa pakikitungo niya sa akin, akala ko pareho kami ng
nararamdaman. Ako lang pala. Nahulog na ang loob ko sa kanya, at hindi niya ako
sinalo. Pumasok sa kukote ko ang mga salitang maraming namamatay sa maling
akala at lahat ng nahuhulog, nasasaktan.

Isang taon na ang nakalilipas magmula noon, at hanggang ngayon, kamagaral ko pa rin siya. Mahirap kalimutan ang isang taong lagi mong nakakasama at
minsan nang nagging parte ng buhay at pagkatao mo. Nagpakatanga na ako sa
kanya noon, at hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay oo pa. Wala na nga ba
talaga?

You might also like