You are on page 1of 7

Ano ang Wika?

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog


na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong may iisang kultura.

Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa


tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika
makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong

angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng


pagsasama-sama
ng
mga
ito
para
magkaunawaan
o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.

Mga Katangian ng Wika

Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa


mundo

May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan


ang isang wika

May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad

May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao


upang ilahad ang

nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang


wika upang
makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)

May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya,


palatunugan at diin.

Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

May
masistemang
balangkas
morfema,semaniks at sintak.

Binubuo ng tunog, arbiraryo, kakanyahan at dinako.

na

binubuo

ng

fonema,

Mga teorya ng Wika

Teoryang Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng


tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga
primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha
ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag
ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang
mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi bat nagsisimula sila
sa panggagaya ng mga tunog, kung kayat ang tawag nila sa aso ay

aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang
tawag sa aso halimbawa sa ibat ibang bansa gayong ang tunog na
nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

Teoryang Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon


teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi bat siya y napapa-Aray! Samantalang
ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung
tayoy nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

Teoryang Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond


(sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Hindi nga bat tayoy nakalilikha rin ng
tunog kapag tayoy nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anong tunog
ang nililikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng mabibigat na bagay,
kapag tayoy sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay - Likas sa mga sinaunang tao ang


mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng
sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika
raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalaunay nagpapabagu-bago at nilapatan ng ibat
ibang kahulugan.

Teoryang Ta-ta - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw


ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon
ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalaunay nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang
Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang
pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila
kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

Teoryang Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw


ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog
na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay

na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling


tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalaunay nagpabagu-bago
at nilapatan ng ibat ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.

Teoryang Mama - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga


pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga
naman ang mga bata. Sa una y hindi niya masasabi ang salitang
mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.

Teoryang Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na


ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.

Teoryang Hey you - Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng


linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa
mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang
(Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o
sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Teoryang Coo Coo - Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa


mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang
ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay
sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Teoryang Yum Yum - Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng


teoryang ito ang tunog at kilos ng pangangatawan. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng wika.

Teoryang Babble Lucky - Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay


nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas
ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Teoryang Hocus Pocus - Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang


pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw
kasing nooy tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.

Teoryang Eureka! - Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang


ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda
ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong
kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng
mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

Mga Kahalagahan ng Wika

Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi
maging sa mga ibang bansa rin.

Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;

Ginagamit ito upang malinaw


damdamin at kaisipan ng tao.

Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;

Mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Sumasagisag sa pambansang pagkakakilanlan.

at

efektivong

maipahayag

ang

Mga Kaantasan ng Wika

Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga


kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na
kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino

Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"

Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o


paaralan

Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na


lugar o pook.

Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang


ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na
grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring
nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.

Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa


Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao

Mga Tungkulin ng Wika

Instrumental -nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga


tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin.
Halimbawa:
Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema.

Regulatori -nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na


kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid.
Halimbawa:
Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.
George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.

Representasyonal

-ang
wika
ay
ginagamit
upang
makipagkomyunikeyt,makapagbahagi
ng
mga
pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba.
Halimbawa:

Dominic: Alam mo ba na ang


pahayag na God be with ye?

salitang goodbye ay nagmula sa

Jaja: A,talaga?

Interaksyional -ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na


mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyang
kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw na pagbati at pagbibiruan.

Halimbawa:
Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.
Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.

Personal

-nagagamit din ang wika upang maipahayag ang


personalidad ng isang indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan.
Halimbawa:
Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo
Nelo: Balato naman diyan.

Heuristic -ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao


ng ibat ibang kaalaman.Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga
tanong,pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon bilang
kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.
Halimbawa:

Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at


hindi basta wika,ito
ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen
language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa
pagbabago.Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa
pagbabago ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at umunlad.Ang
wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay
na wika.

Imahinatibo -isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa


nitong hayaan ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon
na tumutulong sa knya upang siya ay maging artistic.
Halimbawa:

Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin
mu sa kanya?
Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay
ako sa paraang
gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang
kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon.

You might also like