You are on page 1of 3

Para saakin ay totoo na ang Pilipinas ay maraming wika at ito ang

nagpapayaman sa atin at sa mga wikang ito ay mas sarisariling dayalekto,


ayon kay constantino, marami pang wika sa Pilipinas ang hindi pa
naututuklasan sa tingin ko rin ay maaring maraming wika pa ang hindi pa
natutuklasan marahil ay kakaunti lamang ang gumagamit. Sa wika naman
ang mga ginagamit natin sa bahay ay ang tagalog ngunit sa mga probinsya
ay ang mga sariling dayalekto nila, ang mga wika sa Pilinas ay may sarisariling ibig-sabihin, paraan ng pagsasalita nila dito, at dito mo makikilala
kung saang probinsya sila nabibilang dahil sa mga dayalekto na rin nila.
Mayroong mga multilingual rin naman sa Pilipinas at sa tingin ko ay marami
ang mga ito, sa mga kabataan pa nga lang, marami na silang alam na ibang
wika ng ibang bansa dahil na rin sa social media at kakapanood nila ng mga
palabas ng mga taga-ibang bansa, ngunit sa tingin ko ay nagiging bilingual
sila pagdating sa reality kung tawagin nila, na ang ginagamit lamang nila
ay ang wikang Filipino at English, marahil ay ayaw nilang pagtawanan ng
ibang tao na sabihin ay ano ba pinagsasabi niyan?,nababaliw na ba siya
at kung ano-ano ang pinagsasabi?. May mga kabataan na ganyan mag-isip
at may mga tao naman na kung makapanghusga ay akala mo kung sino sila,
ikaw pa itong pagtatawanan sapagkat ikaw ay gumagamit ng ibang wika na
hindi lang nila naiintindihan. Sa rehiyong Cordillera Administrative mismo,
maraming wika at wikain ang matatagpuan, karamihan ay ang mga kalinga
sa Hilagang Luzon ay ang maraming gumagamit ng mga wika, mahahati pa
raw ito sa siyam na mga dayalekto, at may isang sikat na dayalekto ang

kanilang ginagamit, ang dayalekto ng Guinaang, mga 15,000 na katao raw


ang gumagamit nito, isipin nyo sa isang dayalekto pa lamang ay marami na
ang gumagamit, paano pa kaya kung sa ibang wika pa, talagang mayaman
sa wika ang Pilipinas. Ang wikang Guinaang ay maituturing na wikang Iloko,
Tingguian, Isneg, Atta at Gaddang. Sa mga nabanggit ay isa lamang ang
alam ko at ang iba ay hindi na, may mga kapamilya rin pala ang mga wika.
Ang wika ay natural na natutunan ng tao dahil dito ay makakapag-usap tayo
sa ibang tao, masasabi natin ang mga gusto nating sabihin, para
maintindihan tayo ng mga tao at para makapagintindihan tayo. Filipino ang
standard na wika sa Pilipinas, kapag pumunta ka sa mga probinsya at hindi
mo alam kung paano gamitin ang wikang kanilang ginagamit ay
maiintindihan ka pa rin nila dahil ikaw ay nagtatagalog ngunit may mga
panahon na hindi mo sila maiintindihan pero alam kong ipapaliwanag pa rin
nila ito sa iyo, ganyan kabait ang mga Pilipino. Ito rin ang wikang tinuturo sa
paaralan, sa mga naninirahan sa ibang bansa ay dapat alam pa rin nila ang
wikang Pilipino dahil mga Pilipino pa rin sila, sabi nga ni Jose Rizal Ang hindi
magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda. Pag
dating sa mga ganyang issue ay naiinis ako, mga Pilipino kinakalimutan nila
ang mga pinang-galingan nila, mga pasosyal lang naman, porket nakapunta
lamang ng ibang bansa ay kakalimutan na lamang nila ang kanilang naging
unang tirahan, mayroon ring issue na ang mga magulang ay tinuturuan nila
ang kanilang mga anak ng English sa umpisa at hindi ang Filipino, mga
pasosyal lang din pero may mga iba na kaya nila tinuturo ang English sa

umpisa ay marahil ay mas naiintindihan nila ito kesa Filipino at bahala na


ang kanilang mga anak sa pagtuklas ng wikang Filipino para may thrill
naman silang magagawa sa kanilang buhay. Maganda kapag ganyan ang
pagiisip ng iyong mga magulang, sinisimulan nilang turuan ang kanilang
mga na maging independent.

You might also like