Para saakin ay totoo na ang Pilipinas ay maraming wika at ito ang
nagpapayaman sa atin at sa mga wikang ito ay mas sarisariling dayalekto,
ayon kay constantino, marami pang wika sa Pilipinas ang hindi pa naututuklasan sa tingin ko rin ay maaring maraming wika pa ang hindi pa natutuklasan marahil ay kakaunti lamang ang gumagamit. Sa wika naman ang mga ginagamit natin sa bahay ay ang tagalog ngunit sa mga probinsya ay ang mga sariling dayalekto nila, ang mga wika sa Pilinas ay may sarisariling ibig-sabihin, paraan ng pagsasalita nila dito, at dito mo makikilala kung saang probinsya sila nabibilang dahil sa mga dayalekto na rin nila. Mayroong mga multilingual rin naman sa Pilipinas at sa tingin ko ay marami ang mga ito, sa mga kabataan pa nga lang, marami na silang alam na ibang wika ng ibang bansa dahil na rin sa social media at kakapanood nila ng mga palabas ng mga taga-ibang bansa, ngunit sa tingin ko ay nagiging bilingual sila pagdating sa reality kung tawagin nila, na ang ginagamit lamang nila ay ang wikang Filipino at English, marahil ay ayaw nilang pagtawanan ng ibang tao na sabihin ay ano ba pinagsasabi niyan?,nababaliw na ba siya at kung ano-ano ang pinagsasabi?. May mga kabataan na ganyan mag-isip at may mga tao naman na kung makapanghusga ay akala mo kung sino sila, ikaw pa itong pagtatawanan sapagkat ikaw ay gumagamit ng ibang wika na hindi lang nila naiintindihan. Sa rehiyong Cordillera Administrative mismo, maraming wika at wikain ang matatagpuan, karamihan ay ang mga kalinga sa Hilagang Luzon ay ang maraming gumagamit ng mga wika, mahahati pa raw ito sa siyam na mga dayalekto, at may isang sikat na dayalekto ang
kanilang ginagamit, ang dayalekto ng Guinaang, mga 15,000 na katao raw
ang gumagamit nito, isipin nyo sa isang dayalekto pa lamang ay marami na ang gumagamit, paano pa kaya kung sa ibang wika pa, talagang mayaman sa wika ang Pilipinas. Ang wikang Guinaang ay maituturing na wikang Iloko, Tingguian, Isneg, Atta at Gaddang. Sa mga nabanggit ay isa lamang ang alam ko at ang iba ay hindi na, may mga kapamilya rin pala ang mga wika. Ang wika ay natural na natutunan ng tao dahil dito ay makakapag-usap tayo sa ibang tao, masasabi natin ang mga gusto nating sabihin, para maintindihan tayo ng mga tao at para makapagintindihan tayo. Filipino ang standard na wika sa Pilipinas, kapag pumunta ka sa mga probinsya at hindi mo alam kung paano gamitin ang wikang kanilang ginagamit ay maiintindihan ka pa rin nila dahil ikaw ay nagtatagalog ngunit may mga panahon na hindi mo sila maiintindihan pero alam kong ipapaliwanag pa rin nila ito sa iyo, ganyan kabait ang mga Pilipino. Ito rin ang wikang tinuturo sa paaralan, sa mga naninirahan sa ibang bansa ay dapat alam pa rin nila ang wikang Pilipino dahil mga Pilipino pa rin sila, sabi nga ni Jose Rizal Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda. Pag dating sa mga ganyang issue ay naiinis ako, mga Pilipino kinakalimutan nila ang mga pinang-galingan nila, mga pasosyal lang naman, porket nakapunta lamang ng ibang bansa ay kakalimutan na lamang nila ang kanilang naging unang tirahan, mayroon ring issue na ang mga magulang ay tinuturuan nila ang kanilang mga anak ng English sa umpisa at hindi ang Filipino, mga pasosyal lang din pero may mga iba na kaya nila tinuturo ang English sa
umpisa ay marahil ay mas naiintindihan nila ito kesa Filipino at bahala na
ang kanilang mga anak sa pagtuklas ng wikang Filipino para may thrill naman silang magagawa sa kanilang buhay. Maganda kapag ganyan ang pagiisip ng iyong mga magulang, sinisimulan nilang turuan ang kanilang mga na maging independent.