You are on page 1of 3

Una at huling tula na isusulat ko, tungkol sayo.

Ito na ang una at huling tula na isusulat ko, tungkol sayo,


Hindi ko man alam kung ano ang kalalabasan,
Kung maganda, mahaba man o maikli, makakabisado koman o hinde,
Pero, kailangan konang ilabas ang aking nararamdaman,
Kaya kahit abutan man man ako ng umaga, kailangan ko tong tapusin,
Ng maalis na ang sakit at puot sa aking damdamin,

Kaya ito na, sisiumulan kona sa umpisa,


Dalawang Taon,
Dalawang taon na, simula nung sinagot mo ako,
Dalawang taon na, simula nung sinabi mo na mahal na mahal mo ako,
Dalawang taon na, simula nung sinabi mo na papakasalan mo ako,
Dalawang taon na simula nung sinabi mo na hindi mo ako iiwan,

Ako naman tong si tanga, naniwala kahit na alam ko,


Na lahat ng mga pangako ay nakatakdang mapako,
Pinaasa mo ng lubos ang aking puso,
Pinatibok mo muna ng mabilis, bago mo pinako,

Ginawa ko naman ang lahat pero bakit, kulang parin,

Hindi kona alam kung anong gagawin,


Para ang relasyon natin ay patagalin,
Dahil kahit anong gagawin ko, lahat ay kulang parin,

Lahat ng mali ko ay iyong napapansin,


Subalit, ang mga mabuting nagawa ko, binabalewala mo parin,
Tao lang rin ako, napapagod rin.
Masakit man isipin na yung taong mahal mo, ayaw na sayo,
Pero, wala kanang magagawa, kase mas masakit pag pipilitin mo,

Dahil, May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan,
May mga tao na kahit na napapasaya ka ay kailangan mong iwasan.
May mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan,
At may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang mahihirapan
dahil may mga bagay na kapag pinagpipilitan, sa huli ikaw rin ang masasaktan.

Pero, kung sakaling magbago man ang isip mo, ako ay andito parin,
Naghihintay na iyong muling saluhin,
Dahil kahit gaano pa kasakit, ang dinulot mo sa pusong ito,
Alam kong kaya mo parin itong patibukin,
Di kona alam kung anong gagawin,
Nahulog na ang buwan at bitwin ako ay naghihintay parin,
Umulan na ng yelo, ako ay umaasa parin,

Pero, sige.. Pipilitin ko nalang tanggapin,


Na oo, yung babaeng pinakamamahal ko, ayaw na sa akin,
Na yung babaeng pinaka gusto kong pakasalan, tumalikod na sa akin,
At kahit ano man ang aking gagawin, akoy kulang parin.

Pero sana naman, kahit ayaw mona sa akin,


Lahat ng ala-ala natin ay maalala mo parin,
At sana maalala mo rin, na may isang Angelo Arquiza na nagawa mong
pasayahin,
Na may isang Angelo Arquiza na minahal ka ng totoo,
Di na kita pipilitin, dahil alam kong Masaya kang wala ako,
At Makita kalang na Masaya, Masaya na rin ako.
Ayon, tapos na. Ang una at huling tula na isusulat ko, para sayo.

Author: Angelo Fernandez Arquiza

You might also like