You are on page 1of 8

Si Stephen

Si Stephen ay isang mabuting bata at masipag na estudyante ng University of the


Philippines sa Diliman at kumukuha ng kursong Mechanical Engineering. Hindi man siya
nakapasok sa skolar ng paaralan pero masumikap niya paring pinapataas ang kayang mga grado
sa bawat subject upang ang kanyang mga magulang, tito at tita na pinagtutulong-tulungan siyang
pag-aralin at nagbibigay ng baon sakanya ay maibsan man lang ang hirap na nararamdaman sa
kanilang pagta-trabaho upang matustusan ang kanyang pagaaral. Siya ay tumutulong din sa mga
gawaing bahay, hindi lang yan, si Stephen ay working student din sa isang fast food sa may
Fisher Mall sa Quezon Avenue. Gusto niya rin kasing matulungan ang kanyang sarili upang may
mabili din siya para sa kanya at para rin sa hindi inaasahang pagkakataon na kailangan ng pera
ay may maihuhugot siya sa kanyang mga bulsa. Nalalapit na rin ang kanyang pagtatapos sa pagaaral, huling 2 taon nalang niya sa kolehiyo sa taong kasalukuyan at kahit mahirap pagsabayin
ang pagaaral at pagtatrabaho lalo na at konting panahon nalang ang ginugugol upang siya ay
makatapos, madami narin at mahihirap ang binibigay ng mga propesor na mga proyekto sa
kanila ng kanyang mga ka-klase at mga kaibigan. Ngunit kahit na ganoon kahirap ay pinipilit
niya parin at sa kabutihang-palad ay natatapos niya lahat ng iyon kasabay ng pagtatrabaho.
Pala-kaibigan si Stephen kaya madami rin siyang nakikilala sa kanilang campus.
Ngunit mapili siya sa mga tinuturing niya talagang kaibigan, inoobserbahan niya muna ito kung
totoo at mapagkakatiwalaang kaibigan ba ang mga nakikilala niya. Mas madami ang kaibigan
niyang babae kasi masaya daw sila kasama at kadalasan ay totoo sa kaibigan at higit sa lahat ay
nalalayo siya sa mga hindi makabuluhang bagay na dapat ay hindi basta-basta nagagawa ng
isang lalaki o babaeng estudyanteng masumikap na pinapataas lagi ang kanyang mga grado. Sa
isang pagkakataon kasi ay madalas sumasama si Stephen sa kanyang mga tunay na kaibigan na

lalaki ngunit sa hindi niya inasahang pagkakataon ay medyo napabayaan na niya ang pagaaral
nya sa kadahilanang hindi pagpasok sa ibang subjects dahil sa paglalaro ng mga computer
games. Nahalata yon ng kanyang propesor sa Physics2 at kinausap siya pagkatapos ng kanilang
klase. Sinabihan siya na Stephen, ano bang nangyayari sayo? Pwede bang humiwalay ka muna
sa mga kaibigan mo kasi napapabayaan mona ang pag-aaral mo at bumababa narin ang iyong
mga grado, hindi naman masama sumama sa mga kaibigan mo at magpakasaya kayo pero sana
man lang ay lilimitahan mo yang pagsama mo sakanila, kung alam mo naman na may
napapabayaan kana eh humiwalay kamuna sakanila. Pero nasa saiyo yan kung anong desisyon
mo at agad sinabi ni Stephen sa kanyang propesor na Opo sir, alam ko naman po yun at
napapansin ko narin sa sarili ko iyon. Kaya lilimitahan ko napo ang pagsama sakanila at
papasok na po ako sa lahat ng subjects ko.
Kaya nagbago na si Stephen, napansin ito ng kanyang mga kaibigan na bakit hindi
na siya sumama sa kanila. Ang sagot naman lagi ni Stephen ay may gagawin pa ako at wala
akong pera kaya pag may klase sila at nag-aya na maglaro ay panay dahilan nalang siya. Pero
kung wala naman ginagawa at free time niya ay sumasama rin naman siya minsan upang wala
naman masabi na iba sakanya ang kanyang mga tunay na kaibigan. Tunay naman ang mga
kaibigan niyang lalaki at mapagkakatiwalaan naman, yoon nga lang ay adik sa paglalaro ng
computer games. Sa ngayong semestre ay madalas na niyang kasama ang mga kaibigan niyang
babae kasi walang kinaka-adikan at mas lalo siyang nasisipag sa pagaaral pag kasama niya ang
mga ito.
Nasa eskwelahan si Stephen, habang nagpapalipas oras para sakanyang sususnod
na subject, ay may nakilalang siyang bagong kaibigan, ang pangalan nya ay Simon. Si Simon ay
nagbukas ng kanyang problema kay Stephen galing sa nakaraan na hanggang ngayon ay

pinagsisisihan nya parin kung bakit niya nagawa. Noong bata padaw kasi si Simon sa unang
baitang ng pagaaral sa elementarya ay talagang sobrang kulit ni Simon lalo na pag nasa loob na
nang paaralan kahit guro ay binibigyan nya ng konsumisyon. Isang araw daw ng makipaglaro ng
habulan si Simon sa kanyang mga kaklase sa labas ng silid-aralan ay tinawag siya ng kanyang
guro na sabihan daw ni Simon ang kanyang mga kaklase na papasukin na ito sa silid-aralan dahil
tapos na ang oras ng kanilang break time. Agad na sumunod si Simon at sinabihan na ang ibang
mga kaklase na pumasok na sa silid-aralan sabi ng kanilang guro. Pumasok na ang ibang kaklase
ni Simon ngunit ang iba ay pasaway at naghahabulan parin sa gitna ng field, hindi naman
mapigilan ni Simon kaya sa kanyang pagka-inis ay humawak siya ng bato ay ibinato niya sa
lupa. Hindi naman nya inaasahan na tatalbog ang bato at sakto ay tumatakbong paparating ang
isa nyang lalaking kaklase sa pinagtalbugan ng bato at saktong tinamaan ito sakanyang noo at
malaki ang sugat na natamo. Nataranta ang bawat isa sakanila at dinala agad sa pagamutan ang
kaklase nya. Pinatawag ang mga magulang ni Simon at dahil nasa ibang bansa ang kanyang mga
magulang ay ang kanyang Guardian ang nagpunta, ang kanyang lolo at lola, kahit na ilang beses
sabihin ni Simon na hindi niya sinasadya eh walang nagawa ang dahilan nya upang
masolusyonan ang problemang ginawa ni Simon. Napagkasunduan nalang na bayaran ang
gastos sa pagpapagamot ng kaklase. Matapos ang problema naiyon at paguwi sa bahay ay ilang
beses pinagalitan at pinarangalan si Simon ng kanyang lolo at lola. Bandang huli ay talagang
sobrang pinagsisisihan na ni Simon ang kanyang mga nagawa.
Ang ipinayo nalang ni Stephen kay Simon ay huwag na huwag mo nang uulitin
iyon at alam mo naman na hindi sa lahat ng oras na gawin mo ay walang masamang mangyayari
sayo o sa iba. Hanggang sa natapos ang kwento ni Simon kay Stephen at pumasok na sila sa
kanilang mga silid-aralan sa oras ng subject na iyon. Pagpasok ni Stephen sa silid-aralan ay may

nakatabi siyang hindi niya ganon kakilala na kaklase nya pala sa oras na iyon, ang pangalan ng
kaklase ay JJ, at hanggang sa nagkausap sila etc. etc. Dumating na sa puntong nagbukas din ng
problema si JJ kay Stephen. Noong elementarya hanggang sa nag- hayskul si JJ ay labas-masok
sa opisina ng kanyang pinagaaralan sa kadahilanang pam-bubully sa mga kaklase. Ang sabi pa ni
JJ kay Stephen ay meron daw siyang mga kaklase na lalaki na talagang naiinis nalang daw siya
bigla at nayayabangan pagkatapos ng klase ay iinisin ni JJ yon at pag nagkainisan na ay
hahamunin na nya ito ng suntukan. Wika pa ni JJ sakanya ay isa padaw sa bugaw yung mga
tropa nyang lalaki sakanya kapag nangaasar siya ng kaklase kaya talagang mapupunta sa
suntukan. Halos araw araw ay nang-bubully si JJ sa mga kaklase nya lalo na sa kinaiinisan nya
na nagngangalang Adonis na wala naman daw ginagawa sakanya ay pilit niya paring inaaasar.
Dumating padaw sa puntong kung suntok-suntokin nya ito ay ganun ganun nalang kaya ang mga
braso ay puno ng pasa. Napansin na ito ng mga magulang ni Adonis ngunit ang palagi lang
sinasabi ni Adonis sa kanyang mga magulang ay hindi nya alam kung bakit sya nagkakapasa ng
ganoon at dugtong pa ni Adonis ay wala lang daw iyon. Hindi lang si Adonis ang binully ni JJ
nang ganoon, mayroon ding iba ngunit hindi ganon ka-lala kagaya kay Adonis. Hanggang sa
dumating na yung pagkakataon na nalaman na ng mga magulang ni Adonis kung bakit lagi
nalang ay may mga bagong pasa si Adonis sa kanyang mga katawan. Tinanong ng maayos ng
magulang ni Adonis kung ano ba ang nangyayari sakanya sa iskwelahan at ano ang problema ng
anak nila at nagbukas si Adonis ng kanyang problema sakanyang mga magulang na bin-bully
siya ng isa niyang kaklase na nagngangalang si JJ, kinabukasan ay nagpunta agad sa skwelahan
ang mga magulang ni Adonis at ipinatawag si JJ sa opisina ng skul. Kinausap si JJ ng mga
magulang ni Adonis, galit nag alit ang mga magulang ni Adonis at ang ama ay halos gusto nang
sapakin si JJ. Ipinatawag ang mga magulang ni JJ at napagkasunduan na hinding hindi na

mauulit ang ginawa ni JJ kay Adonis. Nangako na si JJ kay Adonis at sa kanyang mga magulang
na hinding hindi na nya ulit ito gagawin kay Adonis. Hanggang sa lumipas ang panahon na
naging magkaibigan na si JJ at Adonis at doon lang napag-isipan na mabait at mapagkumbaba
naman pala si Adonis sa kahit na sino mang mga kaklase nya at kahit na sino mang makilala nya.
Humingi ng tawad si JJ kay Adonis at pinagsisihan na daw ni JJ ang ginawa nya kay Adonis,
agad naman siyang pinatawad ni Adonis. Ang dugtong pa ni JJ kay Stephen ay, badboy siya
nung bata pa siya, pero nagbago na daw siya kaya hindi na nya gagawin pa ito sa iba.
Agad na sinabi ni Stephen kay JJ na... HAHAHAHA! OH BAD BOY KAPALA
DATI EH, MABUTI NAMAN AT HINDI MONA DINALA YAN SA PAGIGING COLLEGE
MO. Agad naman na sinabi ni JJ na... ahahaha oo nga eh. mabuti nalang nagbago nako,
masama pala na nam-bubully sa ibang tao. Kaya ngayon galit na ako sa mga taong nambubully.
Sabi ni Stephen ay Nice! Galit kana sa dati mong ugali. Hahaha! Sabi ni JJ haha oo nga eh!
. Hanggang sa nagpatuloy ang kanilang klase.
Natapos na ang klase ni Stephen, bandang mag-aalas-3 na nang hapon noon. At
nag-iisa nalang siya, nagpalipas muna ng oras si Stephen sa field ng kanilang campus, humigit 40
minutos siyang nakaupo at nagbabasa ng libro doon. Habang nagbabasa ay may lumapit na
isang babaeng nagtanong sakanya kung bakit siya lang daw ang magisa doon at walang kasama
at kung may iniintay daw ba si Stephen. Nabanggit ni Stephen na siya lang daw ang magisa
doon, walang inaantay at nagpapalipas oras lamang kasi daw ay tirik pa ang araw noon oras
nayon, kaya inaantay nya munang lumilim bago siya umalis ng campus. Sabi naman ng babae ay
pwede daw ba siyang sumabay sakanya sa pagbabasa at sa paguwi kasi magisa lang din daw
siya. Agad na um-oo si Stephen.

Nagpakilala ang babae na si Mary Mae at nagpakilala din naman si Stephen


sakanya. Nagpakilala sila ng saloobin nila sa isat-isa at nagkasundo naman sila. Sakto ay
parehas naman sila ng paguugali na makulit, malambing, mabait, mapagbigay, madaldal, moody
at kung ano ano pa. Basta nalang nagustuhan nila ang ugali nila sa isat isa kasi napansin nila na
totoo sila parehas. Naging close sila sa isat isa at naging tunay na magkaibigan, pagkatapos
noon, inaya ni Stephen na kumain muna sa labas si Mary Mae. Pumunta sila sa Fisher Mall,
pagkatapos noon ay namasyal at ipinakita ni Stephen kung saan sya nagta-trabaho doon. At
hanggang sa kasalukuyan ay magkaibigan parin sila. Kapag may problema ang isa sakanila,
nandiyan ang isa para damayan sa problema. Ganoon naman talaga kapag tunay na kaibigan,
nagdadamayan sa isat isa at hindi nagiiwanan, dapat din nagbibigayan at nagpapakumbaba.
Lumipas ang ilang araw, naalala ni Stephen ang iba sa kanyang kaibigan na
nagbukas ng problema sa kanya at napagtanto ni Stephen na lahat ng problemang galing sa
nakaraan na ibinukas sakanya ng mga bago niyang kaibigan ay parehas din sa kanyang nakaraan
at sa kasalukuyan.

KONEKSYON

HINDI KONEKSYON

Adonis

University of the Philippines

Pinagaaral ng magulang pati ng


tito at tita

Lugar
Working student

Binuksang problema ng mga


bagong kaibigan

Mary Mae
Simon

Bully

JJ

Bad Boy

Mechanical Engineering

Kolehiyo

Stephen

Labas-pasok sa opisina ng skul

Skolar

Elementarya at hayskul
Palakaibigan
Ma-obserba ng mga kaibigan
Napabayaan ang pagaaral
Nagbago
Palaging sumasama sa mga
babae

Bakit sa dinami- rami ng paksa iyan ang napili mo?


Ito ang napili ko sa dinami rami ng paksa kasi ito na yung naisip kopo na kapag
naibalik ko yung nakaraan ko ay ito yung mga una kong maaalala kasi alam ko sa sarili ko na
talaga iba ako dati, na talagang makulit ako, pasaway, bad boy, bully nung nasa elementarya at
hayskul. Kasi naisip ko na kapag maangas ka at walang kinatatakutan sa paaralan ay wala ni
sino mang ibang mangtitrip sayo. Pero mali pala, napagisip-isipan ko na hindi pala nababase sa
angas, laki ng katawan, pagiging bully or etc. ang tunay na lalaki, nababase pala ito sa kung
anong ugali meron ka. Kaya mas maganda pang umiwas sa gulo kesa naman sa humalo kapa eh
wala naman patutunguhan yon at problema lang ang dala niyan sayo at sa pamilya. Ganoon din
naman si Stephen na kapag palaging sumasama sa mga kaibigan na para maglaro ng computer
games ay sasaya ka na nang sobra, ngunit hindi pala. Libangan lang pala iyon dahil ang tunay na
sasaya ka ay kasama ang mga kaibigan mo na walang ni isang bagay o tao na naaapektohan sa
mga pinag-gagagawa ninyo. Kaya dapat kung ano yung unahin yun muna dapat, hindi yung
kung kelan molang maisip na gawin o kahit pag tinatamad ka ay hindi mona gagawin o
papasukan. Atsaka lahat naman ng tunay na kaibigan mo ay hindi masama ang intension sayo
dapat nga sila pa yung dapat nandyan sayo kapag kung sakaling naliligaw ka nang landas. Kasi
hanggang sa huli naman kayo parin naman yung dapat na magkakasama eh at nagdadamayan sa
isat isa. Kung nandyan siya para sayo, dapat nandyan karin kapag kailangan ka naman nya,
maging fair ka sakanila. At lahat naman tayo ay nagsisisi rin sa mga kasalanang nagawa natin,
hindi naman basehan kung gano kasama o gano ka babaw o kahit na ano mang kasalanan ang
nagawa mo basta hinding hindi mona ulit gagawin yon at pinagsisihan mona. Dapat kung
nakagawa ka ng ganong klaseng mga kasalanan, dapat sa susunod na gagawa ka, hindi na
kasalanan dapat kabutihan na kasi para sayo at para satin din naman iyan.

You might also like