You are on page 1of 4

ANG EBOLUSYON NG KAISIPANG PAMPULITIKAL NI DR.

JOSE RIZAL

Sinabi ni Claro M. Recto na Nationalism is nourished by a sense of history. It is


of its essence to know profoundly the past, so that we may be in complete openness
with the men who made that history and in intimate communion with their thoughts, their
deeds and their noble lives. Ang nais niyang iparating sa sinabi niya ay malaki ang
naging kontribusyon ng ating mga magigiting na bayani upang mabuhay ang diwang
makabayan ng mga Pilipino. Naranasan at nakamtan ang minimithi nating kalayaan at
kapayapaan dahil sa kanilang sakripisyo at kagitingan. Silay nagsilbing inspirasyon sa
mga henerasyon na dumaan dahil buong giting nila hinarap ang mga dayuhan na
sumakop sa ating bansa.
Simula nang akoy musmos pa lang at nagsimulang mag-aral, ang pangalang
Dr. Jose Rizal ang aking kadalasang naririnig at pinag-aaralan. Ang pangalan na iyan
ay sadyang lumilitaw ng lubusan sa kalipunan ng ating mga bayani sa bansa. Masasabi
natin noon na hindi pang-karaniwan ang kanyang pamamaraan ng pakikipaglaban, ang
ng paggamit ng pagsusulat at sining upang ihayag ang kanyang pagrerebolusyon laban
sa mga dayuhan.
Ngunit ngayon, aking napagtanto na si Rizal ay agresibo din sa pagtatanggol ng
kalayaan para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Isa ang pamilyang Rizal na
maimpluwensya at tanyag noon, kaya naman ang kanilang mga kaisipan at mithi ay
kakaiba at malaya. Sa pagkabata ni Rizal ay masasabi na mayroon na siyang ideya sa
kaisipang pampulitikal. Nang siyay mag-aral sa ibang bansa ay tuluyan itong
umusbong at tumibay. Sa tagal ng kanyang pangingibang-bayan ay napagtanto niya na
lahat ng kanyang naranasan at natutunan sa kultura at idealismo ay maari niyang
ibahagi at ilapat sa sistema ng Pilipinas noon.
Mula sa obserbasyon at pag-aalam mabuti ng kanilang pamumuhay at pulitika.
Marami siyang nabuo at sinalihang mga organisasyon, ilan na ditto ang masoneria, na
binubuo ng mga tao na may malayang pag-iisip sa katotohanan, ang Circulo Hispano-

Filipino at ang Kilusang Propaganda. Malaki ang naitulong ng mga organisasyong ito sa
paglinang ng balangkas ng kanyang kaisipang pampulitika.
Ating pag-usapan at talakayin ang ebolusyong kaisipang pampulitika ni Rizal sa
pamamagitan ng kanyang mga katha. Kilala natin ang ating pambansang bayani bilang
isang magaling na manunulat at alagad ng sining. Dahil sa kanyang natatanging talento
ay naipamalas niya sa bawat tao ang kalagayan at pananaw ukol sa pagsakop ng mga
dayuhan sa ating Inang Bayan. Mayroon akong piniling limang akda na sa aking
paningin ay malaki ang kontribusyon upang mailarawan ang pagbabago ng kanyang
kaisipang pampulitikal at ang mga ito ay ang mga sumusunod Sa Aking mga Kabata,
A La Juventud Filipina, El Amor Patrio, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Lumaki ang batang Rizal sa lipunan na nasakop ng mga dayuhan, ang mga
banyagang Espanyol. Kanyang nasaksihan ang mga hindi makataong gawain ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Itoy napagpamulat sa kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa
mga Kastila. Kung kayat naisulat niya sa murang edad ang kanyang pinakaunang tula
na pinamagatan niyang Sa Aking mga Kabata. Dito nagmula ang isa sa
pinakatanyag na kasabihan na Ang hindi magmahal sa kanyang salita. Mahigit sa
hayop at malansang isda. Kanyang idiniin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng
wikang Tagalog sa ating kalayaan at pagkakakilanlan. Inihalintulad niya ang
pambansang wika sa isang sanggol na kailangang alagaan at mahalin. Isa pa ay ang
kasabihan na Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, sa Ingles, Kastila, at salitang
anghel. Sinabi niya na ang isang wika ng isang bansa ay hindi dapat ikumpara sa iba
sapagkat iisa lang ang nagbigay ng lahat ng wika sa mundo at ito ay ang Diyos. Sa
kabuuan, ang kanyang gusting iparating sa kapwa niyang kabata ang pagkakaroon ng
taos-pusong pagmamahal sa wika ay nangangahulugan ng tunay na pagka-Pilipino.
Ang pagkakaroon ng colonial mentality ng mga Pilipino noon man at ngayon ay hindi pa
din nawawala kung kayat sinabi ni Rizal na ituring ang pag-iibig sa wika ay ang daan
upang matamo ang pagkakaisa at kalayaan. Lumilitaw na sa kanyang pagsulat ng
tulang ito na natatanaw niya na ang magiging sanhi ng problema ng mga Pilipino kung
kayat hindi pa din tayo lubusan makalaya sa ating mga mananakop.

Pagkalipas ng sampung taon ay kanyang isinulat ang tulang A La Juventud


Filipina at itoy kanyang inialay para sa mga kabataang Pilipino. Sinasabi na ang
akdang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang
damdaming makabansa. Hinahamon ng tula ang mga kabataan na maging masigasig
sa pagkakaroon ng isang marangal na layunin sa buhay at ito ay ang palayain ang mga
tao sa pagiging ignorante at hangarin na makamit ang kalayaan at dangal. Nais din niya
ipahayag sa tulang ito na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan at ang kalayaan ay
matatamo lamang sa pamamagitan ng pagbibihasa sa sining at siyensya. Dagdag pa,
ang pagkakaroon ng maraming kaalaman ng mga tao ay nagdadala ng karangalan sa
bansa. Umaangat sa tula ang mga ninais niyang paraan sa pag-unlad ng bayan.
Naniniwala ako na sa pagtatamo ng edukasyon ay isang magandang bagay sapagkat
hindi ito mananakaw at mawawala sa iyo. Marahil pareho kami ni Rizal na nagsasabi na
kung ikaw nakapag-aral ay hindi ka mamaliitin at aapihin ng basta. Kaya hinihikayat
niya ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan na bigyang malaking pansin ang
kahalagahan ng edukasyon sa sarili at sa bansa.
Walang makakapantay sa pagmamahal na pinakita ni Jose Rizal sa ating Inang
Bayan. Itoy kanyang naipamalas pa nang naisulat niya ang El Amor Patrio o
Pagmamahal sa Bayan na naglalaman ng mga dahilan kung bakit labis ang kanyang
pagmamahal sa Pilipinas. Ito din ay sinasabi na kanyang unat pinakamagandang
sanaysay na kanyang sinulat. Pinagmamalaki niya na ang pagmamahal sa bayan ay
ang pinakawagas, pinakadakila at pinakamagandang damdamin na tinataglay ng tao.
Dito sa akdang ito, buong-puso niyang inaalay ang kanyang buhay hanggang kanyang
kamatayan para sa kapakanan ng bansa. Masasabi natin ito ang nag-tulak sa kanya na
kalabanin ang mga Espanyol para sa minimithing kalayaan. Uminit man ang pangalang
Rizal sa gobyerno at simbahan, itoy nagsilbing daan para siyay maging simbolong
politikal ng ating bayan.
Ayon sa Philippine Revolution Web Central ng Communist Party of the
Philippines, isinulat ni Rizal ang dalawang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo para maisulong ang pambansa-demokratikong rebolusyong pangkultura.

Rebolusyonhg nangangahulugang pagsalungat sa pambansang kultura sa kolonyal na


kultura na ang mga Kastilang prayle ang pangunahing tagapagtanggol.
Una, ay ang Noli Me Tangere o Huwag mo akong Salingin sa wikang
Tagalog. Sa aking pagsusuri sa nobelang ito, inilarawan ni Rizal ang kanyang
oposisyon sa maling pamamalakad at pagtrato ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Ipinahayag din niya ang kawalang kapantayan na nangyari sa lipunan noon. Idiniin ni
Rizal ang mga kawalang-hiyaan at hindi makataong gawain ng mga makapangyarihan
tulad ng gobyerno at simbahan sa mga inaaliping Pilipino. Mula sa pagtanggal ng
kanilang karapatan at pagpapadanas ng kahirapan sa mga Pilipino. Kanyang lakas na
loob na pinuna at inatake ang simbahan lalo na ang mga Kastilang prayle at ang
gobyerno sa pamamagitan ng lantarang paglalarawan sa mga tunay na pangyayari sa
lipunan noon. Ipinamalas niya ang paraan ng pakikipagrebolusyon gamit lamang ang
pagsusulat at pananalita. Iba man ang kanyang ginawang paraan ay naramdaman ko
ang pagnanais niyang maparating ang mga hinaing ng kanyang kababayan na
nagdurusa. Ang mga tauhan sa akdang ito ay sumasalamin din sa mga kaugalian ng
mga tao noon, mayaman man o hindi. Masama man o mabuti ay naiugnay niya ito sa
impluwensya na dulot ng Kastila sa ating lipunan. Naging malinaw ang naging epekto
ng Noli Me Tangere sa mga Pilipino noon, itoy marahil ang lubhang nagpagising sa
mga taong inalila at inapi ng mga Kastila. Sa kabuuan, nakita natin ang agresibong
Rizal na lantad ang hinanakit at patama sa kanyang kalaban at itoy dahil sa pagnanais
niyang guminhawa ang buhay ng mga Pilipino.

You might also like